Hinding hindi kita pipigilan

0 21
Avatar for Hakdogka000
3 years ago

Pinatawad na ako ng mga kaibigan ko, naging maayos na ang lahat at bumalik na sa dati ang pagkakaibigan namin.

BELLA's POV

Pag gising ko, wala akong ganang kumilos. Sobrang bigat pa rin ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung papasok ba ako, dahil magang maga ang mata ko.

Nagdadalawang isip si Bella kung papasok ba ito o hindi. Dahil makikita ng kanyang mga kaibigan ang namumugto niyang mata.

Hayyy. Kailangan ko ng kumilos baka mahuli ako sa klase gugustuhin ko mang hindi pumasok pero kailangan. Ayokong malaman ni papa at mama na dahil lang sa ginawa sakin ni Josh pababayaan ko na pag-aaral ko.

SHAINA's POV

Ilang beses ko ng tinatawagan at tinetext si Bella pero hindi pa rin sumasagot. Ano ba nangyari sa babaeng yun? Okay naman kami, wala namang problema. Dati isang text at call lang sasagot na agad. Makaligo at makabihis na nga, sana magkita man lang kami mamaya sa school.

Papasok na ng gate si Shaina ng makita niya si Bella na umiiyak habang kausap nito ang kasintahan niyang si Josh.

Eto na naman sila, away na naman. Lagi nalang ba niya papaiyakin kaibigan ko? Hay na ko Bella. Ilang beses na kitang sinabihan pero hindi kapa rin nakikinig. Mahal mo nga pero ganyan naman ang pag trato niya sayo. Lagi ka nalang bang iiyak? Awang awa na ko sa kanya pero hindi pa rin ako magsasawang sabihan siya, kahit napakatigas ng ulo niya. Ewan ko ba kung anong meron kay Josh, hindi naman kasi ganyan yung ugali niya dati, pero ngayon parang lumalayo na rin yung loob niya samin, kahit wala kaming ginagawang masama.

Gustong lapitan ni Shaina sina Josh at Bella ngunit nagdadalawang isip ito, dahil baka makapagbitaw siya ng salita na hindi magugustuhan ni Josh.

BELLA's POV

"Josh, alam mo hindi ko na alam gagawin ko kung saan ako lulugar. Sabihin mo naman sakin yung totoo, sobrang mahal kita Josh, kahit sobrang sakit na ng pinaparamdam mo sakin." Sambit ni Bella kay Josh habang siya ay walang tigil sa pag iyak.

"Alam mo Bella, kung nagsasawa kana sa ugali ko iwan mo na ako. Pwede mo naman akong iwan kahit anong araw at kahit anong oras. Hinding hindi kita pipigilan."

"Hindi mo ako pipigilan dahil hindi mo na ako mahal, pero kahit anong sabihin mo sakin hindi kita maiwan at ayokong mawala ka dahil mahal na mahal kita. Sana naman isipin mo yung mararamdaman ko. Girlfriend mo ako Josh, hindi ako ibang tao para murahin at ipahiya mo sa ibang tao."

"Mauna na ko, wag mo muna akong kakausapin Bella, diyan kana sa mga kaibigan mo."

At biglang iniwan ni Josh si Bella habang ito ay walang tigil sa pag iyak.

Akala ko gagaan na yung pakiramdam ko dahil nakausap ko siya, pero hindi pala. Mali ako, mas lalong bumigat yung nararamdaman ko, mas lalo akong nasaktan. Sana pala hindi ko nalang siya kinausap at hinayaan ko muna.

Nandito na ako na room, hindi ako makapag isip ng mabuti. Hindi ako makapag focus dahil walang pumapasok sa isip ko kundi yung mga masasakit na binitawan niya sakin.

NICOLE's POV

"Hoy babae, ang tagal mo at saan ka ba nang galing? Kanina pa kita hinihintay, wala akong madaldalan." Sambit ko kay Shaina.

"May sasabihin ako be." Sagot ni Shaina.

"Ano yun? Bakit ba bigla akong kinabahan sa sasabihin mo."

"Ano kasi, nakita ko na naman si Bella na umiiyak kanina sa labas ng gate, kausap niya si Josh. Gusto ko silang lapitan pero hindi ko na ginawa dahil baka kung ano lang lumabas sa bibig ko na hindi magustuhan ni Josh."

"Pinaiyak na naman niya si Bella? Ano ba nangyayari kay Josh? Grabe na. Hindi na tama yung ganon kailangan nating kausapin si Bella mamaya, puntahan natin ng lunch."

"Awang awa na ako kay Bella. Pero wala tayong magagawa dahil mahal niya si Josh, ang magagawa nalang natin ay kausapin siya palagi at iparamdam natin sa kanya na nandito lang tayong mga kaibigan niya."

"Hayyyyy, masuwerte pa din pala ako be." Sagot ko kay Shaina.

"Bakit naman?"

"Dahil walang lalaking nananakit sakin. Ngayon nakapag isip-isip na ako, mas okay pala na walang jowa no? Masaya pala. May karelasyon ka nga lagi ka namang umiiyak diba?" Sagot ko habang nakangiti.

"Sira ka talaga, akala ko kung ano yun." At bigla kaming nagtawanan.

Habang nagtatawanan kami ni Shaina, nagulat ako dahil nasa likod namin si Josh. Ang sama ng tingin niya saming dalawa ni Shaina, bakit kaya? Hindi ko maintindihan kung matino ba itong si Josh o may sapak sa utak.

4
$ 0.04
$ 0.04 from @Pisces-jr15
Avatar for Hakdogka000
3 years ago

Comments