Not your Ordinary Tinapay!

11 70
Avatar for Grecy095
3 years ago
Topics: Real Life

Tinapay means bread loaf in English. Pero magtatagalog ako today. Taglish pala, kasi masakit pa din yun kamay ko. Nahihirapan ako mag English pag masakit kamay ko, hehe.

Disclaimer: I am not affiliated with Yanyan, the Manufacturer of this bread loaf. I am just a person who happens to tastes this one of a kind butter loaf and I can't stop eating.

Oh diba, Masakit daw ang kamay pag nag E-English pero naka pag English.

Eto na nga yun kwento. Nagpapahinga ako kanina galing sa trabaho kasama si Unnie the doggo. Sabi ko sa mama ko gutom na ko. Tinitignan nya yun katawan ko sabi nya "muka naman". Binigay nya sakin yun butter loaf at yun palaman na Kewpie, "ayan, ubusin mo". Eto yun tinapay.

Melle's Cakes and Pastries Butter Cheese Loaf

Matagal na kaming bumibili nyan, yun lang hindi ko ma tandaan ang presyo. Available yan sa lahat NG groceries. Dati, nun nag titipid kami, Pullman's bread loaf lang kaya NG budget, pero Iba rin kasi yun may ganitong lasa NG tinapay, maeenjoy mo ang pagkain. Yun Ibang tinapay kasi once na sinubo ko, regardless anong palaman nya (peanut butter, pimiento cheese, mayonnaise, butter, coco jam etc) umiikot lang talaga sa mouth ko habang nginunguya. Parang ayaw siyan itulak NG dila ko sa lalamunan kasi naboboring sya sa lasa, hahaha.

Etong tinapay na ito, masarap talaga. Pakita ko sa inyo ang itsura.

Sponsors of Grecy095
empty
empty
empty

Pansinin nyo muna ang mga angel na sponsor ko na sumusuporta sa akin kaya ako sinisipag mag sulat!!

Nakita mo yun tinapay? Pag labas ko NG isang piraso mula sa plastic, naaamoy agad ang butter at maiisip mo na matamis yun tinapay. Hindi naman siya katamisan, tama lang. Ang Iba dito, kahit wala NG palaman, pwede na siya kainin mag isa. Masarap talaga.

Bago ko ito kagatin, tinignan ko yun gilid. Diba ang Iba sa atin ay I aalis yun gilid kasi parang walang lasa o hindi kasarapan, etong tinapay na to, kahit yun gilid masarap. Walang sayang, lahat kakagatin mo. Saka makapal siya. Yun Ibang tinapay puro hangin lang pala kaya makapal, itong tinapay na ito, totoong makapal at nakaka busog.

Nilagyan ko NG paborito Kong Japanese Mayonnaise, ang Kewpie. Nalaos sakin ang Ladies Choice Mayonnaise nun na kilala ko si Kewpie. Yun lasa NG mayonnaise na ito ay mas mataas na kalidad NG mayonnaise, medyo maalat at lasang lasa mo yun itlog. Kaya nga pag may Egg sandwich ako, ang linamnam. Yun nilagang itlog, hahatiin mo sa maliliit na piraso, hahaluan mo NG Kewpie Mayonnaise, ay sabi sayo, sosyal na sosyal ang lasa NG Egg sandwich. Ma enjoy mo ang meryenda time. Tataba ka nga lang, pero..... Maeenjoy mo ang meryenda time!

Eto yun Kewpie. Nabili ko ito sa Walter Mart, meron din sa Puregold o Baka sa karamihan sa Grocery. Ang presyo PHP 149, o $3. Pang isang linggo ko lang yun size na ito. Eto ang pinaka maliit na size. Minsan pinapapak ko pa yan kahit walang tinapay kasi pabor na pabor sakin ang lasa. Pag ito ang inilalagay ko sa Chicken Macaroni Salad, sobrang sarap!! Nag benta na ko sa work NG macaroni salad, ubos agad. Hinahanap hanap pa. Kasi bukod sa secret ingredients, mas lalong sumarap dahil sa Kewpie. Di nga lang Sya budget friendly kasi yun Cheezy na palaman wala pang PHP 100 yun isang maliit na bote. Pero wapakels ako kasi masarap talaga to mga tol!!!

Nakahanda na ang aking tinapay, akin nang kakagatin, pero wait, there's more...

Anong Kwentong Tinapay mo?

Ako meron. Gustong gusto ko yun mainit na pandesal, lalagyan NG butter, ma tutunaw yun butter sa pandesal, saka mo isasawsaw sa mainit na kape. Yun kape yun walang halong cream o powdered milk, kape lang at asukal. Mas lalong matutunaw ang butter na nasa pandesal kasi mainit yun kape mo. Matutunaw pa siya sa bibig mo. Makikita mo may mantika mantika na yun kape mo kasi nga nilublob mo ang tinapay na may butter, pero okay lang, kape mo naman yan.

May isa pa. Pag nanunuod ako NG American movies, nakikita ko na pinaghahalo nila yun jam at peanut butter, o peanut butter and jelly ba yun? Dati hindi ako fan NG ganun. Ayoko nga yun. Pero nun tumanda na ko, na curious ako sa lasa. Para maiba ba. Ginawa ko, nun mayroon kaming strawberry jam at peanut butter, buong tapang Kong binuksan ang lalagyan NG dalawa, sumungkit at nilagay ko sa aking tinapay. Kinagat ko NG maliit muna, para pag Di ko talaga natipuhan, hindi sayang, ipapakagat ko sa Iba. Pero mga dzai, mga tsong, ireng tinapay, masarap siya!! Masarap pala yun!!! Sinayang ko ang buong 19 years (19 years old ako nun sinubukan ko yun) na hindi pinagbibigyang pagsamahin do strawberry jam at peanut butter. Ako na yun late bloomer.

