"Whistleblower" part 1

0 22

Isang malakas na sigaw at kalabog ang gumising kay Anthony, Aray! Aray! Mga walang hiya kayo! Boses ng isang babae ang kanyang narinig, dali-daling lumapit si Anthony sa pinanggagalingan ng ingay, doon ay inabotan nya ang grupo ni Charles na pinagsasamantalanhan ang hubot hubad na biktima nila. Ano ba kayo wala yan sa utos ni boss atin, pasigaw na sambit ni Anthony sa kanyang mga kasama, ano ba pakialam mo Anthony eh baguhan ka lang naman sa grupo na ito eh. Porket malakas ka kay boss eh ang lakas lakas na ng loob mo. Ito ang ginagawa namin sa bawat biktima namin, eh para sa anu pa, papatayin lng naman, paglalaruan muna namin sya, sayang naman eh. Nakangising tugon ni Charles, gulat na gulat naman si Anthony sa kanyang narinig, ah papatayin akala ko ba hihinge lang tayo ng ransom money sa pamilya nya at papakawalan din natin ang bawat biktima natin. Sabay sabay na humalakhak ang mga kaharap ni Anthony, sino ba ang nag sabi sayo nyan? Tanong ni Tisoy, si boss ba? Eh sya nga ang unang tumikim dito eh, segunda mano nalang kami. Kaya Kung ako sayo Anthony qng ayaw mong mapa hamak huwag kang makikialam. Malakas na kabkg s dibdib ang naramdaman ni Anthony ng mga sandling yun, hindi nya lubos maisip na kumapit sya sa patalim na buhay ng Iba ang magiging kapalit.

Mag a-alas onse na ng gabi ngunit gising parin si Anthony habang ang Iba nyang ka samahan nya maingay na nag iinoman. Pumunta si Anthony sa kinaroroonan ng babae, binigyan nya ito ng tubig, awang awa sya sa sinapit nito, umiyak ng umiyak ang babae, tulungan mo ko, ayoko pang namatay, sambit nito. Walang magawa si Anthony kahit gustohin nya man n tulungan ito, bantay sarado ang gusali na pinagtitinggahan nila at alam nyang manganganib din ang kanyang buhay. Kinabukasan ginising ulit si Anthony ng isang malakas na sigaw, ngunit Iba yun sa unang narinig nya ma's matindi ang emosyon at ang galit na pinupukol ni Charles sa biktima nila, ayaw nyang marinig ang bawat hikbi ng babae, sunod sunod na sampal at suntok ang kanyang naririnig at maya maya ay isang putok ng baril ang kanyang narinig, pinatay ni Charles ang babae sa kadahilanan na nag sumbong ang pamilya nito sa mga pulis at hindi tumugon sa na pag usapan nila. Nanginginig sa takot si Anthony, ni hindi magawang silipin o sulyapan man lang kaawa awang emahe ng babae... Anthony tawag ni Charles, oh ano pa ang hinihintay mo, e despatcha mo na ito, pangusong itinuro ni Charles ang walang buhay na babae, sa takot ay napilitang sumunod si Anthony........ Continuation..

-2
$ 0.00

Comments