Diary

3 46
Avatar for Hakdogka000
3 years ago
Topics: Family, Pain

Ito ang istorya ng babaeng labing walong taong gulang, na namumuhay sa isang kumpletong pamilya.

Isinalaysay ni Mina ang kanyang buhay sa isang Diary.

Ngunit ano nga ba ang istorya nito? Sabay sabay nating alamin ang istorya ni Mina.

July 5, 2001

Dear Diary,

Kaarawan ng ate ko ngayon, siya ay 25 taong gulang na, wala pang nobyo. Masungit si ate sakin at madalas niya akong pagalitan. Naglilinis ako ng bahay ngayon, kasama niya ang aming ina namili ng mga handa para sa kaarawan ng ate ko.

Tapos na ako sa gawaing bahay, at hinihintay ko nalang si mama at ate para pag uwi nila malinis na ang bahay at walang anumang kalat o dumi na makikita. Madalas akong mag selos dahil palagi nalang si ate ang napapansin nila, at kapag kaarawan ko ni wala man lang akong handa o kahit pansit man lang. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman, baka nagkakataon lang na wala silang pera kapag dumarating ang aking kaarawan.

Kapag nagtatanong ako kay ate kung bakit lahat ng gusto niya nasusunod pero sa akin hindi, ang sagot niya palagi sa akin dahil tamad daw ako at wala akong kwentang anak. Ang gusto nila mag trabaho na ako para may sarili akong pera, pero paano ang pag aaral ko?


July 6, 2001

Dear Diary,

Ginising ako ng ate ko para mag luto at mag hugas ng plato, dahil kaarawan niya kahapon sobrang kalat. Wala si mama pumasok na ng trabaho pati si papa, kaming dalawa lang ng ate ko ang naiiwan sa bahay araw-araw at gabi na sila makakauwi galing trabaho.

Pagkatapos kong nag luto, nag hugas ako ng mga plato, sa hindi ko inaasahan nabasag ko ang paboritong baso ng ate ko. Bigla niya akong sinigawan, sinabunutan at sinipa. Hindi ko alam kung maiiyak ako o mapapayuko sa sobrang sakit ng ginawa sakin ni ate, at ang sabi niya napaka wala ko daw kwentang anak. Pagkatapos kong mag luto at mag hugas ng plato, dali dali akong umakyat dahil hindi ko na mapigilan ang pag patak ng aking luha.

Pag tingin ko sa hita ko may pasa na ako, ayokong ipakita kay mama at papa dahil alam kong magagalit sila kay ate at mas pipiliin ko nalang itago ito.


July 7, 2001

Dear Diary,

Papasok na sana ako ng iskwelahan ng makita ako ng ate ko, ang sabi niya mag luto muna daw ako bago umalis ng bahay dahil nagugutom na siya. At ang sabi ko mahuhuli na ako sa klase papagalitan ako ng aking guro, pero tinulak niya ako ng malakas hanggang sa mapaupo ako. Ginawa ko nalang ang utos niya, kahit sobrang sakit nang katawan ko dahil sa mga ginagawa niya sakin.

Pag dating ko sa iskwelahan at pagpasok ko ng silid aralan, napahiya ako sa mga kaklase ko at pinagtawanan ako. Hindi ko alam na may nilagay pala si ate sa likod ko, na isang sulat na nakalagay ay "wag akong tularan dahil ako ay tamad at walang kwentang anak."

Hindi na ako nakapasok at umalis ako agad dahil napahiya ako sa mga kaklase ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman at gagawin ko sa oras na yun. Kaya mas pinipili ko nalang lumabas, at umupo sa ilalim ng puno habang umiiyak.


July 10, 2001

Dear Diary,

Gumising akong umiiyak, dahil sa sama ng panaginip ko. Natutulog daw ako ng biglang may pumasok sa kwarto ko, kitang kita ko ang mukha ni ate, at alam kong si ate yun. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng tingin niya sa akin, na may hawak na kutsilyo. Papalapit siya ng papalapit at ako naman ay takot na takot, nung bigla siyang nakalapit sa akin yung hawak hawak niyang kutsilyo bigla akong sinaksak sabay tumawa siya ng sobrang lakas. Alam ko panaginip lang yun, mahal ako ng ate ko at hinding hindi niya magagawa sakin yun.

Kahit ganon mahal ko pa rin ang ate ko, pero hindi ko alam kung anong ginawa kong masama para gawin niya sakin lahat ng ito. Ginagawa ko ang lahat para lang masunod siya, pero ang tingin niya sakin wala pa rin akong kwenta at palamunin lang ako sa bahay na ito.


July 11, 2001

Dear Diary,

Pag pasok ko ng silid aralan, pinagtatawanan pa din ako ng mga kaklase ko. Hinahayaan ko nalang sila at hindi pinapansin, para lang makapasok ako kahit masasakit ang salitang binibitawan nila sakin. Kundi siguro dahil kay ate hindi nila ako pinagtatawanan ngayon. Ang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko alam kung dapat pa ba akong mabuhay, dahil baka nga wala talaga akong kwentang kapatid at wala akong kwentang anak.

Kanina pag uwi ko galing iskwelahan may nakita akong isang babaeng matanda na umiiyak at nakaupo sa tabi ng basurahan. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak ang sagot niya sakin "Hindi na kasi ako mahal ng mga anak ko iha, may kanya kanya na silang pamilya. Pinalayas ako ng isa kong anak dahil nahihirapan na daw siyang alagaan ako."

