Seven came from a rich family. And dad niya businessman at Mom niya naman ay Politician. Kilala ang family ni Seven sa lugar namin lalo na sa school namin kasi laging nagdo-donate mommy niya. Though he came from a rich family, we studied on the same school (public school) and that’s when I met him. Di uso ang private school samin kasi nga probinsiya. Kung meron man nasa City pa.
Lagi ko na siyang nakikita sa school namim, may pagka-bully rin kasi mayaman.
Grade 4, classmates kami ni Seven. Doon ko pa mas nakita kung gaano siya ka bully haha.
While busy si Seven sa pagiging pasaway ako naman busy sa mga school activities. Band majorette ako hanggang High School. Kahit mahirap lang kami alagang-alaga ako ni mama. Walang peklat at maputi ako kasi half canadian ako. Iba rin ako sa ibang bata kasi matangkad ako yung height ko parang pang highschool na, at kung tutuusin mas matangkad ako kay Seven noong elementary kami.
Grade 6 na kami at magkaklase pa rin kami. At nakakapag-usap na rin kahit papaano..
Maraming nagkakagusto kay Seven. Yung iba classmate namin at yung iba naman taga ibang section. Gwapo si Seven kahit medyo maitim siya at di rin maitatanggi na mukhang mayaman.
Tuwing recess time pumupunta ako sa tindahan ni mama para tulungan siya sa pagbebenta. Lagi ko rin nakikita si Seven kasama ang mga barkada niya.
One day, pag dating ko sa tindahan namin naabutan ko si Seven na tumutulong kay mama sa pagbebenta ng juice na paninda ni mama.
Nagtataka pa rin ako kaya tinanong ko si mama tungkol doon. Sabi naman ni mama lagi raw kasi bumibili sa amin si Seven kasama yung mga barkada niya. Eh kanina maraming bumibili kaya nag-offer siya ng tulong.
Pagdating sa school nagpasalamat ako sa kanya sa pagtulong kay mama, nag smile lang siya sakin bilang sagot.
Christmas party...
Sabi ng teacher namin na kung sino katabi namin yun yung ka-share namin sa pagkain na iaambag pero dahil nga mahirap lang kami at ayoko manghingi kay mama sinabihan ko si Seven na humanap nalang siya ibang partner kasi di ako sa sasali sa Christmas Party. Pero di pumayag si Seven okay lang daw kahit wag na ako mag-ambag basta sumali lang ako.
Araw ng christmas party nahihiya pa akong pumasok sa classroom at umalis saglit si mama kaya ako muna nagbantay sa tindahan namin ng dumating si Seven at tinanong niya ako kung ba't di pa ako pumapasok at sinabi ko naman sakanya ang dahilan. Sabi ko mauna nalang siya pero nag-offer siya na sabay nalang daw kami at sakto naman dumating si mama.
Nagpasalamat rin ang adviser namin sa dalang pagkain ni Seven. Literal na andami niyang inambag pero parang wala lang kay Seven gaya ng iba naming classmates na niyayabang oa yung ambag nila. Ganun talaga siguro pag mayaman.
Kainan time na at nahihiya akong kumuha ng pagkain kasi wala akong ambag kahit piso. Tumayo na si Seven para kumuha ng pagkain kaya ayun kumuha nalang din ako. Konti lang kinuha ko.
"Oh ba't konti lang kinuha mo?" Tanong niya sakin.
"Busog pa kasi ako." Sagot ko pero ang totoo gutom na talaga ako nun.
Bumalik siya sa kuhaan ng pagkain, pagkita ko sakanya andami niyang kinuha at may softdrinks pa.
"Ubusin mo 'to lahat ah." Sabay ngiti habang nilalagay niya lahat ng pagkain sa plato ko.
That’s when I started to fall for him. Haha nakakatawa man isipin lasi sobrang bata pa ako pero honestly na-inlove ako kay Seven.
Simula nun as in araw-araw niya na ako kinakausap. Tuwing may assignment kami tinatanong niya kung meron ako kasi mangongopya raw siya at siya na raw bahala sa papel ko hahaha. Everyweek isa hanggang dalawang bundle ng papel binibigay niya sakin. Syempre tuwang-tuwa ako kasi makakatipid ako haha.
Valentine's day nagulat ako kasi may isang rose sa lamesa ko. Hindi ko alam kung sino naglagay. Pero yung mga classmate namin kinikilig habang sinasabi na galing daw kay Seven. Pero hindi pa rin ako sure kasi di niya naman inamin.
One time, ninakawan ako ng classmate kong bading. Treasurer ako nun, iyak ako ng iyak kasi pinapabayaran ng teacher namin plus natatakot pa akong malaman ni mama na may kasalanan ako sa school. Pero andaming nagsabi na nakita raw nila yung classmate ko na yun na lumapit sa bag ko, kaya nilapitan siya ni Seven at biglang sinuntok. Umamin rin ang classmate namin at binalik niya ang pera. 150 pesos lang naman yun pero syempre bata ako kaya para sakin malaking halaga na yun.
