Pride

0 39
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Araw ng linggo, nakagawian naming magpipinsan na mag-sleep over. Madalas ay nagmo-movie marathon lang kami. At dahil sawa na kami sa ganun, naisipan naming mag-laro ng truth or dare.

Bago pa man kami magsimula ay dumating si tito Vlad upang makinig sa amin dahil siya ay pinakaboritong tito namin kaya comfortable kaming mag-usap ng kahit ano dahil napaka-open minded niyang tao. Malayo sa ugali ng iba naming kamag-anak.

Puro tawanan lang kami at laging dare ang pinipili naming magpipinsan. Kung may mag truth naman ay magtutuksuhan kami. Tapos na umikot sa lahat ang bote at wala na kaming maisip na iba pang gawin.

Tumingin ako kay Tito Vlad nang nakakaloko. Ang nagsi-gaya na rin ang mga pinsan ko. Lagi naming kinukulit si tito na mag-kwento kung bakit 'di siya nag-asawa. Mabait, gwapo at higit sa lahat mapagmahal si Tito Vlad kaya sobrang curious kami kung bakit.

"O siya sige na nga magkkwento na ako pero wag niyong ipagsabi sa iba ha?" Nakangisi niyang sabi samin.

"Yun oh!"

"Yehey!"

"Yes, sa wakas"

Reaksiyon naming lahat ng marinig ang pagpayag ni tito Vlad.

"Bago ang lahat, nainlove kana ba tito?" Tanong ko. Napangiti si tito ng mapait.

"Oo naman, ikukwento ko na. Ano game? Haha"

"GAME NA GAME!" sabay naming sagot ng mga pinsan ko.

"First year college when I met Aly. The moment I saw her I knew it was her, the one I've been searching for a long time." Panimula ni tito. Kitang-kita sa kanya ang saya habang binabanggit niya ang mga katagang iyon.

Kinikilig kaming magpipinsan pero wala nang nag-abalang magtanong o magsalita para 'di ma-destruct si tito.

"Sobrang ganda niya, yung mga ngiti niya para akong tinutunaw. At halatang mayaman siya dun palang alam kong 'di na ako papasa sa kaniya." Pag-tuloy ni tito.

"Araw-araw ko siyang inaabangan sa canteen, kabisadong kabisado ko kung saan siya uupo. Kaya walang araw na hindi ko siya binibigyan ng bulaklak. Lagi akong kinakabahan dahil baka itapon niya lang ang mga ito. Gusto ko man siyang bigyan ng mga mamahaling gamit o chocolate ay 'di ko magawa. Hiyang-hiya ako kay Aly." Seryoso lang kaming nakikinig sa kwento ni tito Vlad.

"Isang araw, 'di ko nakita si Aly. Baka kako 'di siya pumasok kaya naisipan kong umalis na sa canteen. Laking gulat ko paglingon ko ay nakita ko si Aly, sobrang tamis ng ngiti niya. Mala-anghel ang mukha niya. Para akong nanigas lalo na nung nagsalita siya."

"Tinanong niya ako kung sino ang hinahanap ko, kung siya raw ba." Hanggang tenga ang ngiti ni tito habang nagsasalita.

"Ewan ko ba pero 'di ako makapagsalita ng ayos. Bigla niyang hinila ang kamay ko para magshake-hands napakalambot ng kamay niya kamay mayaman. Nahihiya ako lalo kay Aly."

"Yun ang unang pag-uusap namin ni Aly."

"Eh tito nasan na po siya?" Imbes na sagutin niya ang tanong ng pinsan ko ay ngumiti lang siya.

"Hindi ko akalain na alam pala ni Aly na ako ang nagbibigay ng bulaklak sa kaniya. Tuwang-tuwa raw siya kaya nagpatulong siya sa kaibigan niya na alamin kung sino ang misteryosong tao. Haha, tinanong ko siya kung nadisappoint ba siya ng malaman niyang ako pala. Pero ang sagot niya ang nagpakilig sa akin. Dahil nag-eexpect daw talaga siya na sana ako. Matagal niya na raw akong crush nahihiya lang daw siya magsabi sa akin dahil para sa kaniya pangit tingnan sa babae na nagfi-first move. Noong araw din na yun ay inamin ko kay Aly ang nararamdaman ko sa kanya. At di nagtagal ay naging kami rin."

