Ang kwentong ito ay nakasaad sa sagradong aklat na siyang matatagpuan sa lumang tipan ng biblia ng Genesis 11:1-9. Ito ay tumatalakay sa mga taong nais magtayo ng isang tore na aabot sa langit, dahil nais ng mga tao na sila'y makapunta roon.
"Ang lokasyon ng tore ay nasa sinaunang Mesopotamia sa eastern bank ng Euphrates River. Ayon sa mga taong nag-aaral ng biblia, naniniwala sila na ang tore ay isang uri ng stepped pyramid na tinatawag na ziggurat, sa dako ng Babylonia."
...
...
Batay sa salaysay ng biblia, gusto ng mga tao na gumawa ng isang mataas na tore na ang taluktok ay aabot hanggang sa langit, sapagkat hangad nilang makapunta sa kalangitan. Ngunit hindi sila makapupunta sa langit sa pamamagitan ng pag-akyat, kailangang sundin ng mga tao ang utos ng Diyos upang sila'y makapunta roon.
Itinayo ng mga tao ang tore hindi para sa pagsamba at pagpupuri sa Diyos, sa halip para sa kaluwalhatian ng tao, na may hangarin o motibong gumawa ng sariling "pangalan" para sa mga tagapagtayo: "Igawa natin ang ating sarili ng isang pangalan, baka tayo magkahiwa-hiwalay sa balat ng lupa." (Genesis 11:4).
Nakita ng Diyos na gumagawa ng tore ang mga tao, at ito ay 'di nagustuhan ng Diyos. Kaya't ginulo at pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang mga wika at "pinaghiwa-hiwalay sa balat ng lupa mula sa pook na yaon".
Samantala, si Jared at ang kaniyang kapatid na lalaki ay nakatira malapit sa tore. Sila ay mabubuting tao, minahal nila at sinunod ang Diyos. Ang kapatid na lalaki ni Jared ay nanalangin sa Diyos at hiniling niyang huwag baguhin ng Diyos ang kanilang wika. Sapagkat, gusto nilang makausap ang kanilang mga mag-anak.
...
Ang kwento ng mitolohiyang ito ay tinawag na "the tower of babel" sapagkat ang salitang "Babel" ay nangangahulugang "upang malito". Naobserbahan ng Diyos kung ano ang isang malakas na puwersa ng pagkakaisa ng mga tao sa paraang paglikha ng mga bagay. Bilang isang resulta, nalito Niya ang kanilang wika, na nagdulot sa kanila na magsalita ng maraming iba't ibang mga wika upang hindi nila maintindihan ang bawat isa. Sa pamamagitan nito, sinira ng Diyos ang kanilang mga plano. Pinilit din niya ang mga tao ng lungsod na magkalat sa buong mundo.
Thank you for informing us about the Bible Keep it up