#throw back picture After ko mag graduate sa college, DSWD ang Unang government office ang tumanggap sa akin, naging 4 P's validator ako, ang 4p's pala guys, program yan ng dswd para sa mga mahihirap na pamilya, every 3 months yung mga beneficiary nila ay binibigyan nila ng ayudang pera, bigas at scholarship, hindi ko alam Kung meron din nyan sainyo. So yung work ko ay house to house validator ako, tiningnan namin Kung ano na ang status ng pamumuhay nila,.. Ang hirap ng work ko kasi ang lalayo nong mga bahay nasa GITNA sila ng bundok halos 3 hours ang lakaran bago makarating don sa target house ng beneficiary, mataas yung sahod ko, a abot ng 40k Bawat buwan pero nag resign ako kasi na takot ako, may mga nakakaawa na pamilya, meron nmn napaka aggressive kasi gusto nila lahat ng anak nila isama sa list na makakatanggap ng ayuda, umabot na sa punto na yung safety ko nakataya na kasi may bahay kami na pinuntahan at na hold kami doon hindi nmin alam na kampo na yung ng mga pulang araw.... Tinanong ako nong ini-interview ko pano ma'am Kung may makita ka na new people's army anong gagawin mo? Ang sagot ko, e rerespto ko po Kung ano pinaglalaban nya, at hindi ko sil papakialaman basta ang gagawin ko po dito sa Lugar nyo e Kung ano lang ang inutos sa akin ng nakaktaas sa amin...
No comments yet