Totoo pala na kapag buntis ka lahat NG kawerduhan na sayo... Nong pinagbuntis ko Kasi anak ko sumasama pakiramdam ko kapag Hindi ako makakain Ng dinuguan sa tanghali... Ewan ko ba , tuwing umaga para akong lantang gulay na antok na antok ... Walang ganang kumain at maligo ... Iniisip ko Ang tagal Naman magtanghali para makakain ako Ng dinuguan sa paborito Kong karenderya... Tapos Ang paborito Kong nguya nguyain ay tsokolate , tobleron,cloud 9 o di Kaya Choco mucho.... SA Gabi naman, gusto ko lagi akong nasa Jollibee ... Gusto ko Lang makakita Ng spaghetti pero Hindi Naman ako kumain.. kakain ako Ng kanin pero Hindi chicken ulam ko , kundi pineapple juice.. hahaha... Weird no? Totoo Po Yan... Kaya Ayan, Kung gaano ako kaputing babae ganyan natin kaitim anak ko... Hahaha... Minsan tinatanong Ng anak ko bakit daw sya maitim... Hayyy.... Naawa nga ako eh, palaging nyang sinasabi ,nanghihilod Naman ako Mami bakit Hindi ako pumuputi?.. sagot ko na lang., Ok Lang Yan.. maganda ka Naman eh... Morena Kasi anak ko... Ang layo sa kulay Ng balat ko...
Iba iba ang nararamdaman natin pag tayo ay naglilihi..nung ako naman bed riden .ako dahil di ako kumakain at puro yelo lang ang gusto ko haha.