First Day of August. Say hello to August..nakuh maraming ganap ang July saming pamilya naway maging maganda naman ang takbo ng buhay namin ngayong August. Eto nga pala ang bungad ni August samin ngayong umaga paggising namin eto na at nakahilay ang puno ng papaya ni uncle. Napalakas kaya ang ihip ng hangin kagabi dito samin ang himbing kasi ng tulog naming lahat dahil sa ulan. Hindi pa alam ni uncle na ganito nangyari sa papaya nya kaya mamayang hapon pa siguro to mapuputol…
@IsabelleVillar in August 2022
Bindonggo o Sinanglaw in Tagalog... Sino din kumakain neto sa inyo mga kafoodie? Eto ang ulam namin ngayon sa lunch,inantay ko talagang maluto to mga kaingay dahil nasasarapan ako sa sabaw na maasim asim. Kunting trivia lang na galing kay Google ang eseshare ko sa inyo para alam din ng mga foreign people kung anong klaseng ulam meron ako ngayon. "Sinanglaw is a Filipino soup dish prepared with beef and beef offal flavoured with kamias and bile, nearly similar to pinapaitan".…
Pork Giniling for tonight's viand... Good evening world! Lapit ng maluto ang inihanda kong ulam namin ngayong gabi. Pero sorry na ang labo ng kuha ng aking camera kaya hindi masyado mafefeel ang awra ng giniling ko. Hahaha Pero ginalingan ko talaga ang pagluto neto ngayong gabi dahil pagod si mister galing trabaho at para maibsan naman kahit kunti ang pagod neto.naks! Nakadinner naba kayo? 📸@IsabelleV.
Magandang umaga sa lahat... Kumusta ang gising?hindi na muna breakfast ang inuna ko ngayong inasikaso,dahil pagmulat ng mata ko mga kaingay nakita ko etong aircon namin sa kwarto madami na palang alikabok sa loob. Minana lang po namin ito sa brother in law ko na lumipat na ng bahay at binigay na samin etong aircon nila. Ang swerte naman sana kaso ang malas sa bayarin ng kuryente kapag tuloy tuloy ang gamit kaya minimize na kami sa paggamit neto at the same time inaalagaang…
Meryenda na po.... Para paraan nalang po tayo sa pagpalaman ng biscuit. Dahil palagi nalang plain na skyflakes ang kinakain namin dito sa bahay nagtry naman akong lagyan eto ng palaman. At charrannnn...!!! Here comes the palaman na avocado,opo avocado po sya na maraming milk at konting sugar. Naku masarap pala mga kafoodie hah lalo na pag malinamnam din yung pagtimpla nyo sa avocado. #AvocadoToppingsAndSkyflakes 📸IsabelleV.
Wednesday is...? Maingay day o swerte day.... Magandang morning sa lahat Mga kaingay kong mahal.. Sinasabi kong maingay dahil ang aga aga may visitor ang aking anak at naglalaro sila netong papel na eroplano. Sigaw dito,sigaw doon . Pero hinahayaan ko nalang total wala naman akong exam puro gawaing bahay lang naman ang aking gagawin tapos maglilinis ng kalat nila. Eto naman kaya ang swerte? Si Mariposa(giant butterfly) ang pangalawang visitor,sabi nila swertehen ka daw kapag…
Lunch na po tayo mga kaingay... Skl etong niluto kung ulam for today's lunch.. Pinaksiwang isda with a twist.. Twist talaga hah dahil may dagdag na gulay,at walang iba kundi ang Talong... Charrrannn!Kainan na... Magpakabusog po tayong lahat sa ating lunch para may energy sa susunod na work work! 📸@IsabelleV.
Listening radio while having a coffee... I woke up earlier this morning to prepare my husband's breakfast and baon. And after done preparing this I'll immediately went back to bed to sleep again bcoz my head is aching. Kaya now lang nakapag coffee in bed pa..Hahaha. Dami ko na palang namissed na balita dito sa lugar namin. Dati kasi paggising ko sa umaga radyo agad pinakikinggan ko,eh ngayon paggising ko sa umaga cp agad hahawakan ko at magtsetsek sa mga sinasalihang…
LOMI po mga kamema.. Gandang hapon po sa lahat jan,nakapag meryenda naba? Kami ngayon ngayon lang din,nagpapawis muna bago makakain netong lomi. Nagpapawis dahil nilakad lang namin papuntang lomihan medjo my kalayuan lang sa bahay. At para na rin makapag exercise etong aking mga paa. Pero pag uwi na sa bahay ehh sumakay na kami ng tricycle,dumilim kasi bigla ang kalangitan na parang uulan na naman. 60php nga pala bawat serve netong lomi. Dalawang order na binili ko para…
A box of cookies 🍪 One of my fav cookies here in the Philippines.hahah Habang nagpeprepare ako ng lunch mga ka foodie eto at panay kain din ako ng cookies ng anak ko. Para lang sana to sa anak ko kaso favorite din ng ina.hahha. Pasalubong ng papa nya kahapon dahil naubos na ang aming skyflakes at etong cookies naman ang binili nya. Ano po luto natin jan sa lunch.... IT'sTGIF 📸@IsabelleV.
