Araw Ng pagtakas: malas part 3

0 17
Avatar for Jadeh
Written by
3 years ago

Tapos na Ang bakasyon nila... Byernes dumating sila pagka sunod na araw balik trabaho silang mag asawa... Sabado nagpaalam ako na uuwi sa bukid para Makita ko anak ko... Pumayag sila, Ito na Ang pagkakataon na makakatakas ako... Tinapos ko Ang buong araw sa pagtanggap Ng mga pasyente.. tiniis ko gutom at uhaw na nararamdaman ko...Kasi 100 pesos na Lang pera Tama Lang pamasahe pauwi SA Amin... Feeling ko mahihimatay na ako non SA sobrang gutom ... Alas 3 na Ng hapon pero Hindi pa ako nakakain mabuti na Lang may matanda akong pasyente na naawa sakin Kasi Alam nyang Wala pa along Kain dahil ilang oras na din silang naghihintay SA doktor... Binigyan ako Ng cucumber juice na matabang at siopao.. Hindi ako umiinom Ng ganyang juice pero naubos ko yon... hanggang maubos lahat NG pasyente alas 7 Ng Gabi.. nagpaalam ako ulit na derecho na ako pauwi SA bukid.. una nag alinlangan pang Ibigay sahod ko baka daw Hindi na ako bumalik, pero Sabi Ng lalaki Ibigay na daw.. tinanggap ko sahod ... Kaya Ng gabing iyon dala ko lahat NG gamit ko... Dinala Ng katabi Kong secretary sa gas station ... Para Hindi mahalata na madami akong dala.. Umuwi ako kahit gabing Gabi na... Nagulat magulang ko noon... Pero SAbi ko Hindi na ako babalik Kasi Hindi ko na Kaya ugali Ng mga amo ko..

1
$ 0.00

Comments