What kind of friend do I have

5 31
Avatar for Ja_ne
Written by
3 years ago

I am so bored, so I decided to write an article about "what kind of friends do I have" and I really miss my friends. Because of the Covid 19 pandemic, the school year is flexible and we don't have face-to-face classes.So we'll only see each other once in a while.

https://unsplash.com/photos/Cecb0_8Hx-o?utm_source=unsplash&

First I have a friends like:

  • The marupokkks

  • The Matalino

  • The kopyarisk

  • The palabiro

  • The taga paaalam saakin kapag aalis kami

Let's talk about my friend na....

1.The muropokkss

Lead image:unplash

Yes I have a friend like that,balik ng balik kapag nasaktan ulit iiyak at mag yayaya sa inuman akala mo naman umiinom talaga lol! Minsan habang nag lalakad kami papuntang school lagi niyang bukang bibig ang kanyang boyfriend or let's call him "ex boyfriend" marami siyang kwenekwento about sa mga sweet moments nila na akala niya wala ng kataposan,kami naman na nakikinig sakanya ay naririndi na dahil paulit ulit nalang siya tuwing masasaktan siya nag prepretend na lang kami na nakikinig dahil ayaw namin siyang mag tampo,ang hirap pa naman suyuin shuta haha!

2.The Matalino

Lead image:unplash

Ito talaga ang favorite kung kaibigan (joke just kidding) pero sa totoo lang gustong gusto ko siyang katabi tuwing recitation because lagi niya akong pinapaalalahanan na mag review habang wala pa ang aming teacher,ako naman na mahina ang brain sumusunod sa kanya dahil ayaw kung ma zero sa recitation namin at mapahiya sa klase kapag tinwag na ang mga nakakuha ng "zero score" yes inaamin ko nung high school days ko lagi akong nakakakuha ng zero score ngunit wala Lang iyon saakin dahil Isa yata akung dakilang tamad lol! (Charr) pero atleast naka pagtapos ako at ang aking mga kaibigan sa high school na may award mwehehe medyo tumalino ako dahil sakanya lol!

3.Kopyarisk

Lead image:unplash

Tanda ko nung nag ttake kami ng quizzes may naramdaman ako na parang tumatawag saakin at guess what ,ang aking kaibigan na ilang araw absent dahil daw sa sakit Ng tiyan ngunit laging nasa galaan. Kaya ko tinawag na KOPYARISK dahil nung time na iyon muntikan na kaming mahuli at muntikan nakung ma zero dahil sakanya ngunit sa huli nanaig parin ang mga plano niya ngunit iniba ko naman ang mga sagot ko(ayaw ko na uli mapagalitan),kaya ginawa ko iyon haha!!shout out sa kaibigan ko diyan kung nabasa mo ito sorry Tao Lang:>

4.The laging late

Unplash

Noong High school life,hindi talaga natin matatanggi ang pagiging late natin o mga kaibigan natin lol! Naalala ko late na nga ang subject teacher namin wala parin ang kaibigan ko,habang nag klaklase ang subject teacher namin nakita ko ang dalawa kung kaibigan na nag tatawanan habang nakatingin saakin,siguro napansin iyon ng aking guro kaya pinatayo nila ako at pinasagot sa board buti na lang medyo may laman ang utak ko nung time na iyon. At napansin ni ma'am na may tao doon sa likod ng pinto pumunta at tiningnan ni ma'am,nagulat na lamang kami ng biglang mag taas Ng Boses si ma'am at pinapunta ang dalawa kung kaibigan sa office ng aming adviser at pinag florwax haha!!

5.The taga paalam saakin kapag gagala

Aminin nyo meron din kayo nitong kaibigan lol!Kasi ako lahat ata ng kaibigan ko lagi akong pinapaalam sa mga magulang ko kapag may pupuntahan kami or matutulog sa Isa namin kaibigan, minsan hindi din ako pinapayagan dahil may rason rin sila mama kaya sumusunod nlang ako. Naalala ko noong high school days namin pupunta sana kami ng SM upang bumili ng regalo,ngunit alam nilang hindi ako papayagan dahil medyo may kalayuan ang Mall sa aming lugar,kaya nung Gabi na iyon habang kumakain kami nila mama may naririnig akong tumatawa at may tumatawag rin saaking pangalan kaya dali dali akong lumabas at tiningnan nan iyon,yun pala ay ang mga kaibigan kung may dala dalang pagkain at gamit. Syempre pinapasok ko sila dahil umaambon din iyon at tinanong ko sila Kung bakit marami silang dalang pagkain at gamit yun pala ibibigay pala nila sa mama ko ang isang shoulder bag at chocolate sa papa ko Naman ay isang boteng alak kaya nag taka ako kung bakit nila un ibinigay yun pala may hihingin silang kapalit (natatawa ako habang tinatype Ito haha) syempre nagulat sila mama kaya dali dali nilang tinanong ang mga kaibigan ko at sinabi ng Isa Kung kaibigan na si grace na sana ay payagan daw akong sumama sa kanila sa mall pag katapos niya iyon sabihin bigla na lamang natawa sila mama dahil sa sinabi Ng kaibigan ko haha!! At sa huli pinayagan Rin ako at ibinalik nila mama at papa ang mga ibinigay ng mga kaibigan ko. Tawang tawa na lamang ako Ng time na iyon,nope hanggang ngayon pala HAHA!!!

________________________

Author's note:

Habang nakakasama natin ang malalapit saatin huwag natin sayangin ang mga oras na iyon dahil sa huli hahanap hanapin natin sila at iisipin ang mga nagawa natin noong tayo'y buo pa at mag kakasamaʕ´• ᴥ•̥`ʔ

(ps. Sa Lima Kung kaibigan dalawa na lamang ang minsan Kung nakakasama dahil yung tatlo sa kanila ay umuwi na ng probinsya, nakakalungkot lang dahil hindi na masaya yung dati naming squad (ᗒᗩᗕ)) and thank you po SA lahat ng nag cocoment at nag uupvote sa aking previous articles ༼ つ ◕‿◕ ༽つ

-Thank you for reading

2
$ 0.20
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @renren16
$ 0.05 from @Bleng
+ 1
Sponsors of Ja_ne
empty
empty
empty
Avatar for Ja_ne
Written by
3 years ago

Comments

Nakakatuwa talaga kapag buo ang isang squad haha nakakamiss tuloy gumala with a squad

$ 0.00
3 years ago

Ganda pag iba ibang klase ng friends meron tau.. Ansaya nun

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po eh ibat ibang ugali ang madidiscover mo sa kanila haha

$ 0.00
3 years ago

hihi.. Ang dami mo pala talagang friends sis noh.. Well, masaya ako para sayo dahik marami ka'ng kasama sa hirap at ginhawa, especially na sa mga kalokohan.😅

God bless you sis!😇🙏❤️

$ 0.00
3 years ago

Hahaha gustong gusto ko talaga sila kasama sa mga kalokohan haha,mas Alam pa nila ugali ko kisa sa mga magulang ko djk HAHAHAH

$ 0.00
3 years ago