"Oh ito na, wag kana umiyak diyan." Sabi ni Seven sakin habang inaabot ang pera. Mas lalo akong na fall sakanya nung mga panahon na yun. Lagi na rin kaming inaasar ng classmates namin sa isa't-isa.
Elementary graduation namin gumraduate akong Valedictorian kaya proud na proud si mama sakin.
1st year high school hindi na kami magkaklase ni Seven pero noong 3rd na kami dun na kami naging magkaklase. Ibang iba na itsura niya nun, mas matangkad na siya sakin at lalo siyang gumwapo. Ika nga nila tall, dark and handsome plus pa yung dimples niya sa magkabilang pisngi. Nalaman ko rin na babaero raw si Seven, mga gf niya nun kasing sosyal niya. Ako naman wala pa sa isip ko ang mga ganung bagay. Tsaka gusto ko maging class Valedictorian ulit para makakuha ng scholarship.
Sumasali na rim ako sa mga pageant sa school namin, hindi ako makatanggi kasi syempre extra grades din yun. Tsaka okay lang naman kasi hindi pa uso 2piece swimsuit attire nun. Shorts at sports bra lang okay na. Minsan nananalo, minsan talo.
Until nag JS prom kami and partner kami ni Seven para i-represent yung class namin sa dance ball. Parang dun ang ibe-base ang king and queen. Naeexvmcite na kinakabahan ako tuwing nagpapractice kami.
Simula nun lagi na kaming magkasama ni Seven, lagi siyang sinundo ng driver nila kaya inaalok niya ako na sumabay pero di na ako tumatanggi para libre pamasahe hihi.
Before mag JS Prom namroblema ako kung san kukuha ng gown at heels na susuotin ko nun kasi mahal magrenta. Yung mga ginagamit ko sa pageant sponsored ng mga teachers pero sabi ni mama magahahanap raw siya paraan. Naawa ako kay mama kasi gastos nanaman. Buti nalang may kapitbahay kami na medyo may kaya nag-offer siya na siya pipili ng susuotin ko, make-up, hairdo ko at heels siya nagprovide at wala kaming binayaran ni mama.
Last day ng pratice namin sinabihan ako ni Sky na susunduin niya ako para sabay nalang kami papuntang school sa araw ng js prom. Tatanggi sana ako pero namimilit siya kaya punayav nalang ako.
4pm inaantay ko na si Seven pero kinakabahan ako na baka anong sabihin ni Seven tungkol sa mukha ko.
Pagdating niya at pagsakay ko sa sasakyan nila, tinanong niya pa ako kung kinakabahan ako at di ko naman tinanggi yun kaya inaasar niya ako. Di niya alam na siya ang dahilan kung ba't ako kinakabahan haha.
Nakarating na kami sa venue at nagsimula na ang party pati ang competition. Kami ang nanalo kahit ilang beses ko naapakan paa ni seven haha.
Pagkatapos kumain di mawawala yung sweet dance, usong-uso yun nung panahon namin. Lumapit sakin ang instructor namin at tinanong ako if pwede raw ba kaming sumayaw, pumayaga naman ako kasi sayaw lang naman. Aware akong may gusto sakin ang instructor namin , 15 lang ako nun at siya naman ay 22. Gwapo siya pero para sakin focus muna sa pag-aaral. Sumasayaw na kami ng instructor namin ng makita ko si Seven na nakatitig sakin na parang di ma-drawing yung expression ng mukha niya.
Ilang minutes palang kaming sumasayaw nang may lumapit samin, si Seven. Sinabihan niya ang instructor namin if pwede daw bang siya naman. Agad naman itong pumayag.
Nung nagsasayaw kami ng instructor namin oarang wala lang sakin pero iba pagdating kay Seven. My heart was beating so fast. Ramdam ko parin yung mga kamay niya sa bewang ko. Tinry kong lumayo pero hinila ako ni Seven kaya mas malapit na kami sa isa't-isa. Lalong bumilis tibok ng puso ko.
"Ang ganda mo ngayon." Sabi ni Seven.
"Ay ngayon lang pala?" Pabiro kong tanong sa kaniya. Nag joke nalang ako para maconceal yung nasa isip ko. Nag smile ako sakanya pero siya seryoso pa rin.
"I like you, Gail." Seryoso niyang pagkakasabi.
Grabe na talaga tibok ng puso ko.
I don’t know what happened next. I just realized that he bent over and kissed me. It was a smack kiss. It lasted for 5 seconds? I think. But for me it was like a life time. I don’t know if merong nakakita kasi may kanya kanyang mundo lahat ng tao nung time na yun.
Tumigil na kami sa pagsayaw. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sakanya.
"Pwede ba akong manligaw sayo?" Muli niya oang tanong.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla.
"Silence means yes." Nakangisi niyang dagdag.
As he promised hinatid niya ako pag-uwi sa bahay. Pagdating sa bahay di ako makatulog. Yun pala ang pakiramdam ng first kiss? Hahaha.
Abangan ang part 2..
-greyzzz