Kaibigan

6 9

Kaibigan. Sila lang naman yung mga taong kasama mo sa kalokohan. Yung sasamahan ka sa anumang trip mo sa buhay. Yung tipong tingin pa lang alam mo na kung ano ang ibig niyang sabihin. Tatawa kahit walang nakakatawa.

Kaibigan. Sila lang naman yung sabihan mo ng mga sekreto. Nakapagsinabi mo sa isa kailangan sabihin mo din sa iba. Minsan pa sinabi mo sa isa, sinabi nya din sa iba. Oh di ba secret. Hahahaha

Kaibigan. Sila lang naman yung kakwentuhan mo tungkol sa lovelife mo. Na mas una pang kikinilig kesa sayo, tapos may kasama pang hampas sa balikat o likod mo. Hindi pa yan. May kasama pa yang ayiee, talon at tulak kapag nandyan ang crush mo.

Kaibigan. Sila lang naman yung tagapayo at tagapakinig sayo. Kung baga dainggan at sandalan mo kapag may problema ka, lalo na sa lovelife mo. Mag -aadvice ng kung ano ano para lang gumaan ang pakiramdam mo. Icocomfort ka. Tatapikin ka. Sasabihan ka na "okay lang yan" ,"kaya mo yan".

Kaibigan. Sila lang namang yung totoo sayo. Yung sasabihin ang mali mo. Harsh pa nga minsan magsalita. Hindi magsusugarcoat sa mga sasabihin. Harsh kung harsh. Prangka kung prangka. Ganyan sila.

Kaibigan. Sila lang naman yung hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Hindi man kayo magkita kita, mananatili pa rin kayong magkaibigan.

Kaibigan.

~~ Magandang hapon ~~

Sponsors of Jabs
empty
empty
empty

5
$ 0.14
$ 0.14 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Jabs
empty
empty
empty

Comments

tama boss basta yung mga totong kaibigan mo yan yu g mgasasabi at pupuna sa mga mali mo gingawa sila yung masasandalan mo tlaga hindi plastik,yung iba kaibigan ka kasi napapakinabangan ka nila dami ganun hahaha

$ 0.00
3 years ago

Tama po kayo dyan. Bihira lang makatagpo ng mga tunay na kaibigan kaya dapat din silang ingatan.

$ 0.00
3 years ago

kaibigan lng pla kaibigan lng pala napawi ang aking padaramdam.

$ 0.00
3 years ago

I think it'll be nice if this post or article was translated also in English, so most people can understand. But overall nice post, I guess.

$ 0.00
3 years ago

Thanks for your suggestion. I uncautiously posted it this community. Don't worry I'll try to work on it. 😊

$ 0.00
3 years ago

I have an article in english, hope you'll like it. Please subscribe thank you.

$ 0.00
3 years ago