Bahay

4 8
Avatar for Jadeh
Written by
4 years ago

It was year 1999 nong lumipat kami SA probinsya.. pinatira Lang kami SA bahay Ng mga kapatid Ni mama... Since, mag aasawa na sila kami na Ang tumira Doon... Simula 7 years old ako hanggang lumaki ako Doon kami nakatira... SA haba Ng panahon dahil gawa Ng SA kawayan at kahoy Ang bahay, sira na at maraming butas... Dahil SA hirap ng buhay at palaging kapos Hindi namin paayos... Ang dami Ng butas at bagsak na pati mga haligi... Yong tipong babagsak na talaga o di Kaya mapapalid na Ng malakas na hangin... Tumutulo na mga bubong sa kwarto at kusina... Palaging tanong Ng mama ko sa papa,kelan Kaya natin mapapayos to??

Simula Ng nagtrabaho ako, lahat NG pagod tiinis ko... Kahit masama pakiramdam ko, ayaw kong umabsent iniisip ko sayang Ang kikitain ko SA isang araw... kailangan ko mag ipon para makapagpatayo ako Ng bagong bahay para sa pamilya ko... Taon din Ang hinintay ko para makapagpagawa ... Dahil mas inuuna ko allowance Ng mga kapatid ko sa school ,mga kailangan nila ,bigas, ulam at SA loob Ng bahay... Sustento din sa anak ko...

Nagsimula kaming magpagawa noong December... Hindi pa lubusang tapos dahil naabutan Ng Covid19 pero nakalipat na sila... may mga kulang pang tiles sa floor, jealousy na bintana at division Ng dingding SA kwarto... . Pero pwede Ng matirhan... Hindi pala biro magpagawa Ng bahay noh? Dahil sa ambisyon Kong mapasaya sila nagpagawa ako Ng up and down... semento SA baba at kahoy sa taas.. 2 kwarto SA baba 2 din sa taas... pati sa kusina may isang kwarto... 2 din Ang cr sa loob at labas..Magastos pala talaga... Pero Keri Lang! Hanggat Kaya ko at may lakas pa! Aja!!

Alam Kong kahit papaano masaya magulang ko... Yon Lang Naman Ang pangarap ko eh... Makitang masaya mga magulang ko...

Sana makabalik na tayo SA mga trabaho natin... Para matapos ko na talaga...

3
$ 0.00

Comments

Sabi ka sa kasabihan aanhin mo ang bahay na bato "kung ang nakatira ay kwago dun kana sa bahay ay kubo kung ang nakatira ay tao" kaya ano man ang maging tahanan basta mabuti kalooban ng nga nakatira,pagpapalain ng panginoon..

$ 0.00
4 years ago

Pagpumunta mga kaklase ko dati SA bahay nahihiya ako... Kasi sira bahay namin... Pero Sabi Ng mga kaklase ko ok, di baling sira mababait Naman nakatira... Mas mabuti pa daw pumunta SA bahay Ng mahirap, Kasi pag uwi nila dami nilang bitbit pauwi kesa pumunta SA bahay na maganda na kahit alok Ng isang basong tubig Hindi magawa...

$ 0.00
4 years ago

tama..hehehe may alam ako na ganyan anv ugali,hahaha ni isang basong tubig hindi makapag alok..kaya mas masarap pumunta sa bahay ng mahirap kasi dama mo na welcome ka.

$ 0.00
4 years ago

Sila Yong mga taong walang wala na, pero kulang na lng ipadala sayo pauwi lahat NG meron sila...

$ 0.00
4 years ago