Ipapakilala ko sainyo ang aking greatest love, si EJ. Bata pa lang kami magkakilala na kami ni EJ, madalas kaming mag-asaran at madalas akong napipikon sa mga pambubully niya sakin.
Pero pag may ibang nang-asar sakin nagagalit siya sa mga yun ang katwiran niya siya lang daw pwede mambully sakin.
Iisa kami ng school sa elementary mas matanda siya ng isang taon sakin. Lagi kaming sabay pumasok at lagi niya rin akong hinihintay sa pag-uwi.
Pag bakasyon naman ay lagi kaming magkalaro. Close rin ang pamilya ko at pamilya niya. Bata palang kami ni EJ ay kami na ang pinagkakasundo, naiinis pa kami pag inaasar nila kami noon.
High school, hindi na kami madalas nagkikita ni EJ pero kung magkita man kami ay ganon pa rin ang bonding namin sa isa't-isa. Kwentuhan ng buhay buhay kasama pa ang iba naming kaibigan.
Dahil mga nagdadalaga't binata na kami natututo na rin kaming magkaroon ng crush. Sa tuwing broken-hearted ako sa mga nagiging crush ko kay EJ ako nagsusumbong. At imbes na i-comfort niya ako inaasar niya pa ako lalo.
3rd year high school ako nagkaroon ako ng boyfriend yun ay si John. Noong nalaman ni EJ nagalit siya sa akin kasi hindi raw matinong lalaki si John, hindi naman ako nakinig sakanya kasi para sakin mas kilala ko si John. At kalaunan ay hinayaan nalang ako ni EJ. Mga unang buwan namin ni John ay sobrang saya. Lagi akong hatid sundo ni John, kada monthsary namin ay lagi siyang may regalo sakin. Hindi talaga pumapalya si John sa pagpapakilig sa akin. Si EJ naman ay lumayo na sakin bilang respeto sa boyfriend kong si John.
3 months bago ang first anniversary namin ni John, nag-iiba na ang pakikitungo niya sa akin hindi na siya tulad ng dati. Pero iniintindi ko lang dahil alam kong busy rin siya sa school gaya ko dahil malapit na kaming gumraduate ng high school. Hindi pa uso ang cellphone nun kaya wala kaming ibang way of communication.
Lumipas ang isang buwan at ganun pa rin ang setup namin ni John, swerte na kung magkita kami isang beses sa isang linggo. Akala ko noong una busy lang talaga si John pero tuwing nagkikita kami iba na talaga, sobrang cold na ng pakikitungo niya sakin. Dahil doon nakikipag-usap na ulit ako kay EJ, sakanya ko lahat binubuhos ng hinanakit ko. Nakikinig lang si EJ sa lahat ng rants ko, pagtapos na akong dumaldal sakanya ililibre niya ako ng paborito kong pagkain.
Nagiging okay na ako dahil kahit papaano ay may nakakausap na ako, gumagaan na ang pakiramdam ko sa tulong ni EJ. Isang beses nilibre ako ni EJ na kumain sa labas at pumayag naman ako sa yaya ng kaibigan ko siyempre libre yun eh. Nakita kami ni John na magkasama ni EJ kaya sobrang nagalit siya sa akin. Muntik na makipaghiwalay sakin si John nun pero nagmakaawa lang ako at pinangako kong 'di ko na kakausapin ulit si EJ wag lang siyang makipag hiwalay sakin. Naging maayos na ulit kami ni John pero alam kong may lamat na talaga ang relasyon namin pero hinayaan ko nalang dahil sobrang mahal ko siya.
Ilang araw bago ang first anniversary namin ni John ay balak ko siyang i-surprise. Pero ako ang nasurprise sa nakita ko. May kahalikan si John na ibang babae na schoolmate lang din namin. Pero wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang, hindi alam ni John na alam ko nang may iba na siya. Naging martyr pa rin ako sakanya kasi paniniwala ko magbabago rin siya.
Mas lalong lumala na ang mga away namin ni John minsan ay nasasaktan niya na ako physically. Sobrang mahal ko talaga si John kahit ganun ang ginagawa niya sakin. Sa tuwing nagkikita naman kami ni EJ ay umiiwas pa rin ako sa kanya.
College na kami at 2 years na rin kaming magkarelasyon ni John, walang nagbago paulit ulit nalang kaya ako na rin ang sumuko pagod na pagod na ako sa mga pananakit ni John mapa-emotional o physical man.
