"Ano ba yan, nagdadrama ka nanaman" "Huwag ka kasi mahina" "Para yan lang, pinoproblema mo na. Yung iba nga ganito ganyan" "Ang babaw ng problema mo" "Tulungan mo din kasi sarili mo"

These were the words na madalas sabihin sa mga taong may depression. Madalas akala ng iba drama lang, akala nila masyado ka lang mahina. Akala nila pa-victim ka lang, na kasalanan mo din kung bakit ka nagkakaganyan. Ang di nila alam, napakaraming beses mo na lumalaban mag-isa. Ang daming beses mo na pinigilan saktan yung sarili mo dahil di mo na kaya. Ang daming beses mo na nagpahiwatig na may problema ka pero walang may pakialam. At napakaraming beses mo nilalampasan lahat mag-isa.

Napakadaling magsalita at mag comment sa pinagdadaanan ng iba. But we'll never really understand how it feels kasi di tayo yung nasa sitwasyon. Magkakaiba rin ang level ng mga problema na kaya natin ihandle.

Kaya para sa lahat, please be sensitive. If meron kayong mahal sa buhay na nagpakita ng kahit katiting na sign, please talk to them.

Asking them questions like "Okay ka lang? May problema ba? Pwede mo i-share sakin" instead of saying "Ano nanamang drama yan?" will really help.

Say "Stay strong. Nandito lang kami for you" rather than "Huwag ka kasi mahina".

At para sa lahat ng may pinagdadaanan, remember that your feelings are valid. Seek help din, professional help kung kinakailangan. Depression wants you to think na you're alone, pero hindi. Marami nagmamahal sayo. And trust God, or the universe, or the whatever-you-call-it, because difficult times don't last. One day, maiintindihan mo din kung bakit nangyayari ang lahat.. Stay strong warriors. ❤

2
$
User's avatar
@Gwenie posted 4 years ago

Comments

Thanks for this reminder. Keep fighting and spread the awareness

$ 0.00
4 years ago

Pasalamatan din natin sarili natin sa mga laban na tahimik nating naipapanalo.

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago