Kasintahan pa nga ba?

8 34
Avatar for Hakdogka000
3 years ago

Ano nga ba ang pag-ibig? May mga nagsasabing ito'y kusang nadarama, ayon sa iba ito'y hinahanap.


Ito'y kwento ng isang dalagang babae na nagmahal ng sobra sa isang binatang lalaki. Maganda bang tignan kung minahal niya ng sobra ito? Sama sama nating alamin ang kwento ni Bella at Josh.

Lima kaming mag kakaibigan, ako si Nicole si Shaina si Miya at si Lorein. Kapag kami ay magkakasama syempre hindi mawawala ang kalokohan, masaya silang kasama at magkakasundo kami sa lahat ng bagay.

BELLA's POV

Grade 11 student na ako, pumapasok ako sa isang pampublikong paaralan. Sa paraalang ito sobrang dami kong naging kaibigan, sila din yung dahilan kung bakit masaya ako ngayon.

Pauwi na ako galing sa paaralan, nang makita ko ang aking pinaka matalik na kaibigan na si Miya.

"Hi Miya" bati ko sa kanya.

"Uy bella kamusta kana?" Tanong niya sa akin habang kami ay nag lalakad papuntang sakayan.

"Ayos lang naman ako, pero malungkot dahil nagkahiwa-hiwalay tayong magkakaibigan. Kamusta na kaya si Nicole, Shaina at si Lorein? May balita kapa ba sa kanila?" Tanong ko sa kanya.


"Nakita ko kanina sa canteen si Nicole at si Shaina habang kumakain, magkaklase pala silang dalawa, mukha namang maayos ang lagay nila at nabanggit nilang dalawa sa akin na may isang guro silang napaka strikta ang pangalan daw ay si misis agdigos. May anak daw siya dito sa paaralan gwapo at matalino pero ang sabi nila may pagkasuplado, Josh ang pangalan kaklase rin ni Nicole at Shaina." Sagot niya sa akin.


"Sabagay, kasi wala na akong balita sa kanila, sana magsasama-sama pa din tayo katulad ng dati. Teka parang natatandaan ko ang pangalan na yan." Sagot ko, at hindi namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng sakayan.


“Hayaan mo at darating din ang tamang panahon para tayo ay mag sasama-sama muli, namimiss ko na din yung mga panahong masaya lang tayo at walang iniisip na gaanong problema. Teka at saan mo naman narinig ang pangalan na iyon?" Tanong niya.


Sa... hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin biglang may nag away sa aming harapan, dalawang binata.

Teka parang namumukhaan ko yung isang lalaki? Siya ba yung muntikan akong mabangga?

Sinabihan ko na si miya na sumakay na kami ng sasakyan, dahil baka madamay kami sa gulo.

Teka kilala ko yung isang binatang lalaki na nakikipag-away si Ian kaklase ko."

Napahinto si Miya at tila hindi alam kung aawatin ba nito ang dalawang binata, ngunit bigla siyang hinatak ni bella pasakay ng jeep upang hindi na sila madamay sa pag aaway ng dalawang binata.


Pag gising ko 6:30 na ng umaga, dali dali akong naligo at nag bihis dahil ang klase namin ay 7:00 ng umaga hindi na ako nakapag almusal dahil baka ako ay mahuli sa klase.

Pag pasok ko ng gate nakita ko ang dati kong pinaka matalik na kaibigan na si Lorein na may kausap na isang binatang gwapo at matangkad medyo singkit ang mata nito. Teka parang kilala ko yun ha? Siya yung nakipag away sa labas ng gate kahapon? At siya rin yung nakabangga sa akin?

Gusto kong lapitan si Lorein para kamustahin, nang makita kong nakatingin ang binata sa akin, umiwas ako at dali dali akong umalis.

Hindi ko maintindihan ang bilis ng pag tibok ng puso ko, na para bang may kaba akong nararamdaman.

Pag lingon ko may isang binatang sumusunod sa akin, hindi ba siya yung kausap ni Lorein kanina? Anong kailangan niya sa akin? Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.


"Hi, I'm Joshua Agdigos. Call me Josh." rinig kong sabi niya. Bigla akong napalingon hindi ako makapag salita, natulala ako.

"Hhhhhello, I'm Bella." nauutal kong sagot.

"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya.

"Sige" maikling sagot ko. Gusto kong sabihin kung bakit, dahil hindi naman niya ako kilala pero hindi ako makapag salita ng maayos dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Parang nagkita na tayo dati ha? Natatandaan mo pa ba? Ikaw ba yung babaeng muntikan ko ng mabangga?" Tanong niya.

