Malas

2 16
Avatar for Jadeh
Written by
4 years ago

Nakarinig na ba Kayo SA kasabihang" swerte SA trabaho pero malas SA amo"? Nong nasa probinsya ako dati, naging private secretary ako Ng mag asawang doctor. Ang lalaki eent at Ang babae pediatrician... SA lahat NG mga private secretary sa mga clinic masasabi Kong swerte ako Kasi mas mataas Ang sahod ko compare SA kanila... 7000 a month plus free board and lodging and meal... Lahat NG milk in can at vitamins na binibigay Ng mga med rep Kay doktora binibigay sakin for my daughter...

Pero bakit nasabi Kong malas pa Rin ako,?? Dahil katumbas non ay hirap at pagod... Libre nga SA bahay at pagkain pero dapat pagtrabahuan ko SA Gabi after clinic hours... Imagine, 4 am gising na ako to cook for breakfast nila.. 6am nasa clinic na ako until 7pm... Pagdating ko cook for dinner ulit... May time na kahit Gabi na naglilinis pa ako Ng bahay nila... Kakapagod di ba?? Pag nasa clinic Naman, kahit maraming Tao kapag may ipo ipo yang mga utak nila pinagmumura ako SA harap Ng mga pasyente.. anong mukha pa ihaharap ko? Wala na ,syempre... Iyak ka na Lang... Minsan Hindi ka pa makakain sa tanghali SA sobrang dami Ng pasyente, no time out... Pinaka worst? Ang doktora na Kung saan saan nilalagay pera nya... Kumakatok Naman ako bago pumasok bakit ba Naman ilagay sa gilid Ng lamesa na nakadikit sa dingding Ang isang bundle Ng pera na Tig isang libo?.. Tapos nong nakalimutan nya Kung saan nilagay, pinagbintangan ako na ako kumuha??? Hanep di ba? Una, Hindi sya tumayo o lumabas Ng clinic nya... Tapos sa bag ko hahanapin? Matalino Sana pero , hahaha... Papatawag daw Ng pulis, Sabi ko sige Po... Hindi Naman ako takot Wala Naman sakin eh... Nagsumbong sa asawa nya, Sabi Ng asawa nya, hanapin mo muna baka nakalimutan mo Lang... Ayaw paawat .. pinalabas ako... Hinanap nilang dalawa... Inusog Ng lalaki Ang lamesa nahulog Ang pera, Sabi Ng lalaki , ikaw Naman siguro naglagay dyan... Pinulot na Lang Ng Hindi humingi Ng paumanhin... Magandang ugali di ba???

2
$ 0.00

Comments

nakaksad naman yung ganyan sis,hays ok ng mapagod ka sa trabho huwag ka lang pagbibintangan. Yan yung bagay na hindi hindi ko talaga pwedeng palampasin. Hindi ko naman kasalanan ang pagiging burara niya eh,hays kasura hindi malas tawag diyan sis kung hindi kadakilaan hehehe napaka dakila mo na lahat ng yan nagagawa mo para mataguyod mo pamilya mo.. believe ako sa mga ganyang tao sis..

$ 0.00
4 years ago

Kaya Kong tiisin lahat NG pagod pero pagbintangan akong magnanakaw ibang usapan na yon sis... Porket mahirap Lang tayo, gaganyanin nila... Kahit papaano mas importante Ang dignidad kesa SA pera..

$ 0.00
4 years ago