Hanggang kuha nalang ako ng larawan netong mga nakadelata. Medjo short sa budget at uunahin ko muna mga basic needs namin. Nakakasama naman sa kalusugan kapag palagi namang kumakain neto. Mas maigi magtanim nalang ng gulay sa paligid especially pag may space. Hirap pag walang space tapos magtatanim ka ng gulay,Hahaha.biro lang mga kaingay. Medjo na delay ako ngayon dito sa grocery store kasi naman panay ang ulan sa labas baka dilim na ako makauwi neto. GandangHaponPoSaLahat
Good eve mga kafoodie... Malamig din ba ang gabi natin jan mga kaingay? Tuloy tuloy na naman ang pagbuhos ng ulan walang tigil simula pa kagabi yarn. Ngayon palang kami magdidinner,slice of fried bangus ibinabad ko sa asin buong magdamag ngayong gabi ko lang niluto kaya maalat alat. Plus nagpahabol si hubby netong arozcaldo with laman loob ng manok and itlog. Bagay na bagay sa malamig na gabi mga kafoodie. Tara,dinner na po. MALAMIG NA GABI 📸IsabelleV.
Umagang Kaysarap Mag Ice-cream Saturday feels like so hot 🔥... Dahil buong maghapon brown out dito samin lugar kaya umagang umagay kay init ng paligid. Marami na naman daw aayusin na mga poste kaya buong maghapon ang brown out according sa balita. Kaya heto kami napapaicecream ngayong umaga,habang naglalakad kami at nagpapahangin sa labas pero wala naman palang hangin,ni hindi gumagalaw ang mga dahon ng punong kahoy. Nakikisabay pa yata sila sa brown out.hahha Mga kawawang…
Magandang umaga foodie people.... Araw na naman ng Linggo it's family time, family day. Done naba sa pagsisimba?kami wala pa,hindi pa nakaready baka mamayang hapon nalang. Eto pala ang breakfast namin.Misua with sardines. Naglagay ako ng asin kasi hindi ko feel ang luto ko,kinulang talaga sa asin. Kaya ibubodbod na lang namin ito habang kumakain. BLESSED SUNDAY EVERYONE! BREAKFAST NAH...
Hello hello sa lahat mga ka mema Heto ako ngayong gabi at ngarag sa kakahanap ng susuotin ko bukas sa job hunting naming magkakaibigan. At etong isang polo shirt na bigay sakin ng tita ko ang isa sa mga option kong susuotin. Hirap pala ano pag matagal ka ng hindi nakapag apply ulit. Nangangapa na naman ako sa damit at sa resume ko,lahat ng mga requirements na kaylangan.haizzzttt GANDANG GABI PO SA LAHAT.
Magandang Umaga sa lahat.. August 8 pala ngayon! Ang aga kong na emessage mga kaibigan ko na hindi nako makakasama sa job hunting namin ngayong araw dahil sa pag aakala kong last schedule ng anak ko sa anti rabies! Nadaplisan kasi ng ngipin ng aso habang naglalaro sila.kahit daplis lang dinala ko agad sa public hospital buti nalang at walang bayad yung anti rabies na iinject sa kanya. Huli na ng makita ko etong nakasulat sa receta nya.August 9 pa pala at bukas pa yun...…
Chocolate habang naghihintay kay Mister Nakalunch naba kaingay? Ako hindi pa,hinihintay kopa kasi si Mister,uuwi daw sya ngayon sa lunch at maghahalf day sa work nya. Dahil sumakit ulit yung kanang bahagi ng katawan nya sa bandang tyan yata yun. Pumunta na kami nong nakaraang araw sa manghihilot pero masakit pa rin daw at nagpatawag ulit sya sakin para magpahilot ulit. At habang hinihintay sya kumain muna ako netong chocolate na choco mucho. Nagugutom na kasi ako,hahaha…
For tonight's viand Good eve to all... Flex muna tayo bago luto,so alam na dis kong ano ang magiging ulam namin maya maya lang. Sinigang na baboy with labanos,kangkong and sitaw. Pakikiligin ko si Mister ngayong gabi,pakikiligin ko sa asim!Hahaha. Done naba sa pagluluto ng dinner? Tara sabayan nyo ako... GANDANG GABI SA LAHAT..
Late lunch.... Lunch po tayo mga kafoodie... Ngayon lang din nakapag update at nakakain dahil inasikaso ko muna ang last injection ng aking anak sa anti rabies. Mabuti nalang at hindi na sya umiyak,hindi tulad noong 1-3 inject nya 3 tao pa pumipigil sa pagpupumiglas at pag iyak nya. Alam nya na siguro last na punta na namin don,Hahaha. Eto nga pala ang lunch ko,inihaw na Bangus with kamatis and sibuyas. Half cook lang sya mga kaingay para malinamnam sa sarap. At may natira…
BOY BAWANG CORNICK A simple snack for this afternoon... Lasang bawang na bawang talaga si boy bawang ano.Ito ang mas fav kong corn kaysa don sa ibang brand,tastier and crunchier. Maulan din ba sa inyo jan mga kaingay? Dito kabuhuhos lang din. Magiging malamig na naman ang gabi namin.
Cold Evening sa lahat.. Dinner done naba? Kami kakain pa lang... And here is our viand for tonight... CHICKEN FEET adobo kafoodie. Alam ko gusto nyo rin to? Paborito din ng iba jan... Kain na po tayo.
Hanggang saan aabot ang 10pesos mo? Magandang umaga sa lahat mga kafoodie? Breakfast po tayo netong bread na "UGOY UGOY" kong tawagin. Noon 5pesos lang ang halaga neto. Ngayong 10pesos na... Pero atleast busog pa rin ang tyan paresan lang ng mainit na kape.