May communication na ulit kami ni EJ, siya pa rin talaga ang kaibigan ko. Never niya akong tinanong o pinagalitan tungkol samin ni John. At nalaman kong alam ni EJ na sobrang babaero si John nagsisisi akong 'di ako nakinig dati sa kaibigan ko.
College days mas nagiging maalaga ang kaibigan kong si EJ sakin, siya naging supporter ko sa lahat ng bagay. Sa saya at kalungkutan siya ang kasama ko.
Alam kong may nararamdaman na kami ni EJ para sa isa't-isa pero binalewala ko yun.
Dumating ang araw na umamin sa akin si EJ, lahat ng nararamdaman niya sakin sinabi niya. Ako rin pala ang dahilan kung bakit never siyang nagkagusto sa ibang babae at never siyang nagka-girlfriend. Sinabi niya rin na kaya niya ako binubully noong mga bata pa kami para mapansin ko siya.
Pero hindi ko tinanggap ang feelings niya. Ni-reject ko si EJ, ang dahilan ko mahal ko pa rin si John kahit may nararamdaman na ako para kay EJ.
Sabi ni EJ handa siyang hintayin ako kahit ilan pang taon.
Iniwan ko sa ere si EJ.
Ilang buwan lang ang nakalipas ay nagkabalikan kami ni John sa pag-aakalang nagbago na siya. Sa una lang pala talaga lahat. Tumagal kami ulit ng 3 taon ni John at pareho na kaming graduate ng college at may maayos na trabaho. Pero sobrang toxic na talaga ng relasyon namin. Ilang beses ko siyang nahuli na may ibang babae pero hinahayaan ko lang. Kasi isang sorry lang ni John lumalambot agad ako.
Pero umabot na ako sa puntong hindi ko na talaga kaya. Kusa na akong lumayo, hindi na ako nagpapigil kay John dahil alam kong mauulit lang ang lahat.
1 year later...
Humilom na lahat ng sugat na gawa ni John at tuluyan ko na siyang nakalimutan.
Naisip kong panahon na para buksan ko ang puso ko sa iba. At dito pumasok ulit si EJ sa buhay ko. Gaya ng pangako niya na hihintayin ako. Nagkakamabutihan na kami ng loob
Nasa barko man si EJ ay di siya pumapalya na iparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako. Hindi pa kami official ni EJ dahil ang gusto niya magkita muna ulit kami sa personal. After ng ilang taon na hindi kami nagkita kinakabahan ako na excited.
Handa na talaga akong tanggapin ang pagmamahal ni EJ.
Araw ng birthday ko at may konting salo-salo at 'di nagparamdam sakin si EJ kaya sobrang lungkot ko pa rin.
Hanggang sa bigla nalang nangyari ang bagay na magpatigil sa mundo ko...
Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko si EJ ngayon, napaka gwapo niya. May dala dalang boquet ng sunflower. Parang nagslowmo ang lahat ng nasa paligid ko.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay lumuhod si EJ sa harap ko...
"Will you marry me, Yna?"
Mga katagang 'di ko inaasahan, nabigla ako. Hindi pa kami magkasintahan ni EJ pero..
"Yes EJ, I'll marry you." Walang pag-aalinlangan kong sagot.
Ikinasal kami kaagad ni EJ matapos ang ilang buwan. Mabilis man ang pangyayari ay wala akong pinagsisihan. Mahal na mahal namin ang isa't-isa.
After 8 years...
Biniyayaan kami ng isang napaka gwapong anak na si Ice, 4 years old na siya ngayon. Malayo man sa amin ang daddy niya ay hindi ito nagkulang sa alaga at pagmamahal sa amin.
***
Hindi nasusukat sa tagal ng relasyon ang pagiging matibay at. Kung talagang nasa tamang tao kana hindi mo na kailanman mararanasan ang masaktan. Kinasal man kami ni EJ kaagad wala naman akong pinagsisihan dun dahil araw-araw pa rin akong nililigawan ng asawa ko. At hindi kayang tumbasan ng nakaraan ko ang sayang nararamdaman ko ngayon.
Pag alam mong toxic na sumuko kana, hindi mo mababago ang isang tao kahit gaano pa kayo katagal. Always know your worth. Wag na wag mong isasara ang puso mo dahil sa pagkakamali ng isang tao sayo, bagkus ay magpahinga ka hanggang sa maghilom lahat ng sugat sa puso mo. Darating at darating rin ang taong nararapat sayo at ipapakita sayo ang kagandahan ng mundo.
--the end--
Disclaimer: Lahat ay gawa lamang ng imahinasyon ng author, ang pagkakahawig sa mga nabanggit ay hindi sinasadya.
-greyzzz