I used to love being alone, 'di ako sanay makipaghalubilo sa ibang tao. I have symptoms of panic attack. I got this when I was a child and I don't want to talk about it or even remember it. Minsan natatawag pa akong introvert.
I thought no one can change me, until I met this man.
3rd year college, I'm still NBSB. Tsaka wala naman akong interes sa mga ganung bagay kaya 'di ko siya ginawang big deal. I don't have bestfriend even close friends. I can say I'm just a nobody. Bahay-school-repeat, yan lang cycle ng buhay ko.
I had classmate na sobrang hambog ang galawan. Nakakairita yung existence niya.
Hindi naman siya attractive, I can't see anything special in him. Pero I admit na super nag-eexcel siya sa acads. Kaya nga favorite siya ng mga teachers namin. Pero he's still a no for me.
One day, he approached me.
"Hi Sab, may I ask you something?" He asked and I just gave him a poker face.
"Ay hehe, pasensya na kung feeling close ako ha." Dagdag niya habang nakangiti.
"Buti alam mo." Di ko alam ang sasabihin dahil 'di talaga ako marunong makipag-socialize.
"Ang sungit naman nito hehe. Mag-ask lang sana ako kung pwedeng mahiram notes mo. Sabi kasi ni Mrs. Medel sayo raw ako manghiram kasi kumpleto daw notes mo. Pasensya na ha kung istorbo, may practice kasi kami kanina para sa sa darating na intercollege competition kaya 'di ako nakapasok sa subject na yun. Promise ibabalik ko agad." Mahaba niyang litanya.
Yes, varsity siya ng school namin. Kaya nga may pagkahambog.
"Dami mong sinabi." Sagot ko sa kaniya habang inaabot ang notes. At nagmadali na akong umalis dahil nagpapanic nanaman ako. Hindi talaga ako sanay. Pinagpapawisan na ako.
"Uy okay ka lang ba?" Sigaw niya sakin dahil medyo malayo na ako sa kanya.
Pero hindi ko na tinangkang lingunin siya pabalik.
Pagkagabi nung araw na yun, tinawag ako ni mama. May bisita raw ako. Wala naman akong ineexpect na bisita pero lumabas pa rin ako ng kwarto ko para tingnan ko kung sino ang tinutukoy ni mama.
Laking gulat ko at babalik na sana ako ng kwarto ko ng tawagin ako ni Nick. Oo, tama yung lalaking yun ang bisita ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong tanong kay Nick dahil baka pag narinig ni mama ay pagalitan niya ako.
"Ibabalik ko lang sana tong hiniram kong notes. At kung tatanungin mo kung paano ko nalaman bahay mo hehe tinanong ko si Mrs. Medel kasi gusto ko isauli ng personal sayo at baka kailangan mong gamitin." Magalang na sagot niya sakin. Walang tono ng isang hambog na Nick sa school namin.
"Ah ganun ba salamat. Pwede kana umuwi." Casual kong sagot sa kaniya sabay hablot ng notes ko sa kanya.
Napakamot siya ng ulo sabay ngiti na parang nahihiya. Ang cute niyang tingnan.
"Hehe, sige babye." May kasama pang pagwasiwas ng kamay.
Tapos na ang intercollege at champion ang school namin sa basketball at ang MVP si Nick.
Back to normal na ulit ang school, busy-busyhan na ulit sa school works ang lahat.
Then our prof gave us a group work. At ang nakakainis ay dapat babae at lalaki ang partner. At syempre sa dinami rami ng classmate ko si Nick pa ang na-assign na maging buddy ko.
"No buts no ifs or else ibabagsak ko kayo. Maliwanag ba?" Sabi ng prof namin bago pa ako makapagreklamo.
Haysss, pwede naman sanang invidual nalang eh.
"Hi Sab, kelan tayo pwede magstart?" -Nick
"Ikaw bahala." Sagot ko
Fast forward...
Ilang linggo na rin kaming laging magkasama ni Nick after school para sa activity namin. Nung una sobrang nahihirapan akong maka cope-up dahil 'di talaga ako sanay. Pero si Nick nag-aadjust para sakin.
Naging magkaibigan na rin kami ni Nick, nagku-kwentuhan na kami ng kahit ano at nakwento ko na rin sa kanya yung about sa panic attack ko at yung medyo pagiging introvert ko.
Simula nun naging maalaga sakin si Nick, ginaguide niya ako sa lahat tinutulungan niya ako magkaroon ng maraming kaibigan. At ang saya pala ng pakiramdam na may matawag kang kaibigan.
Kahit tapos na yung activity namin na magkapartner lagi pa rin kaming magkasama, okay naman si mama at papa sa kanya. Sobrang marespetong tao. Lahat ng akala ko sa kanya dati ay mali pala. Ibang-iba si Nick sa naging impression ko sa kanya noong una.
Ilang buwan na kaming magkaibigan ni Nick ng umamin siya saakin na may nararamdaman na siyang espesyal sa akin at ganoon rin ako sakanya. Hindi nagtagal ay naging kami rin. Ibang-iba na ako, iba na ang Sab ngayon dahil kay Nick. Maraming akong natutunan dahil sakanya.
Naging healthy ang relationship namin, legal kami both sides. Walang 3rd parties at kung ano pang problema na pwedeng mangyari sa isang relasyon.
Fast Forward
3 years na ang nakalipas at kami pa rin ni Nick, graduate na kaming pareho at pareho na kaming guro.
Kung gaano kami kasaya nung nagsisimula palang kami, mas nadagdagan pa ngayon. Alam kong si Nick na talaga ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Siya na ang una't-huli.
5 years na kaming magkasintahan ni Nick, at yun din ang araw na nag-propose siya sa akin. Para akong nasa langit ng mga panahong iyon. Wala akong ibang nakikitang tao sa paligid kundi si Nick lang. Walang pag-aalinlangan kong sinagot si Nick.
6 years anniversary namin ni Nick araw ng kasal namin. Sobrang excited na ako, excited ang lahat.
"Yehey, ansaya naman lola happy ending." Pagputol ng apo ko sa kwento ko. Biglang tumulo ang luha ko.
"Lola, bakit ka po umiiyak?"
"Wala ito apo napuwing lang ang lola, matulog kana uuwi na ang mommyla mo mamaya dapat may energy ka bukas pagdating niya." Nakangiti kong sagot sa apo ko. Agad naman siyang nakatulog.
Hindi ko mapigilan ang umiyak, naalala ko nanaman ang lahat ng sakit. Naalala ko nanaman ang dahilan kung bakit tumanda akong dalaga. Ang apo kong si Kyle ay anak ng pamangkin ko.
Naaalala ko nanaman si Nick ang lalaking pinakamamahal ko. Ang lalaking nagpakita sakin ng kagandahan ng mundo.
Araw ng kasal namin na dapat ay ang pinakamasayang araw ko ay naging isang pinakamasakit na alaala. Araw na kinuha sakin ng panginoon ang lalaking naging mundo ko. Nasagasaan ng bus ang sinasakyan nila Nick na papunta dapat sa simbahan mung saan kami ikakasal. Hindi na siya naidala sa ospital, inagawan na siya ng buhay kaagad.
60 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sugat. At sayo Nick maraming salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin, mahal na mahal kita malapit na tayong magkitang muli mahal ko.
-end-