Hello mga ka mema... Heto na naman po kami sa labas at bibili netong alimasag! Sinundo pa muna kami ni Mister bago pumunta dito sa pamilihan. Noong nakaraang araw daw 250php ang kilo neto. Pero sabi ng nagtitinda ngayon 200php na daw para kay Mister dahil palagi syang binibilhan neto. Kumbaga "Suki" na sya neto. Kaya napabili na naman kami ng 1klo neto.
Good vibes Friday! Share ko lang etong photos na nakita ko sa fb. Si Teacher nag aadjust sa mga student nya during class dahil nagugutom na ang mga eto at kaylangang dumide ng mga kids.. (mga memmes.) Naalala ko kasi pamangkin ko dito,dahil hindi pa sya nalulutas sa pagdedede nya sa feeding bottle at mag-aaral na sya ilang days na lang. Palagi naming sinasabi sa kanya na bawal na ang magdede sa feeding bottle kapag nag aaral dahil ayaw ni teacher(magagalit sya) pero biro…
Waazzzup foodie people? Ngayon palang sana kami magmemeryenda ng anak ko. Kaso mukhang ako lang yata ang kakain neto. Hindi nya pala gusto ang lasa ng coco krunch na eto. Kahit lagyan pa ng gatas o milo ayaw nya pa din. O kahit kutkutin nya nalang ayaw pa din. Iba ang gusto! Kaya para hindi masayang,nilagay ko nalang sa kape ko. Iba din naman ang taste at trip ng ina,Hahaha Kaya gayahin nyo ang sharrappp!
Blessed Morning Everyone! Ako'y maagang nagising upang ihanda itong babaunin namin papuntang beach.. Kahapon pa nabili ni Mister itong isda at inilagay ko lang sa ref. Mag iihaw ihaw kami sa tabing dagat,hindi na kami nagrerent ng cottage kasi mahal na nga. Naghahanap nalang kami ng place na parang bakanteng lote at doon kami naglalatag ng mga gamit namin. May time pa naman sa pagsisimba mamayang hapon. Dahil hanggang tanghali lang kami sa beach mahirap na sa hapon dahil…
Tayo ng mag ihaw sa beach! Heto na po mga kafoodie at luto na ang aming inihaw na isda... Kanina pa kami nakarating dito sa beach na dinayo namin mga 1hour lang naman ang layo mula sa lugar namin. Mananghalian muna kami at katatapos lang naming maligo at tumigil na muna sandali dahil masakit sa balat ang init ngayon at kakain na po kami,balik lang sa paliligo later. Tara po kain na po tayo..
Gandang gabi po sa lahat... Hapon na kami nakauwi kanina galing sa beach,ang tindi kasi ng buhos ng ulan. Nabasa tuloy kami kaya no choice na at sumulong na rin lahat sa ulan. Kawawa nga lang si Mister kanina,basang sisiw na sa ulan sana hindi sya sisipon o lalagnatin. Eto nga pala naka take out pa kanina ng inasal na parti ng manok.bigay ng katabi namin dahil nag ihaw ihaw kami at wala silang dalang pang ihawan o parilya nakalimutan daw nila kaya pinahiram na namin. At eto…
Bayabas/Guava Matutulog na sana kami ng maisip kong may nauwi pala kaming bayabas kanina. Bigay lang din ng kapitbahay namin na nadaanan namin pag uwi. Hinog na yung iba kaya sabi ko kay Mister kainin muna namin bago matulog. Ako talaga nagpupumilit dahil ayokong kumain ng hinog na hinog na,sayang lang din at baka makakalimutan ko na naman at hindi na makain. Nways,very thankful today for the blessings na nareceive ko galing kay noise. Thank you po sa trust at sa lahat ng…
Good Morning Monday... Hindi pa ako nakapag saing kaya naman ang paborito kong cup noodles muna ang aking ebebreakfast. Ang nissin cup noodles na Seafoods flavor. Wala din kasing tinapay na pwedeng ipares sa aking kape. Drink more water lang later. Today it's Monday at siguro'y napakabusy ng iba jan dahil loaded ang work nila. Kain muna ng breakfast bago sumabak sa trabaho para may energy. More energy mas happy sabi nga.
