Nagsimula ang lahat sa laro,
Hanggang nasundan ng mga biro,
At dito na nagsimula,
Ang kwento nating dalawa.
Tayo'y magkababata na walang alam kundi laro,
Habulan, taguan, at kulitan,
Minsan pa'y may kasamang asaran,
Na nauuwi din minsan sa awayan.
Hindi magpapansinan kapag may tampuhan,
Walang lingon - lingon kung madaanan,
Na para bang hindi magkakilala't magkaibigan,
At dyan matatapos ang araw na walang batian.
Sa eskwela tayo ang laging magkasama,
Magkatabi sa upuan at kung saan man,
Sabay kakain ng baon,
At sabay din uuwi pagdating ng hapon.
Lumipas ang mga araw, buwan, at taon,
Naging tuksuhan tayo ng tao,
Hanggang sa naging tayo,
Nang walang ano -ano.
Tayo'y naging masaya,
Walang problemang inaalala,
Sabay na nangarap,
Para sa isa't isa.
Pangakong di iiwan,
Magpakailanman,
Sabay aabutin mga pangarap na binitawan,
At magsasama hanggang kamatayan.
Nagdaan pa ang mga taon,
Mga buhay nati'y patuloy na gumugulong,
Pangarap na binitawan,
Unti unti ng nakakamtan.
Tayo sa isa't isa'y laging nakaalalay,
Laging nasa likod at nakasuporta,
Sa unti unting pag-angat,
Tayo'y parehong masaya.
Sabay tayong lumaban,
Kailanman hindi sumuko't bumitaw,
Patuloy na tumatayo,
Sa mga dumadating na pagsubok.
At sa huli, hindi tayo sumuko,
Sabay nating naabot ang ating mga gusto,
Nakakalungkot lang isipin, na sa pag-abot ng ating mga pangarap,
Iba na ang ating kapiling.
Ito ang ating kwento.
Though I can't understand your words and I can't understand this language but I am sure that I is a very nice article.