Kabilang ang Curly Tops sa mga tsokolate na sobrang popular noon sa mga Pilipino
Bata man o matanda ay tinangkilik ito at talaga namang nakapaghahatid ng tuwa ang bawat kahon
Sa isang post, binalikan ng marami ang mga panahon kung kailan sapat na ang popular na tsokolateng ito para pasayahin sila
Isa ka ba sa mga tumangkilik at patuloy na tumatangkilik ng Pinoy favorite na Curly Tops? May mga alaala rin ba na ibinabalik sa iyo ang maliliit na tsokolateng ito?
Kabilang ang Curly Tops sa mga tsokolate na sobrang popular noon sa mga Pilipino. Bata man o matanda ay tinangkilik ito at talaga namang nakapaghahatid ng tuwa ang bawat kahon.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Noon at Ngayon, binalikan ng marami ang mga panahon kung kailan sapat na ang popular na tsokolateng ito para pasayahin sila. May mga nagsabing paborito nila ito, may mga nagbahagi na ito ang madalas nilang matanggap na pasalubong, at may mga nagkuwento rin ng mga gunitang nabuo dahil sa pagkaing ito.
“Ang saya-saya na naming magkakapatid kapag umuuwi ang lola namin galing sa palengke at iyan ang pasalubong sa amin,” kuwento ng social media user na si Gee Ai Cabayacruz.
“Dati kapag may ganito ako e ang saya-saya ko. Kapag may nagbigay sa akin nito, feel ko napaka-special kong tao. Dahil diyan, napagtanto ko na Curly Tops lang pala ay masaya na ako,” ani Mau Lacerna.
“Noong Grade 5, ito iyong premyo ng classmate ko dahil wala siyang absent sa loob ng dalawang buwan. Nainggit kaming lahat kaya nagsikap din kami na hindi um-absent. After two months, siyam kami na walang absent at ang premyo namin ay tig-iisang pack ng Timbura dahil ‘di nakaya ng titser namin na magbigay ng Curly Tops,” pagbabahagi ni Luciano Panta, Jr.
Samantala, marami rin ang nagsabi na hanggang ngayon, kahit marami nang brands ng tsokolate ang nagsulputan, ay hindi pa rin nila ipinagpapalit ang Curly Tops na nakasanayan.
hahahahahaha kyeoooo