Good afternoon.
Kaninang umaga wala talaga akong maisip na gawin article kaya comment and reply ang ginawa ko. Pero ngayon habang gumagala ang mata ko sa loob ng bahay, may nakaagaw ng atensyon ko. Yung mga pamangkin ko.
Hindi ko alam, pero habang tinitingnan ko silang naglalarong magkapatid bigla akong nakaramdam ng inggit. (nagiging sentimental tuloy ako)
Sa panahon ngayon na may pinagdadaanan ang buong mundo, hindi ko maiwasang isipin na sana katulad ng mga pamangkin ko, bata na lang din ako. Yung tipong wala kang ibang iisip kundi maglaro lang maghapon. Kung may pinoproblema man eh yun ay kung anong gusto nilang ulamin. Haha di ba nakakainggit? Ang simple simple ng problema nila.
Hindi ko naman sinasabing matanda na ako ha? Nasa 20+ pa lang naman ako. Siguro ito yung stage na may gusto kang patunayan hindi lang sa sarili mo kundi pati sa ibang tao. Kaya siguro madaming pumapasok sa isip ko. Hindi ko din namang masabi na problema ang mga yun pero bumabagabag sila sa sa akin. Katulad na lang ngayon, may covid -19 na talagang hassle sa buhay, hindi ko maiwasan mag isip na pa'no na ang trabaho ko. Nagbibiruan kami ng kaibigan ko na baka mawalan kami ng trabaho. Pero kahit pa biruan lang usapan namin hindi ko maiwasang isipin na pa'no nga kung talagang mawalan kami ng trabaho. Ano ng mangyayari? Sigurado ako hirap maghanap ng trabaho dahil sa covid. Gusto kong maging positive pero hindi pa rin maiwasang mag isip ng nega...
Hay... Kaya ayun. Biglang pumasok sa isip ko na masaya talagang maging bata. Gusto ko mang balikan pero imposible na.
Hahaha yun lang.
Thank you!
Amazing