Ano? More Kwentong tinapay pa?

Alam nyo yun nutribun? Yun monay na matigas. Wala na ata yun ngayon nun maliit pa ako, nasa school kami, pinamimigay yun NG libre. Sabi kasi may vitamins at nutrients daw ang nutribun. Kasabay NG pag bigay NG nutribun, may lugaw na may isang maliit na hiwa NG manok, yun leeg ba, at Kung suswertihin ka,ay nilagang itlog. Yan ang libreng pagkain NG eskwelahan namin. Habang kumakain kami lilitratuhan kami NG mga guro namin at ipapakita Kung gaano sila maawain sa kanila NG mga estudyante. Sabi nga nila tatangkad ako pag kumain NG nutribun, pero Di naman totoo, haist.

Isa pang kwento, pag binato ka NG bato, batuhin mo NG tinapay. Literal ba ito o salawikain lamang?yan ay kasabihan. In English, kill them with kindness. Pero sana yun Ibatong tinapay sakin ay yun may palaman na Kewpie para libre snacks na din.

Sa eskwelahan, nun nasa elementary ako, yan ang pangaral NG mga guro namin. Wag na daw patulan ang mga taong nagmamaliit sayo. Yun mga taong pumupukol sa pagkatao mo. Nag sisilbi ka kasing threat sa kanila kaya pipilitin ka nilang sirain at pabagsakin. Sabi NG mga guro ko, wag daw pansinin. Sila ang may problema kaya tahimik na lang daw. Pero Alam yun mga guro ko na yun, sila sila din yun nag away away sa faculty. Ang lakas NG sigawan. Sa naalala ko, dahil iyon sa mga utang NG isat isa. Hay naku, nangangaral, hindi na tandaan yun pangaral nya.

Eh pano naman yun tinapay pag kabwanan mo? May kwento ako. Meron akong kaklase na lalaki nun highschool. Late na ko nag karoon NG buwanang dalaw mga sis. Second year na ko nun. Nun isang araw noon, nag karoon ako. Bago pa lang kasi kaya hindi ko pa Alam kelan ulet mag sisimula ang buwanang dalaw ko. Nag tanong ako sa kaklase ko na babae Kung may napkin siya, sabi nya wala at dzai, sinabihan nya ko na "ang tawag natin dyan, tinapay, para Di mahalata NG mga kaklase natin na lalaki na napkin ang hinahanap natin". Ayun, tinapay pala ang tawag.

Napa salita tuloy ako na "may tinapay kayo dyan?". Lumapit sakin yun kaklase ko na lalaki "eto Grecy, may palaman yan itlog". Naka tingin lang ako sa tinapay, pero tinanggap ko naman, Kinagat ko nga agad yun itlog!! Ayos pala, hindi nila talaga napansin na napkin talaga ang hanap ko. Di ko ma alala Kung naka hanap ako NG napkin. Kaya kayong mga lalaki, makiramdam kayo pag naghahanap NG tinapay ang babae, kasi minsan, hindi pala ito pagkain.

Busog na po ako!! Naka apat ako NG slice!! I highly recommend ang tinapay na naikwento ko ngayon, lalo na Kung may anak kayo, yun mga bata masasarapan sa tinapay na yun.

Sana mag enjoy kayo sa Kwentong tinapay ko!!

7
$ 2.22
$ 2.07 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Jean39
$ 0.02 from @iyanpol12
+ 2
Sponsors of Grecy095
empty
empty
empty
Avatar for Grecy095
3 years ago
Topics: Real Life

Comments

Ang witty nito Grecy. Parang si Ruffa Mae habang binabasa ko. Haha

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, to the nth level diba, go go go!!

$ 0.00
3 years ago

Hapon ko na nabasa yung tinapay mo Sis 🥰😊 nagutom lalo ako . Sakin naman Reno ang pinapalaman ko o kaya chocolate like Goya :)

$ 0.00
3 years ago

Ay gusto ko rin yun reno sa mainit na pandesal.

$ 0.00
3 years ago

Nagutom nmn ako sis at ansarap kahit pix lng.. Hanapin kita later sa new account ko kasi na spam ata ako

$ 0.00
3 years ago

Ansarap nman nyan, napalunok talaga aq.. 🤣

$ 0.00
3 years ago

Masarap to, highly recommended

$ 0.00
3 years ago

Wow naman, kewpie hehehe tsaka parang ang kapal nung tinapay slice ah. Sulit hehe

$ 0.00
3 years ago

Yes makapal siya sis. Makapal na malambot.

$ 0.00
3 years ago

hahaluan mo NG Kewpie Mayonnaise

aba! masubukan nga...

inanggap ko naman, Kinagat ko nga agad yun itlog

laftrip! hahahahah

Sa tinapay late ko din nalaman na masarap yung peanut better and jelly.. saka yung strawberry at butter..

singular lang kasi ako sa mga ganyan.. dapat jelly lang ... peanut butter lang.. strawberrry lang gnun.. ay masarap pala pag yung tipong nasabog sa bibig mo yung lasa ng lahat!

$ 0.00
3 years ago

Oo masarap sis I combine sila. Takot ako dati kasi akala ko maglasang gamot, Di naman pala hehe.

Kinagat ko yun itlog, sarap nga eh 😅😄, yun palaman sis sa tinapay

$ 0.00
3 years ago