Magandang gabi! Nagpa vaccine na ako guys kanina hehhehe, ngayon medyo may sinat ako, at ang sakit ng mga katawan ko pero side effect talaga daw ito ng bakuna, Pfizer pala yung bakuna na tinurok sa akin, mino- monitor ako nong nurse na nag bakuna sa akin meron kasi akong allergy. Napilitan talaga ako magpa bakuna kasi super higpit na dito sa amin, at yung aming butihing governador na si Chiz Escudero ay may ibibigay na 1Million sa LGU na may pinaka maraming nag pa bakuna, meron ding barangay dito na ang pakulo naman ay raffle, ang maswerteng mabubunot ay makakatanggap ng 100 Square meter na lupa. Kaya pag hindi nag pabakuna bawal lumabas, yung lahat ng sasakyan dito sa amin hinahanapan na ang Bawat pasahero ng vaccination card, no choice talaga kaya magpapabakuna.
5 comments
Ang generous nman ni Chiz, maayudahan yong mananalong area pati na ng 100 square meter na lupa. Sana all. 😆
Ayos iyan sana mabunot ika ngane ugwa naman kita sadiring daga .. hahaha
Bako man ito dgd samo, duman ito sa sorsogon City hahha
Wow kahit yung lupa na lang panalo ka na eh. Tama po yan malay nyo at swertihin pa kayo, divaaa instant lupa. Congrats po sa inyong first dose. Pahinga lang po at inom paracetamol.
Congrats mam.ok lang yan pahinga at take gamot