Hayy naalala ko na naman yung katangahan ko dati, sa sobrang madali ko dahil baka mahuli ako sa klase, muntikan akong maaksidente.

"Ahhhhh oo ako yun, bakit mo natanong?"

"Gusto ko lang humingi ng pasensya sayo dahil nagmamadali na ako sa oras na yun, kaya mabilis ang takbo ng sasakyan ko."

Sa tingin ko mabait naman siya, pero sa unang tingin parang suplado.

"Uy" Sagot niya dahil tulala ako.

"Ahhh oo.. ayos lang, wala naman sakin yun, ang importante maayos ako at walang mga sugat, nga pala may itatanong ako." Sagot ko na may halong kaba.

"What is it?" Wow englishero naman pala ang kuya mo.

"Ikaw ba yung nakikipag away kahapon? Sa labas ng gate?"

"Ah oo, napaaway lang ako dahil sa hindi namin pagkakaintindihan, pero ayos na kami ngayon."

"Pasensya kana kung pati yun natanong ko, mauna na ko baka mahuli ako sa klase." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Teka lang" pigil niya sa akin, ano na naman kayang sasabihin ng lalaking to?

"Ano yun? May sasabihin kapa ba?"

"Pwede ba tayong mag usap ulit mamayang lunch? Kung ayos lang sayo? Sabay na din tayong kumain kung gusto mo." naka nangiti niyang sagot.

Ha? Ano namang pag uusapan namin? Tungkol saan? Jusko, kinakabahan na naman ang ate mo.

"Ah sige sige mauna na ako baka mahuli ako sa klase." nagmamadali kong sagot, bahala ka kung saan mo ako mahahagilap mamaya.


Matapos ang klase ni bella naupo ito sa plant box sa tapat ng canteen at nakita siya ni Josh.

"Bella! Ano tara na? Tanong niya.

"Ha? Uhm sige tara na."
At nag punta na sa canteen ang dalawa.

"Ano gusto mong kainin?"

"Kahit ano nalang hindi naman ako maarte sa pagkain" tugon ko.

"Ano ka ba Bella, wag kana mahiya, sige na choose what you want my treat." Sagot niya sabay ngiti.

Naks naman yayamanin naman pala ang kuya mo Josh, pero hindi halata dahilang simple niyang tignan.

Habang kumakain kami napansin ko bakit nakangiti itong lalaking ito?

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko.

"Ha? Eh wala wala, naalala ko lang nung una kitang makita it was an accident, but I think you and I are destined to met that day for some reason." naka ngiti at nahihiyang sagot niya.


May pagkamalandi din pala tong lalaking to no? Pero ang cute niya ngumiti ha, pero balik tayo sa malandi. Char

Pagkatapos kumain ni Josh At Bella nagpaalam na sila sa isa't isa dahil sila ay may klase pa.

Ano bang meron sa lalaking yun? Bakit napapapayag niya ako? Sa lahat ng lalaking nag aya sakin makipag usap or kumain ng kasabay sila hindi ko pinapansin, hayyy ewan.


NICOLE's POV

Miss ko na si Bella kamusta naman kaya yung babaeng yun? Miss ko na lahat ng kaibigan ko, mga asaran at kulitan kailan kaya mangyayari ulit lahat nang yun.


"Riiiiiiing Riiiing"
Nag ring na ang bell at papasok nang silid aralan si Nicole.


Be! Shaina! Malakas na pag tawag ni Nicole kay Shaina.

"Impokrita ka, kanina pa kita hinahanap dito lang pala kita matatagpuan."

"Nag hahanapan lang tayong dalawa, halika dito umupo ka nalang sa tabi ko."

"Nagawa mo na ba yung assignment sa math?" Tanong ko.

"Hindi pa, may vacant pa naman pagkatapos ng subject natin ngayon, mamaya nalang natin gagawin." Sagot ni Shaina.

"O sige pakopyahin mo ako ha? Alam mo naman beshybels mo mahina sa math." Sagot ko at kaming dalawa ay nagtawanan.

Matapos ang subject namin ay pumunta kami sa isang silid aralan na bakante upang gumawa ng assignment sa math, nang biglang may isang lalaking dumating.


"Hi shaina"
"Hi nicole"
Pag bati samin ng isang lalaki, mula sa aming likuran.

"Natapos niyo na ba assignment sa math?" Tanong nito.

"Be diba siya yung anak ni misis agdigos yung masungit nating teacher sa science?" Tanong ko.

