DIY Hanging Cabinet Magandang gabi sa mga gising pa jan... Share ko lang tong project namin ni Mister for this month..naksss project talaga..hahahha... Nagpagawa ako sa kanya netong DIY hanging cabinet,lalagyan ng kung ano anong gamu gamu para isahang lagayan nalang at isang hanapan ng gamit. Suportado naman ni Mister ang suggestions ko kaya pinanuod namin sa YT ang paggawa neto. Kaya noong araw ng Linggo inumpisahan nya ng gawin eto. At eto na ang outcome kaso wala pa kaming naisip na kulay na ipinta dito. White na lang sana kaso nag iipon pa ng pera,hahahh baka next week may kulay na sya at aabangan nyo hah dahil ipopost ko eto. Walang step by step na photos mga kaingay huli na ng kunan ko naka assemble na pala..
2 comments
Ayos yan sis Libre na pagawa buti maalam mister mo marami ka na mapapatungan ng anik anik.
uy nice may korte pa,.,, galing naman...