Lunch na po mga kaingay, Presenting my entry for lunch. Sinabawang bangus with mushroom,and dahong gulay ng "lupo". Lupo po ang tawag dito sa amin yung dahong gulay na tumutubo sa palayan kapag hindi pa natataniman ng palay madaming tumutubo doon,sa una akala mo damu lang pero pagsisipatin mong mabuti eh gulay pala na pwedeng ipares sa mga isdang sinabawan. Ang mushroom naman nakuha namin jan sa tabi tabi fresh na fresh pa yan,alam nyo naman pagkatapos umulan maraming…
Payong/Umbrella Sa wakas nakabili na rin! Tawang tawa ako sa sarili dahil after 2years nakabili na rin ng sarili kong payong,Hahaha. Nakaabot talaga ng 2years hah,nasira kasi Mister ang paborito kong payong kaya inis na inis ako sa kanya kaya natagalan bago ako bumili ng akin talaga. Kung hindi pa kami inabot ng malakas na ulan at may kasamang bata kahapon hindi pa talaga ako nakabili neto. May nakastand by naman kasing payong sa bahay pero hindi sakin sa sister in law ko o…
Hindi talaga natin mapipigilan ang mga disgrasyang dumarating. Matutulog na sana kami,kaso naghabulan pa ang mga bata. May tumalon sa upuan ng hindi namin namamalayan. Nadaganan ang isang kamay at mukhang lumisa sa bandang balikat. Panay ang iyak sa sakit at may bukol pa. Magsisisihan pa sana at mag away away pero naawat naman at napagsabihan na aksidente ang nangyari,sino ba naman ang makapagsabi na mangyayari to ngayong gabi?..haizzztt... Kaya itinakbo na lang agad sa…
Magandang Umaga ng Martes. Unang bungad sa umaga ang almusal... Scrambled egg with sibuyas and kamatis. And meron din tayong pritong isda. Hahatiin namin to ni Mister,sa kanya etong isang isda na hindi ko kilala at maiiwan samin ang pritong bangus. At maghahati din kami sa scrambled egg nayan. Dahil babaunin nya sa work doon na rin sya kakain ng almusal nya. Kayo mga kafoodie,nakaluto na rin ba ng almusal for sure tapos na rin ano,papasok na rin kasi ang iba sa work ng…
Gandang Tanghali po sa lahat.... Hello mga kamema,nakalunch naba? Eto po ang ulam namin ngayon sa pananghalian,samot saring gulay pampahaba din ng buhay. May kalabasa,okra,alogbate etc... Healthy life with a healthy living. Hindi kona alam ang idudugtong..Hahaha.. At may pa dessert pa pala akong nalalaman ang Avocado na naman. Hindi pa nauubos ang bunga ng avocado saming bakuran hindi din namin kasi pwedeng ibenta dahil hindi masyadong healthy ang balat,ang dry kasi. Tara…
Wooden Blocks Hallo hallo... Kahuhupa lang po ng ulan dito samin. Heto at balik ulit sa labas ang mga kids at nakakita ng bagong laruan. Ang wooden blocks, sila din naman ang nakakita neto sa labas at inipon nila at ginawang laruan. Gumagawa sila ng munting buhay,bridges,layer at kung ano ano pa maisip nila. At akoy nakikinuod lang sa ginagawa nila. So talented naman ng mga kids na eto,naamaze tuloy ako.
Taas ang kamay ng mahihilig sumawsaw ng tinapay sa kape🤚. Wag lang sumawsaw sa usapan,baka umiba ang timpla.hahaha Magandang umaga sa lahat.... Nahuli na ang bati.. Eto na muna ang breakfast ko mga kaingay,medjo matigas kasi ang tinapay na nabili Mister kaya isawsaw na sa kape ng lumambot. Pero hilig ko talaga tong gawin mula bata pa ako hanggang ngayon nadadala ko pa rin ang attitude nato pagdating sa kape at tinapay. Kayo ba mahilig din ba?
Gandang Hapon sa lahat... Kararating lang namin ni panganay sa bahay. Dahil pumunta kami sa mall at nag palagay ng earrings nya. Hindi ko kasi pinalagay pa noong baby pa sya dahil nagkataong pandemic nong pinanganak sya,so bale 3years old na sya ngayon. Umiyak sya pero kunti lang,yung parang nagdadrama lang wala namang luhang lumabas,natawa nga ako. Sana hindi ako mahirapan neto at hindi mamaga at hindi kamutin at sanay hindi kumati. Pero binigyan naman ako ng instructions…
Good evening po sa lahat... Nakadinner naba? Giniling na baboy with pechay po kami ngayong gabi. Hindi ka hahighblooden dahil mag aaway sila ng gulay..hahahhhh Eto namang pancit eh bigay ng tiyahin ko jan sa baba lang ng bahay namin. Birthday pala nya ngayon. Salamat sa mga blessings na dumarating,kahit mahirap ang buhay may nagseshare. Tara po,kainan na....
Twinkle Twinkle Little Star.. How i wonder what you are??? Good Morning Foodie people... Napakanta tuloy ako sa cupcake nato na may toppings na star. Breakfast ng anak ko kasama ng milk nya. At alam nyo ba na star lang talaga ang kakainin ng anak ko dito,tapos yung matitira para sa nanay na!Hahaha Pero hihingi pa ulit yan kaya naiinis tuloy ako sa sarili ko,bat kasi eto pa binili ko!?huhuhu star lang pala kakainin. Pero hindi naman to masasayang dahil aabangan ko naman at…
Adobong Manok Ako'y kakain pa lang ng tanghalian mga kaingay. Hindi pa naman siguro late ano,inuna ko kasing pakainin yung anak kong panganay dahil puro star lang kanina ang kinain sa binigay kong cupcake. Mahigit isang oras din akong nagpakain sa kanya ng sapilitan dahil ayaw talagang kumain ng kanin. Sabaw ng adobong manok ang hinalo ko sa kanin nya dahil hindi sya kumakain masyado ng manok eh. Masyadong maarte at mapili sa ulam etong anak ko. Tara po saluhan nyo ako sa…
Meryenda po... Sarap ng tulog ko ngayong hapon kahit maingay sa labas. Buti nalang hindi natuloy ang ulan ngayong hapon nagbabadya na sana syang umulan pero hindi natuloy. Paggising ko'y ininit ko agad etong Piaya nabili namin kahapon sa mall. Masarap talaga sya pag mainit,pinaresan ko din sya ng Ice Coffee. Paya Paya pala ang tawag ng panganay ko sa Piaya,hindi nya pa kasi masyadong nasasambit ang ibang word. Mas nasasarapan ako sa ube flavor kaysa don sa original…
Pula at Puting Bulaklak Wala ng makakapantay sa kagandahan ng bulaklak kapag sila'y namumukadkad sa umaga. Ika nga'y feeling fresh ang umaga at good vibes ang hatid neto sa atin. Umagang kayganda mga kaingay... Bulaklak muna ang entry ko ngayong umaga,katitila lang din ng ulan at akoy nagwalis kaagad sa aming paligid. Nakita ko etong aming bulaklak ang ganda ng kulay pula at puti,sumisimbolo ng peace and love. May katahimikan pa bang mangyayari sa ating lugar kong ang…
Rabbit Family Photo1- si daddy rabbit ay abala sa pag seselfie kasama si baby rabbit na kapapanganak lang 2 weeks ago. Photo2-si mommy rabbit naman ay abala sa paghahanap ng makakain nilang apat. Photo3-at itong cutie cute cute namang baby rabbit na hawak ko'y abala din sa pagseselfie. Hindi pa sila nakakain ehh kaya dinalhan kona muna bago din kami kumain ng pananghalian. Mga alaga sila ng pamangkin ko at dahil may pasok na sila ako muna tumitingin tingin dito. Tapos nabang…
Bangus Nakaluto naba ng uulamin ngayong gabi mga kamema? Naku akoy nakalimot at hindi nailabas agad etong bangus sa freezer! Kaya matigas pato sa bato..hahahh Baka abutin pato ng ilang oras bago lumambot. Sanay kunting kembot na lang dahil akoy gutom na pati mga alaga ko. Iba na talaga pag nagkakaedad ano...pero nasa 30's pa lang naman ako. Nakalimot lang talaga..ayayayyy! Gandang gabi nga pala sa lahat... Eat well na lang po sa dinner mga kamema.