"Marami ang tumaas ang kilay nang malaman nila na isang mahirap na gaya ko ang magugustuhan ni Aly. Langit siya lupa ako."

"Noong una, sinubukan kong makipag-hiwalay kay Aly dahil sa sitwasyon pero ipinaglaban niya pa rin ako at never kong naramdaman na ikinahiya niya ako."

"At dahil doon, hindi ko na sinukuan si Aly. Eventually, naging masaya kami. Hindi siya maarteng babae kahit na mayaman siya ay kuntento na siya sa mga street foods na kung minsan pa nga ay siya nagbabayad para sakin. Kada buwan ay binibigyan niya ako ng mga regalo kahit wala akong maibigay sa kaniya. Hiyang-hiya ako kay Aly noong panahon na yun. Sinubukan kong magtabi para pangregalo sa kaniya pero hindi ko magawa dahil sapat lang talaga ang pera ko, working student ako."

"Magta-tatlong taon na kami noong muntik na akong di maka-graduate dahil hindi ako nakabayad ng tuition fee. Never kong sinabi kay Aly ang sitwasyon ko na yun. Lahat ginawa ko para makapag-ipon ako at nakasuporta lang siya lagi sakin. Hanggang sa nalaman niya ang sitwasyon ko, kaya nag-rekomenda siya na siya ang magbabayad. Noong mga panahon na yun ang liit ng tingin ko sa sarili ko. Kaya hindi ko tinanggap ang offer niya. Nasigawan ko siya dahil pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako. Ngunit nagpakumbaba lang si Aly at niyakap ako. Umiral talaga ang pride ko noon at labis kong pinagsisisihan yun ngayon."

"Nagpasya akong makipaghiwalay ulit kay Aly dahil hiyang-hiya ako sa kaniya. Alam kong hindi ko siya mabibigyan ng magandang buhay. Kaya lahat ng paraan ay ginawa ko para lang layuan niya na rin ako. Sobrang nasasaktan ako sa tuwing pinagtatabuyan ko si Aly. Pero yun lang talaga ang naisip kong paraan para sa kabutihan niya. Tutol rin naman ang pamilya ni Aly sa relasyon namin."

"I even kissed a girl in front of her para kamuhian niya ako. But she still kneel down and beg on me to come back to her life pero pride ko pa rin ang umiral." Naluluha na si tito Vlad. Pati kaming magpipinsan ay naiiyak na rin sa kwento ni tito.

"Ilang buwan naging ganoon ang setup namin ni Aly. Siguro napagod na rin siya at nakilala niya si Mike."

"Wait tito, ano po full name ni Aly?" Putol ko sa kwento ni tito.

"Ma. Alyssa. And yes you all deserve to know the truth especially you, Venice. Si Aly at ang mommy mo ay iisa." I froze for a while, naiiyak ako. I never knew this.

"Ang kapatid kong si Mike na daddy mo ang nakilala ni Aly. Your dad never knew that it was me who hurt your mom from the past until their wedding day, I talked with my brother and Aly to clear things out noong una oo sobrang sakit but seeing Aly being happy with my brother makes me feel at ease, atleast alam kong napunta sa mabuting tao ang babaeng mahal ko. I'm sorry Venice." Tito explained while crying.

"Buti nalang mas matatag si Mike kaysa sakin. Naging duwag ako. Naging okay ang buhay namin noong pinagbubuntis ka palang ng mommy mo. Pinatunayan ng kapatid ko na karapat-dapat siya para kay Aly. At nakita iyon ng magulang ni Aly, mga grand parents mo."

"The reason why I stay single because I deserve to be alone for what I did to your mom. I don't deserve anyone. I'm coward. And this serves me right." Nakangiti na si tito.

Umiiyak na kaming lahat at medyo gulat pa rin sa nalaman namin.

"No tito Vlad, you don't have to say sorry. I should be thankful to you. Siguro kung 'di nangyari yun baka wala ako ngayon sa mundo." Nakangiti kong sagot kay tito kahit teary eyed pa ako.

Sabay-sabay naming niyakap magpipinsan si tito Vlad, and I will never hate him for what he did from the past. Siya pa rin ang paborito naming tito.

-the end-

11
$ 0.65
$ 0.65 from @TheRandomRewarder
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Comments