Magluluto palang ako, medyo busy kasi eh ang daminG bumili sa tindahan namin. Papaya ang lulutuin ko ngayon, e gigisa ko lang ito sa sardinas at itlog, pag ginataan kasi hindi kumakain yung mga kasama ko dito sa bahay eh. Hindi sila mahilig sa mga ginataan na gulay ma's gusto nila yung gisa o kaya adobo. Happy lunch time sa mga kumakain na😊
@JOYLATONERO in November 2021
Nagising ako kagabi kasi ang ingay ng mga aso namin, bumaba ako sa first floor kasi doon sila natutulog, pag punta ko ng kitchen namin ang daminG Dugo at ang langsa ng amoy,maraming feathers, na takot ako, pag tingin ko sa kabilang dako, meron akong nakitang maliliit na paw prints, sinundan ko, nakita ko yung puppy ko may kinakain na Paa ng manok, na takot at kinabahan ako kasi kinain nya yung pang sabong ni papa na manok😭.... Dali dali Kong lininis na walang makitang…
Nakatulog na rin ang makulit ko na pamangkin, ang hirap pala mag alaga ng bata hehehe, wala kasi yung nanay nya nag trabaho, Iniwan muna kay mama yung anak nya, since busy si mama ako muna ang nag alaga... Ang hirap nya patulugin, ang cute cute nya parang gusto ko syang Gisingin 😂
BUHAY MAGSASAKA Mainit na pag kahapon, nagbibilad kami ngayon ng palay, para sa akin ito yung pinaka mahirap gawin kasi pag nagbibilad kami ng palay minsan bigla na lang uulan... O kaya naman kapag ang palay hindi nabilad ka agad dahil sa pa laging umuulan, hindi magiging maganda ang bigas, at bibilihin nalang sa murang presyo, kaya kailangan nabibilad ka agad, meron naman tinatawag na dryer para sa palay para kahit walang init galing sa araw makakapag pa-dry ng palay pero…
Yung feeling na gusto mo pa Matulog tapos may pilit na gumigising sayo😂 Linabas ko ng bahay yung puppy ko (yan na brown) para ma kapag takbo takbo din sya sa malawak na Lugar. Good afternoon 😊
I bought something for my tutee 😊 Kararating ko lang guys, nag malling kasi ako kanina, at binilihan ko ng tsenelas yung tinuturuan ko na bata, actually kinuha ako ng mama non para turuan yung anak nya magbasa, 50 pesos per hour napaka mura noh, 3 hrs ako nagtuturo sa kanya kaya nasa 150 rin yung bayad sa akin. Kaya lang ni piso wala pa akong natatanggap na bayad pero hindi na siguro ako magpapabayad kasi hirap din sila sa buhay, sa bawat punta ko doon sa bahay nila noodles…
Wala na syang ibang mahanap na mapangitlogan sa loob na lang ng kaldero😂 Mabuti nalang sa nangitlog sya sa hindi na namin ginagamit na kaldero. Native na manok po yan, ang manok po kasi dito sa amin hindi nakakulong sila na mismo naghahanap ng pagkain nila, kaya Kung saan saan din sila nangingitlog minsan nga sa madamo o kaya naman sa bahay ng kapitbahay namin, nagugulat nalang kami ihahatid ng kapitbahay namin may sisiw na😂
Ginagawa nyo din ba ito? Ang tawag nyan sa amin ay tinutungan, yung kinayod na niyog ay ni lalagyan ng "BAGA" nakaka dagdag kasi yan ng aroma doon sa magiging gata ng niyog, kadalasan na nilalagyan nyan ay native na manok o ma's kilala sa tawag na " tinutungan na manok"
Hulaan nyo nga Kung ano ito? 😂 Clue: *Maliliit sila *kulay abo (gray) ang balahibo *nagngangat-ngat ng damit * kinakain ito ng pusa😂 Nakakaawa sila patayin, baka hanapin sila ng mommy nila 😢
Upo at kalabasa seedlings 😊 Ang cute nila tingnan, ito naman guys ang panibagong gulay na itatanim namin, Bawat bakante na lupa tinataniman namin na gulay para may ma hugot kami sa oras na magluluto na, mas gusto ko ang kalabasa kaysa sa upo, ang kalabasa kasi pwede ilagay sa itlog, pwede din syang gawin na squash pancake, marami ang kalabasa na pweding magawa na recipe.
Mapait man ako sa iyong panlasa, maginhawang katawan naman ang aking dala.😊 Good afternoon, rente-ready ko na yung lulutuin ko mamaya, pag AMPALAYA kasi ang lulutuin namin pagkahiwa, binabaad muna namin sa tubig na may asin ng 30 minutes saka lulutuin para hindi sya masyadong mapait.