Kurtina Magandang Umaga Pilipinas and all over the world... Late na ang bati,pero medjo maaga pa naman ang 9am diba,late lang kamu ang gising haha. Bago ang lahat,at bago ako magsimula ng aking mga labahin efeflex ko muna etong ipinalit kong kurtina ngayong umaga. Isa to sa mga regalo samin ni Mister during our wedding day. Mga 6years ago na siguro pero mukhang bago pa talaga ang kulay dahil maingat akong maglaba lalo na kapag regalo o bigay ng kapamilya. At isa eto sa mga…
Lunch Time na.... Bago ako kakain,share share na muna para mabusog tayong lahat... Kung kagabi ehh bangus ang ulam namin sa hapunan ngayon naman eh bangus ulit sa pananghalian..Hahaha.. Pritong bangus kagabi,at ngayon sinabawang bangus with gulay na okra,talong,at dahong gulay na hindi ko naaalala ang pangalan kaya sorry na,basta may sabaw para hindi mabulunan ay okie na diba? Tawang tawa nga pala ako sa pa intro ng Eat Bulaga with Maja,Maine and Raiza sila ang mga Batang…
Iced Coffee w/ KokoKrunch Habang nag iisip ng mga bagay bagay tara at palamig muna tayo ng ulo,este iinum ng malamig na malamig na iced coffee... Heto at napagtripan ko na naman ulit lagyan ng koko krunch sa taas dahil ayaw naman ng anak ko neto,ako nalang ang gagawa ng paraan para maubos eto,hahhah... Nakahanda naba ang lulutuin natin mamayang gabi para sa hapunan? Hinihintay ko pa si Mister kong ano dala nya pag uwi. See you later....
Goodnight naba? Sabi ni Mister matulog daw kami ng maaga dahil pupunta kami sa lugar na eto bukas👇. Maganda daw ang place na eto maraming tumitigil at nagpapakuha ng picture. Mahangin at relaxing ang place,so bale magpapapicture lang ba talaga kami dito bukas?hahahha. Sanay hindi uulan para mkapunta nga dito bukas,mga 1hour lang naman daw ang byahe pag naka motor. I hope so matuloy para makapagrelax naman kahit konti lang at makalabas sa lungga..
Morning Breakfast Bago ang lahat magpasalamat sa biyayang natanggap maliit man o malaki lahat ay blessings. Blessed Sunday everyone! Bago din lumakad o sa may mga lakad ngayong araw nato mag almusal para hindi mahimatay sa daan,kalma lang wag magmadali malayo pa ang gabi. Eto nga po pala ang niluto kong breakfast kanina,easy to cook egg,corned beef,meat loaf. Busog much sa breakfast. Salamat Lord sa araw na ito naway kalmado at safe ang lahat. GodBless!
Saging Magandang Pananghalian sa lahat... Heto at kumakain muna kami ng saging bago mananghalian. At eto ang paraan sa pagkain ng saging kapag kalahating hinog at kalahating hilaw pa sya,makikita sa photo #2... Natawa ako bigla ng kumain si panganay at eto ang nakita ko sa saging nya pagkatapos nyang kainin,may ibang parte pala na hilaw kaya matigas at hindi nya makain madiskarteng bata para paraan nga para lang makakain ng paborito nyang saging.
Slime Mga kamema,ready naba mga kids bukas sa school? Nakumpleto naba mga gamit nila? Excited na nga ang iba sa kanila. Kanina lang nabilhan ng school supplies ang mga kids namin dito sa bahay. Kalahati lang muna binili sa kanila dahil kulang sa budget sa susunod nalang ang iba. Heto at napasama pa nga sa budget itong Slime ng pamangkin ko. Umiyak daw don sa store na pinagbilhan nila ng school supply dahil ayaw bilhan ng sister in law ko at dahil hindi naman nga kasama sa…
Late gising! Buti na lang kamo at wala akong estudyante sa ngayon kung hindi'y late na kami sa opening ng pasukan. Dahil ngayon lang talaga ako nagising sobrang sakit kasi ng ulo at tyan ko.. mahirap talaga pag nan jan si monthly period hindi makabangon agad sa umaga. Buti nalang at naiintindihan ako ni Mister dahil hindi ko sya napabaonan ng pagkain nya. Heto na lang ang laman ng mga pagkain ng mga anak ko. Hindi pa sila naka almusal,ang tamad ko talagang ina ngayon…
Binakol na Manok Pananghalian na po.... Nakauwi na ba mga students natin para sa pananghalian? For sure ang iba pinabaunan na ng mga momshie para hindi na umuwi sa bahay dahil 1hour lang siguro ang breaktime nila... Binakol na manok po ang aming ulam ngayong lunch. Si kuya ang nagluto neto dahil kinatay nya ang alaga nyang manok. Magkatabi lang kami ng bahay kaya share share na lang sa food. Tara po kain,don't skip your lunch everyone mga kafoodie!