"Oo siya nga yun, pero mukhang mabait naman. Paano niya nalaman ang pangalan natin?" Tanong ni Shaina.

"Siguro kanina nung nag roll call sa attendance si misis agdigos."


"Hindi pa gagawin ko pa lang sana, bakit mo na tanong? tsaka sino ka? Sambit ni Shaina sa binata.


"By the way, I’m Joshoua Agdigos. call me Josh, classmate niyo din ako, ako lang naman yung pinaka matalino niyong kaklase" nakangiting sabi nito.


Nagtinginan kaming dalawa ni Shaina sabay nagtawanan.


SHAINA's POV

Woah parang ang lakas ng hangin ha hindi naman kaya mamanhid kami nito ni Nicole sa sobrang hangin mo Josh? (sabay kapit kay Nicole na tila liliparin ito)


"Oh kopya nalang kayo, tapos na ako para hindi na kayo mahirapan at mapagod." nakangiting sabi ng binata.


"Mabait naman pala tong si Josh, kaso nga lang may pagkamahangin din." natatawang sabi ko.


Nagkatinginan ang dalawa at napangiti na tila ba nais nilang tanggapin ang alok ni Josh.

"Talaga ba josh? Sige salamat ha?" Ang walang hiyang sagot ni nicole kay Josh sapagkat mahina si nicole sa math kaya sinunggaban na nito agad ang alok ni Josh.


"Ooops pero teka sa isang kundisyon" Sagot ng binata.

Ano ba naman tong lalaking to napaka daming alam, may pa kundisyon pang nalalaman at ano naman kaya yon.

"Aba teka! At ano naman yun Josh?" Tanong ni nicole na para bang naiinis.

"Diba kaibigan niyo si Miya? Nakita ko kayo nung nakaraan kausap niyo si Miya sa canteen, at alam kong kaibigan niyo rin si Bella, dahil kaibigin nito ni Miya tama ba"?

"Oh ano naman sayo?" Tanong ko.


"Baka naman pwedeng makuha yung number ni Bella importante lang." Nakangiting sabi ni Josh.


"Ha? Bakit? Ano namang importanteng dahilan yan?" Tanong ko.

"Eh kasi ganito yan, muntikan ko siyang masagasaan ng kotse, gusto ko lang sana mag sorry at makabawi sa kanya."


Aba’t naka kotse pa pala tong si Josh yayamanin pala tong batang to, napaka swerte naman pala.

"Ah kaya pala, sige pero wag kang maingay na samin mo nakuha yung number niya ha?" Sagot ko.


"Salamat. Ayan kopyahin niyo na hinay hinay sa pag kopya ha baka pati pangalan ko makopya niyo." Pabirong sagot ng binata.

BELLA's POV

Nang mag uwian na, nakita na naman ni Bella na kumakaway sa kanya ang isang binata na si Josh.

Impokritong to nandito na naman sana naman wag na ako lapitan kailangan kong makauwi ng mas maaga dahil may lakad ako.




6am na ng umaga, sobrang sama ng pakiramdam ko hindi ko alam kung papasok pa ba ako or hindi muna, hindi ako makatayo nanghihina ako.

"9 new messages"
Sino to?
Pagkabukas ko ng messages unknown number.

"Uy nasan kana?"
"Late kana."
"Papasok kapa ba?"
"Miss na kita."
"Miss ko na agad mukha mo."
"Nasan kana? Nag hihintay ako dito sa gate."
"I miss you baby."
"Kapag hindi ka pumasok pupuntahan kita sa bahay niyo."
"Uy mag reply ka naman."
"Si Josh ito ang pinaka gwapo sa balat ng lupa."

Ha? Saan niya nalaman number ko?
Pero teka may balat ba ang lupa? Patawa talaga tong impokritong to. May pag tawag pang baby ang kuya mo Josh, napaka landing nilalang. Dalawang beses lang nagkita baby na agad? Wow.

Tsaka ano ka? Pupuntahan mo ako dito? Alam mo ba bahay ko? Sino kayang nag bigay ng number ko sa lalaking to.



NAKALIPAS ANG ILANG BUWAN NAGING MAGKASINTAHANAN NA SILA BELLA AT JOSH


BELLA's POV

Nakwento ko sa mga kaibigan ko, kung gaano ako kaswerte dahil meron akong isang Joshua Agdigos sa buhay ko. Araw-araw akong inaalagaan, araw-araw pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Swerte din ako dahil meron akong kaibigan na nasa tabi ko kapag kailangan ko ng makakausap.

