ULAN

0 3

Nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang ulan,

Ulan...

Sa bawat patak tila musikang umaalingaw.

Tila ba ako'y dinuduyan sa gitna ng paraisong akala'y hindi kailanman matatanaw,

Bawat patak mo sa mga halama'y nagbibigay ng kulay at buhay.

Ulan...

Sa bawat patak mo'y alaala ng kahapon ay muling nanumbalik,

Saya ng kahapon na puno ng pananabik.

Ngunit sa iyong pagtila, tila ang pananabik ay napalitan ng lungkot at pait,

Dahil sa alaalang hindi na muling babalik.

Sponsors of Jabs
empty
empty
empty

1
$ 0.00
Sponsors of Jabs
empty
empty
empty

Comments

Ang saklap nga naman hatid nitong ulan. Malulungkot na sandali ng ako'y hindi pa iniiwan. 😔

$ 0.00
3 years ago

Thanks sa comment.

$ 0.00
3 years ago