Naisip ko bakit kailangan mong palayasin ang nanay mo na siya ang nag luwal at nag alaga sayo hanggang sa paglaki mo. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa kwento ng matandang babae.

Kahit hindi ako pansin ni mama at ni papa, habang tumatanda sila aalagaan at iingatan ko pa rin sila. Mahal na mahal ko ang pamilya ko kahit hindi ko alam kung mahal din ba nila ako.


July 12, 2001

Dear Diary,

Papalabas pa lang ako ng gate dahil may pasok ako, biglang dumating ang papa ko at ang sabi niya wag na daw akong pumasok ng iskwelahan dahil wala na silang pera para pag-aralin ako. Pero paano naman ang kinabukasan ko?

Sinabi ko kay papa na kaya kong pagsabayin ang pag aaral at pag tatrabaho para lang makapagtapos ako, at mabigyan ko sila ng magandang buhay at kinabukasan, pero ang sagot niya sakin mag trabaho nalang daw ako dahil wala naman akong natututunan.

Napayuko ako sa sinabi ni papa at sumabay ang pagpatak ng luha ko, pinunasan ko nalang agad para hindi niya makita ito.


July 13, 2001

Dear Diary,

Gigising na ako para bumaba at mag almusal, pero napansin ko na may matandang lalaki na nakaupo sa tabi ng hagdan kausap niya si ate. Pababa pa lang ako nakatingin na sakin si ate, na para bang may gustong sabihin sakin.

Ang sabi sakin ni ate, bilisan ko daw bumaba at may ipapakilala siya sakin.

Ano? Ipapakilala niya sakin yung matandang lalaki? Para saan? At bakit? Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit.

Nung nasa harapan na ako ni ate at sa kasama niyang matandang lalaki, ang sabi sakin ni ate ipapakilala daw niya ako sa matandang lalaki, gusto kong sabihin na ayoko ang kaso lang masama na ang tingin sakin ni ate, kaya pumayag na ako. Ayoko kasi na baka masaktan na naman niya ako ng dahil sa hindi ko pag payag.


July, 14 2001

Dear Diary,

6 na ng umaga, gusto ko sanang pumasok sa iskwelahan pero ayaw ni mama at papa. Miss na miss ko na mga kaklase ko kahit alam ko sa sarili kong ayaw nila sakin at palagi nila akong pinagtatawanan at inaasar.

Pababa pa lang ako, nang may sinabi sakin si ate, na pupunta daw ulit dito mamaya ang matandang lalaki na gustong manligaw sakin. Tumango nalang ako at hindi nagsalita dahil wala naman akong magagawa.

Tinanong ko si ate kung saan niya nakilala yung matandang lalaki, ang sagot niya sakin sa facebook lang daw. Ang sabi ko kay ate ayokong magpaligaw lalo na't matanda na siya't hindi namin gaanong kilala ang pagkatao niya kung ano ba talaga siya.

Pero ang sagot ni ate, patulan ko na daw kasi mayaman at maraming pera. Ang sabi ko ayoko pa rin, pero nagalit at sinigawan ako ang sabi niya ang tanga tanga ko daw sana daw hindi na siya nagkaroon ng kapatid na katulad ko.

Pagkatapos akong sigawan ni ate bigla siyang natahimik, dahil pala nandito na yung matandang lalaki. Ang dami niyang dalang pagkain at kung ano ano pa. Tinitignan niya ako at nakangiti siya sakin pero iniiwasan ko.

Ang sabi ni ate dito daw matutulog yung matandang lalaki dahil gabi na. Ang sabi ko naman sa ibaba nalang ako matutulog at doon siya sa kwarto ko, ayaw ni ate. Gusto niya tabi kaming matulog, sobrang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Natatakot ako, takot na takot ako sa oras na yun.


July 16, 2001

Dear Diary,

Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari sakin, at nangyari samin nung matandang lalaki. Wala akong sinasabi sa mama at papa ko, oo may nangyari sa amin nung gabing yun.

Pinilit niya ako, wala akong magawa dahil lalaki siya at malakas siya. Umiiyak ako, yung iyak na walang nakakarinig sa akin dahil sa ginawa nung lalaki sakin.

Hindi ko alam ang gagawin ko nung oras na yun, pag gising ko para akong lantang gulay. Umiiyak ako at hindi ako lumalabas ng kwarto, dahil sobrang sama ng loob ko kung bakit nangyayari sakin lahat ng to. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung sinong lalapitan ko, dahil ayaw ako ng lahat. Pati magulang ko ayaw sakin at nararamdaman kong hindi nila ako mahal.

Sinusubukan kong maglayas, pero hindi ko magawa. Dahil natatakot ako kay mama at papa na baka mas lalong lumayo yung loob nila sakin. Alam kong hindi nila ako mahal, alam kong walang pakialam sakin ang pamilya ko kahit kumpleto kami. Pero hindi na tama yung pinapakita nila sakin, sobrang nasasakal ako.

MAHAL NA MAHAL KO ANG PAMILYA KO KAHIT NA WALA AKONG KWENTANG ANAK AT KAPATID.

4
$ 0.02
$ 0.02 from @Pisces-jr15
Avatar for Hakdogka000
3 years ago
Topics: Family, Pain

Comments

KAKAIYAQ NAMAN

$ 0.00
3 years ago

Nice, angas ng story. Grabe pinagdaanan ni Mina. Good concept din ang Diary👍

$ 0.00
3 years ago

Thank you ❤

$ 0.00
3 years ago