Dinuguang Baboy Magandang gabi po sa lahat... Kawa'y kaway po jan sa mga mahilig kumain ng diniguan. (Ilos) lang po yan,bigay ng kapit bahay. Medyo madami kaya ulam na rin namin ngayong dinner time. Paborito ko rin to kaso depende sa timpla. Eto ngayon yung timpla eh medjo sinarapan kaya mapapadami na naman kain ko neto,actually nakatikim na nga ako kanina hindi na makapaghintay. Dinner na po tayo mga kaingay.
Pandesal&Pancit Canton Morning po sa lahat... May bagyo pala sa ibang lugar,mag iingat po kayo jan dapat ready po ang lahat at maging alerto sa mga nangyayari sa paligid. Heto po ang inihanda kong breakfast ngayon, Pancit canton with pandesal,mamaya na muna ang rice sa lunch diet diet pag may time..hahahha.. Buti etong nagtitinda ng pandesal eh hindi nagtitipid ganon pa rin tulad ng dati nong hindi pa nagtaas ang harina talagang wala silang binago ang laki at ang lasa neto.…
Pinaksiwang Tilapya Lunch na po tayo mga ka foodie... Here's our viand today and tonight.. Tilapia o tilapya...bsta tilapya...haha Pinag isa ko na ng luto mga kafoodie para abutin mamayang gabi. Paksiw ang hilig kong lutuin pag tilapya ang ulam. Mas nafefeel ko ang ulam kapag paksiw kasi,nanunuot ang suka sa isda. Ohhhh diba naglalaway kana... Pakabusog po tayong lahat sa lunch para more energy mas happy kahit ulang ulan na sa labas...
NanYang Slipper Skl ko lang etong slipper na inorder namin sa Shopee. Nagbebenta kasi ang Co worker ni Mister worth 450pesos isang pares. Sabi ko sa kanya wag kang kumuha,try natin sa Shoppee baka makamura tayo. So ayon nga napaorder kami,pero nagdadalawang isip pa ako baka mali yung maorder namin kasi first time kong magshop ng ganito online. Baka hindi maappreciate ni Mister ang product at manghihinayang kami. So ayon nacheck out na at eto namang si seller pabaliktad pa…
DIY Hanging Cabinet Magandang gabi sa mga gising pa jan... Share ko lang tong project namin ni Mister for this month..naksss project talaga..hahahha... Nagpagawa ako sa kanya netong DIY hanging cabinet,lalagyan ng kung ano anong gamu gamu para isahang lagayan nalang at isang hanapan ng gamit. Suportado naman ni Mister ang suggestions ko kaya pinanuod namin sa YT ang paggawa neto. Kaya noong araw ng Linggo inumpisahan nya ng gawin eto. At eto na ang outcome kaso wala pa…
Magandang umaga Pilipinas kong mahal... Salamat Lord sa umagang ito na maganda ang panahon at hindi umuulan dito samin. Sa mga lugar na apektado na naman ng bagyo mag iingat po tayong lahat at maging handa sa lahat. Flex ko na din itong bulaklak na puting puti at nagpapakulay din sa umaga ko ang (Spathiphyllum Kochii) na niresearch kopa ky Google. Ang mahal pala ng bentahan neto,350php-450ph pag sa online ,pero pag sa akin ka bibili murang mura lang kasama na ang fresh na…
Lunch!lunch! na mga kamema... Eto yung ginawa ko kanina sa mga toy car ng mga kids bago ako nagsaing. Para makapag concentrate naman sa niluluto ko,tinalian ko ng strawless yung mga sirang car nila,puro sila na talaga hahhaha pero pwede pa namang laruin. Pero ang ending neto ehh gulo,kasi ayaw nong isa sa car nya ang pangit daw!mas gusto nya yung sa isa ehh ayaw namang ibigay ng isa kaya ang ending rambolan😅. Pero atleast natapos ko namang lutuin ang ulam namin ngayon sa…
Malamig na gabi sa lahat... Naku po ang lamig talaga ng gabi dito samin ngayon,ganun din ba sa inyo... walang tigil na din kasi ang pag uulan dito pero balita ko nakaalis na ang bagyo diba.. Wala pa namang sabaw ang ulam namin ngayon..walang pangsahog kaya prinito ko lang ang Bangus na dala ni Mister ngayong gabi. Kaya pritong bangus ang ulam namin ngayon sarap isawsaw sa suka at toyo. Mag dinner na po tayong lahat para makatulog ng maaga.