Kakarating ko lang ng bahay guys, bad news ka agad ang dinatnan ko, e kasi ba naman yung cute ko na fur baby,😂 nangupit ng 100 peso Bill sa lalagyan ng pera ni mama at kinain nya, hindi namin alam Kung parati ba syang kumukuha ng pera, Hay, nagkaroon tuloy ako ng bayarin, yung ka katipid ko halos hindi na nga ako nag e- snack ma katipid lang. 😩
#throw back picture After ko mag graduate sa college, DSWD ang Unang government office ang tumanggap sa akin, naging 4 P's validator ako, ang 4p's pala guys, program yan ng dswd para sa mga mahihirap na pamilya, every 3 months yung mga beneficiary nila ay binibigyan nila ng ayudang pera, bigas at scholarship, hindi ko alam Kung meron din nyan sainyo. So yung work ko ay house to house validator ako, tiningnan namin Kung ano na ang status ng pamumuhay nila,.. Ang hirap ng work…
Pagka Gising ko natanaw ko ka agad yung pato namin na nasa taas ng bubong 😁, parang malalim ang iniisip nya heheheh, nakakalipad ang mga pato pero mabilisan lang dahil sa bigat ng kanilang katawan. Makulimlim na pagka umaga 😊
Fried okra 😋 Yung ayaw dyan sa madudulas 😂, e preto nyo mawawala yan. Hahaha MASARAP at masustansya. Meryenda tayo guys, pwede itong e ulam sa kanin pero ako kinakain ko lang sya, sinasawsaw ko sa Suka. Ingredients: 1 egg 1/2 cup of flour Pinch of salt (Konting crispy fry, yung linalagay ito sa chicken pag peneprito ) Bawang, sibuyas, paminta
Naglakwatsa sila kagabi, kaya hanggang ngayon tulog parin😂 Lunch po tayo, gigisingin ko na sila at kakain na kami , ay mga palamunin ko yan dito sa bahay lalapit pag kakain lang😅
Good afternoon 😊 Kakarating ko lang ng bahay, dalawang araw kami nag semenar ng fiancee ko sa simbahan, sa susunod na araw interview naman sa priest ang aming e undergo. Ang daminG tinuro sa amin guys pero ang pinaka tumatak sa isip ko ay yung topic na "personhood", sabi ng speaker namin lahat daw ng tao meron bad side and good side, minsan naga galit ang mag asawa sa isat isa kasi ang nakikita nalang ay yung bad side. Parati daw titingnan parin yung good side ng isang tao,…
Baby fish 😊 Magandang buhay! Maaga kami Gumising ngayon kasi kumuha kami ng mga maliliit na isda sa fishpond namin at ililipat namin ito doon sa bagong pagawang fishpond ni papa, tilapia pala yan na isda. Ang dami kasing mga baby fish na eh, minsan benebenta namin yan piso ang Bawat isa.
Goodmorning 😍 Meet my three cute but naughty fur babies 😂, tambay tambay lang, nag early walking kami,... Enjoy silang mag lakad lakad, nag habulan sila sa damohan, galit na galit si mama kasi madumi ang mga Paa nila, pero sila na mismo nag linis ng mga sarili nila, sa sofa kasi sila natutulog o kaya nagpapahinga kaya dapat ma linis sila pag papasok sa bahay.
Good evening! Guys, pa support naman po, she was my former student, candidate po sya sa BIDA STAR WILD CARD ang full name nya po ay IREN ROSE MAN LANGIT GUTIERREZ.mag coclose po ung votings on Monday afternoon before the next Elimination....You can support din po by sending stars sa Friday sa page po Ng ABSCBN starhunt Nuod po kayo mag lilive po ULIT siya doon. Pwede niyo din po sya e follow sa kumu ito ang account nya https://app.kumu.ph/bida_irene Brief description about…
Magandang gabi! Nagpa vaccine na ako guys kanina hehhehe, ngayon medyo may sinat ako, at ang sakit ng mga katawan ko pero side effect talaga daw ito ng bakuna, Pfizer pala yung bakuna na tinurok sa akin, mino- monitor ako nong nurse na nag bakuna sa akin meron kasi akong allergy. Napilitan talaga ako magpa bakuna kasi super higpit na dito sa amin, at yung aming butihing governador na si Chiz Escudero ay may ibibigay na 1Million sa LGU na may pinaka maraming nag pa bakuna,…
Dinuguan na Pusit 😋 Kain tayo guys, dinuguan na Pusit ang ulam namin ngayon, masarap ito guys. Ang ingredients nito ay : ❤️ Hilaw na saba na saging 💓 Pusit /squid ❤️Gata ng niyog ❤️ Iba pang pampalasa Ang Unang gagawin ay igigisa muna sa luya, sibuyas, Bawang yung pusit/squid, pag lumambot n ilalagay na yung na slice na saging na saba at lalagyan na ng gata,pero yung kinayod na niyog na pinakunan ng gata ay tinutungan muna (linalagyan ng baga o apoy) para ma's bumango at…
Cassava Sunday harvest 😊 Gusto ni mama Kumain ng cassava roll, kaya kumuha kami dito sa tanim namin... Sabi ko kay mama bumili nalang ng cassava roll 10 pesos makakain na, kaya lang ayaw nya Hahaha, mas gusto nya daw na sya mismo ang magyadyad at magluto...
BANTAY SALAKAY😂 Ang hirap magbilad ng palay, lalo na Kung pagtalikod mo, meron ding lalapit para makikain😂. Hindi nman ata nila yan ma-uubos, kaya sige kain lang kayo basta tiran niyo kami. Sa mga susunod na araw kakainin lang naman namin sila kaya siguro mababawi rin namin yung malulugi namin sa palay 😅