Walang araw, na hindi siya pupunta dito sa bahay, para kamustahin ako. Kapag nandito siya kulitan, asaran. Minsan napupunta sa tampuhan pero nagkakaayos din naman.

Lahat ng naging kaibigan ko naging kaibigan na rin niya, dahil sa kabaitan niyang pinapakita.

Isang araw, nagkasakit ako dinala ako sa hospital dahil sa sobrang taas ng lagnat ko. Siya yung nag aalaga sakin, araw-araw dahil wala yung mga magulang nasa ibansa. Lahat ng kailangan ko, sinusunod niya at ginagawa niya, minsan nakakatulog nalang siya sa sobrang pagod sa pag aalaga sa akin.

Ang sarap pa lang mapunta sa taong mamahalin ka ng buo, aalagaan at iingtan ka.

MAKALIPAS ANG ISANG TAON, NAG BAGO ANG LAHAT.

BELLA's POV


8:00AM
"Love Good morning I love you."
"Love gising na, mag breakfast kana."
"Love, I miss youuuu."
"Miss na kita. :("
"Tanghali na love gising na, pupuntahan kita mamaya ha? Kakain tayo sa labas, namimiss na talaga kita."

Nakakailang tawag na ako sa kanya, at nakakailang text na ako sa kanya hindi siya sumasagot. Nag aalala na ako, hindi ko alam kung anong ginagawa niya miss na miss ko na siya, gusto ko na siyang makita ulit.


JOSH's POV

5 messages

60 missed calls

Nakakaistobo sa tulog hay na ko, bakit ba siya tawag ng tawag, at text ng text? Alam naman niyang nasa bahay lang ako.

"Pwede ba wag kang istorbo natutulog ako, at puyat ako sa paglalaro. Hindi ka ba makaintindi Bella?"

Text ko sa kanya na may halong pagkainis, nakakabadtrip naman kasi talaga.

"Ringgggg Ringgggg"

"Ringgg Ringgggggggg"

"Ano ba Bella? Diba sinabi ko sayo puyat ako? Pwede ba wag kang makulit at wag kang tumawag? Nakakaistorbo ka. Istorbo ka sa buhay ko, wala kang kwenta sarili mo lang ang iniisip mo! Bye."

Hay nakakasira ka ng araw, nakakaubos pasensiya ka. Hindi ka marunong mag isip, at hindi ka marunong umintindi.

BELLA's POV

Sa mga salitang binitawan niya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, sobrang sakit. Bigla akong nanghina at natulala. Walang lumabas na salita mula sa aking bibig at ang aking nagawa lamang ay ang pag-iyak, walang hintong iyak. Sa oras na iyon, gusto kong sumigaw sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Walang araw na hindi niya ako minumura, at sinasaktan. Hindi ko alam kung deserve ko ba lahat ng to? Gusto ko pa rin mag stay kahit alam kong hindi na niya ako mahal, gusto ko pa rin siya yung lalaking makakasama ko habang buhay kahit puro sakit lamang ang binibigay at pinaparamdam sa akin.

Manhid na ako sa mga salita niyang masasakit. Nilayuan na rin ako ng aking mga kaibigan dahil, sa katangahan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta ang alam ko mahal ko siya at tatanggapin ko ang buong pagkatao niya.

SA MGA PINAGDAANAN NAMIN KASINTAHAN PA NGA BA?

7
$ 1.40
$ 1.35 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Pisces-jr15
Avatar for Hakdogka000
3 years ago

Comments

The consistency though nawala na. Pagganyan na nangyayari wag kang magpaka marupok. Try to let go kahit na masakit sa part mo dahil mahal mo pa. Minsan kaya nagkakaganyan yogn mga taong mahal natin dahil alam nilang d natin sila kayang iwan dahil mahal na mahal natin sobra awts gege skl AHHAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

congrats sis nakakaproud ang galing ❤

$ 0.00
3 years ago

Thank u love uuuuu 😚

$ 0.00
3 years ago

Ang sakit namn sis..nagbabago talaga pag tumatagal. Kung ako si bella baka iniwan ko na. Haha. Congrats sa bago mong publish❤

$ 0.00
3 years ago

Nagbasa ka pala sis HAHAHAHAYA putol putol nga e manhid na si bella sis 🤣

$ 0.00
3 years ago

Congratulations sa una mong publish🎉🎉🎉 ☺️

$ 0.00
3 years ago

Thank youuuuuuu 😍❤

$ 0.00
3 years ago

No problem 😆

$ 0.00
3 years ago