Cotton Candy Good morning everyone! The weather seems so good today...lumabas na kasi si haring araw nahuli lang ako ng dating ang init na pala sa labas.. Hollahhh alam nyo ba mag aabang lang sana ako ng nagtitinda ng pandesal sa labas dahil wala na akong maisip na ebreakfast ngayon para sa mga kids dahil kapag umagay ayaw nilang kumain ng kanin pa kahit anong pilit ko. Pero eto ang dumaan sa harapan ko si mamang nagtitinda ng cotton candy! Ang tagal ko ng hindi nakatikim…
Century Tuna Foodie people let's eat nah.. Tadahhhhh...eto ang ulam ko ngayon. Century tuna,easy to open and easy to eat dahil walang tinik at deretso lang ang pagkain kaya so easy diba?hahha. Ako lang talaga ang kakain neto dahil tapos na silang kumain ako na lang ang hindi pa. Hindi kami nagluto ngayon sa lunch dahil may tira pa kanina sa breakfast kaya yun nalang pinakain ko sa mga kids at hindi ako tinirhan huhuh...buti nalang may nakareserve pang ganito panu nalang kong…
Dahong Kulitis Luto luto nah! Gandang gabi po sa lahat..heto po ako ngayon at busy busyhan sa kusina. Pero bago ko lutuin etong gulay na gagamitin ko sa sinabawang isda ko'y post muna tayo..ganyan tayo ehhh...hehheh. Dahon ng kulitis kaingay..kumakain ka rin ba neto? Naku napakainam neto sating katawan,masustansyang masustansya. Nagpapababa ng sugar level sa katawan especially pag diabetec ka nako magluto ka neto para sa sinabawang isda mo..makakabili kana ng sampung piso…
Maulan na umaga Pilipinas.. Haizzzttt walang tigil ang ulan sa aming lugar... Mga ilang oras na ang nakalipas simula pa nong mag uumaga until now,kaya hindi pa nakaalis ng bahay si Mister. May paparating na naman bang bagyo? Heto maaga kaming kakain ngayon ng almusal Pancit Canton is in the house... Walang rice at bread yan mga kaingay. Purely pancit canton lang and kape,ayaw kong lumabas ng bahay madulas ang daan papuntang tiangge pag bumili pa ako ng bread,heheh. Ingat na…
May dumaang Potpot kanina mga bandang alas dies (10am) at ito ang tinda nilang isda. Dahil wala na kaming mga ulam na tira at may 50pesos ako sa bag kaya nakabili ako neto. Sari saring isda na naka plastic na mga sariwa pa naman pagbili ko. Pinaksiwan ang kinahihinatnan neto,pinaksiwang walang sabaw..Hahaha...dahil nawiwili ako sa kakapindot netong cp ko kaya ayon dry,walang sabaw. Kain na po tayo. Salamat Lord sa pagkaing nakahain ngayon at sa araw araw na aming kinakain🙏.
Meryenda Meryenda! Sarap ng tulog ko ngayong hapon,ang lamig nangangamoy P__K_ nahhh kahit hindi na gumamit ng electric fan..hahhaha... Ginutom ako sa katutulog kaya meryenda agad ang hanap ko. Hotdog buns ang available kaya heto na meryenda namin nilagyan kulang ng tsohkolate na palaman. Star margarine pala to bagong flavor yata nila yung tsokolate or matagal na?kaso hindi kona nakunan ng litrato baka bukas maipost ko. Meryenda napo tayo mayat mayay magiging busy na naman…
Maagang Linisan mga kaingay Happy Weekend! What's your plan today kaingay? Ako etong maagang nagising mga 6am kanina dahil nagwalis at nagmop ako sa buong bahay.. Kung hindi MWF ang pagmamop ko nagiging TTHS naman minsan. Nakaschedule mga kaingay,hehe pero pag madumi talaga ang sahig at hindi na kaya ng mga mata kong makita ang kadumihan nila syempre naman lilinisan natin kaagad yan. Ang mga kids talaga pag tinatamad magtapon sa basurahan ng mga balot ng pagkain nila basta…
Inihaw na Tamban & Rice Egg Done naba sa lunch mga kafoodie..? Inuna kona muna ang pagkain bago ang sharing pero kinunan ko muna ng pics bago din kumain. Muntik na naman masunog etong inihaw kong isda,ang isdang Tamban. Madami kasi nailagay kong uling at saka nagmamadali din akong lutuin sya dahil tomjones na mga alaga ko eh kaya ayan medyo maitim pa sa skin ko yung iba..hhahah At eto namang rice with egg para sa mga chikiting ko,napakain kona sila kanina habang nagluluto…
Ipon Ipon ng Tubig Dahil araw ng Linggo bukas kaylangan mag ipon ng tubig ng maaga! Tuwing Linggo kasi dito samin mga kaingay eh napakahina ng daloy ng tubig sa gripo. Minsan wala talagang lumalabas,at minsan aabutin ng tanghali bago makaroon ng tubig kaya late lagi ang ligo,o kayay ang saing pag walang ipon. Yung ibang bottled water na walang takip tinatakpan ko nalang ng plastic at tatalian ng rubber band mahirap ng pasukan ng lamok. Kaya naman dapat maging handa sa…
FamDay👨👩👧👧 Yung feeling na excited kayong umalis tapos pagdating kay bb broom broom nakalimutan ang susi! Haizzzzt inis na inis ang driver namin kanina mga kaingay wala kasi sa bag nya ang susi ng tricycle namin kaya balik ulit sa bahay. Si bb broom broom pala isa sa mga remembrance namin ni Mister sa pagtatrabaho. Dati single na motor lang sya,tapos pinag ipunan namin yung sidecar para kahit saan kami magbonding mag pamilya may libreng sakayan kami,at pang gas na lang…
Finish Project Hanging Cabinet Part#2 Good evening mga kaingay... Naepost ko 4days ago ang Project namin ni Mister for this month of August. Naikabit na po sya kanina at white color po ang napili naming kulay at ito na ang final outcome. Hindi naman kabigatan ang inilagay ko dito for sure pulido o matibay naman ang paggawa ni Mister. Mga laruan sana ng mga bata ang ilalagay ko dito para maayos tingnan pero ng ilagay kona nag iyakan sila bakit ko daw ilalagay jan ano na daw…
HOLIDAY Laundry day... At dahil Holiday ngayong araw kaya maglalaba ako...heheh Mabuhay ang mga magigiting nating bayani,kahit sino o ano kaman bastat may ambag sa bayan ikaw ay isang magiting na bayani. Hello everyone good morning!huli na naman ang bati nasa kalagitnaan ehh,its a long weekend sa mga nagtatrabaho na inaaplay talaga ang holiday sa work na walang pasok. Dati kasi nong nagtatrabaho ako may pasok talaga kami pero double pay yan hah,pag natama naman sa day off mo…
TinolangManok+Coke Already finish our lunch,but I want to share our viand earlier. Tinolang Manok with papaya and also dahon ng sili. Nagpabili din ako ng coke sakin mga pamangkin feel na feel ko kasi ang init sa labas pagkatapos kong magsampay sa labas ng mga labahin. Natapos na rin mga bandang 11am. Buti nalang tuloy tuloy pa ang pag init ng panahon. Sana makisabay sya hanggang mamayang hapon. Sa mga hindi pa nakakain jan kumain na po kayo at magpakabusog. HAPPY LUNCH.
Meryenda po mga kamema... Iced coffee with nilagang itlog. Nag iisa lang ang itlog dahil last stock na pala to namin. So bibili ulit pag may budget na naman.. 240php kasi ang bili ni Mister sa isang tray neto large size,hai ang mahal nemen!. Solo ko ngayon ang meryenda dahil wala ang mga maiingay na mga bata nandon sa playground ng lugar namin sinundo ng kapitbahay,pero tita naman nila kaya confident ako na mababantayan naman ng mabuti.
Breakfast in bed yarnnn..... Good morning sa lahat... Back to work,back to school.... Tapos na ang medyo mahabang weekend kaya maagang nagising ang lahat ano kasi may student at kapamilyang nagwowork. Nagrice ako ngayong umaga dahil hindi ako nakadinner kagabi grabe ang sakit kasi ng ngipin ko kaya ayun,tiis gutom ako kagabi. Dinala kona dito sa kwarto dahil mga alaga ko tulog pa,flex ko ulit itong kurtina namin nagagandahan talaga ako sa awra nya fresh na fresh ang dating…
Takway Adobong takway ang uulamin namin mamayang gabi.. Pamilyar ka ba sa gulay na eto,of course marami satin ang nakakaalam neto. Naging parang buntot o paa ng gulay na (gabi).Pwedeng pwede syang ihalong gulay sa sinabawang bangus..oh diba bangus na naman ang naisip kong isda..hehhe Pero adobo ang kahahantungan neto mamayang gabi. Sa pagluto neto dapat hindi hinahalo halo kasi baka kumati ang pangit ng kainin diba. Alam to ng mga gulay lover jan. Kaya mag uumpisa na ako mga…
Good Morning sa lahat mga kaingay... Today is Wednesday,last day of August 2022 so later tonight will say goodbye... And tomorrow say hello to September... Ayan na,ayan na nangangamoy na ang ber months,excited kana ba? Flex ko lang etong butterfly na maagang sumisipsip sa bulaklak namin ay kay tingkad ng kulay,yung kulay orange ha hindi yung emoji..heehe naaamaze talaga ako sa kulay nya kaya kinuhanan ko ng pics habang akoy nagkakape dito sa labas. Sadyang napaka kulay ng…
Wednesday Gulay Eto po ang aming pananghalian... Gulay po tayo ngayon mga kaingay, gulay na kalabasa,alogbate at syempre with little shrimp po yan. Pero hindi kumakain ng gulay mga kids ko yun ang problema ko!sabaw lang gusto nila dito at shrimp. Ang hirap talaga pakainin ng mga kids pagdating sa gulay nag iiba mood nila sa pagkain. Pero noong baby pa sila panay kalabasa at patatas naman pinapakain ko sa kanila hinahalo ko sa kanin pero ngayong lumalaki na sila ayaw na nila.…
Gamu Gamo Magandang Gabi sa lahat... SKL ko lang itong gamu gamo at hindi ang kamay ko,hehhehhh...naudlot ang mahimbing naming tulog kagabi dahil etong munting gamu gamo ay pumasok sa tainga ni Mister! (Pasintabi po sa mga kumakain jan).... Opo pumasok po sya sa tainga ni Mister kaya pala hindi sya mapakali at panay kalikot nya sa tainga hanggang sa gumising na kami at ang sakit sakit daw. Wala kaming forcep kaya naisipan kong gamitan ng tiani buti nalang medjo may kaliit…
Hello hello SEPTEMBER! Let sing Merry Christmas naba? Good morning everyone... Sarap ng bati ngayong umaga ano,bukod sa may kumakanta na jan sa labas ramdam ko na rin ang lamig ng paligid...(dahil pala sa bagyo) hindi sa nalalapit na simoy ng Pasko hahhaha. Alright,breakfast breakfast na po tayo bago mahuli ang lahat...eto ang naluto ko ngayong umaga,may longganisa,half chicken bilog and egg. Bawal magutom sa work at school,para maging active sa lahat dapat full ang stomach.…