October 29, 2021
Nakalakihan ko na ang panonood NG Magandang Gabi Bayan tuwing Undas. Nagpapalabas si Noli de Castro NG mga nakakatakot na Kwento NG mga multo na totoong nangyari sa Ibang tao. May Iba na may patunay, may Iba na Kwento lamang, pero ang astig dyan ay yun reenactment na ginagawa nila na full makeup talaga, aswang Kung aswang at white lady Kung white lady. Parang 5 years old pa lang ata ako NG makapanood ako NG Magandang Gabi Bayan Halloween special at takot na takot talaga ako pagkatapos.
Hinahanap ko yun mga footages at mga lumang video NG Magandang Gabi Bayan sa YouTube. Meron pa naman doon siguro. Pero ang gusto ko talagang makita ulet ay yung istorya NG Cherry Hills Landslide Tragedy sa Antipolo Rizal. Na feature ito sa Magandang Gabi Bayan noon at nakakatakot talaga dahil may nagpakitang multo sa video nila. Dito namulat ang isip ko na may multo talaga. Naniniwala talaga ako na multo ang nakita sa video at multo ito NG taong natabunan sa Cherry Hills.
Noong bata ako, madalas yan ang panakot NG lola ko kapag kami ay nag babakasyon sa bahay nila noon. Pag Di raw ako natulog NG maaga ay may lilitaw raw NG taong naka suot NG puti sa may paanan ko at kukunin ako. Nang namatay ang Lolo ko, hanggang sa araw pag tapos NG kanyang lining ay nasa bahay kami NG aking lola. Madaling araw NG ma gising ako. Naka pwesto ako sa may dingding. Ang dingding na yun ay bintana. Sa sahig lang kami natutulog nun at meron kaming banig. Napansin ko mula sa pwesto ko, Iba ang kulay NG paligid. Parang Nag violet o neon color ang paligid, pero na gising talaga ako sa malamig na hangin. Ibang klase yun lamig na iyon. Naka balot na NG kumot ang buong katawan ko pero lamig na lamig pa din ako.
Inangat ko yun ulo ko para tignan ang pamilya ko. Gusto ko malaman Kung saan naka pwesto si Papa at Mama, si ate at yun bunso ko na kapatid na lalaki na baby pa noon. Magkakatabi naman kami at binilang ko sila. Ang di ko maintindihan, may naka tayo sa dulo pero hindi nakikita NG buo ang katawan nya. Bumulong ako sa ate ko Kung bakit ganun ang liwanag na nakikita ko pero sabi nya pumikit lang daw ako. Tinapik tapik pa nya ako para tuluyan na akong matulog. Dahil sa bata pa nga ako nun, Inangat ko ulet ang aking ulo para tignan yun tao at wala na siya sa pwesto nya sa dulo, malapit sa pintuan. Nakaramdam ako NG takot NG hindi ko sya nakita. Naalala ko yun nakita ko sa Cherry Hills na multo. Sumasakit ang tiyan sa takot, pero hindi ako gumagalaw. Maya maya naramdaman ko na parang sumobra ang LAMIG sa pwesto ko at ramdam na ramdam ko na parang may nakatayo. Hindi pa rin gumala pero ang takot umaapaw sakin.
Maya-maya ramdam ko na bumangon ang lola ko at binuksan nya ang ilaw. Pag bukas nya NG ilaw, na gising sina Papa. Inalis ko ang talukbong ko para tignan, nakita ko ang Papa ko na naka tingin sa higaan ni lola ko at tinignan ko din ang lola ko sa higaan nya. Nakahiga si lola sa higaan nya, hindi pala sya bumangon. Nag tanong sakin si Papa Kung sino nag bukas NG ilaw ngunit hindi ko naman Alam, ang Alam ko at ang lola ko na bumangon. Siya lang kasi ang nasa kama at nasa sahig kaming lahat. Rinig na rinig ang langitngit kapag bumabangon siya pero hindi pala siya bumangon. Giniling sya NG Papa ko, ang anak nya at tinanung Kung binuksan nya ang ilaw ang sagot NG lola ko "baka binuksan NG tatay mo at nag banyo". Sagot NG Papa ko "wala na si tatay kakalibing lang kanina diba" at dun umiyak ang lola ko. Nakalimutan nya pala. Hanggang ngayon pala isipan samin Kung sino ang nag bukas NG ilaw.
Marami akong kwento NG katatakutan. Yun Iba kwento lang, yun Iba naman ay kwento ko talaga. Isa sa mga Di ko malilimutan ay nun camping namin sa school nun girlscout ako. Low budget kasi kaya sa covered court ang camping namin. Meron kaming tent at lampara. May mga flashlight din kami. Yun ang unang gabi na malayo ako sa aking pamilya.
Sa school namin, kaharap NG covered court ang social Hall. Ang social Hall namin ay lugar Kung San kami sumasayaw, nag po-program at pati na rin mga Christmas party at school foundation. Nasa second floor ang social Hall at malawak ito. Yun tent namin, naka tapat sa social Hall. Nun oras na yun, patay na ang ilaw sa lahat NG dako at natutulog na kami. Na gising ang isa Kong kaklase kasi may bukas na bahagi ang tent namin at napapatingin pala siya sa social Hall. Habang nakatitig daw siya may taong naglalakad na pabalik balik sa taas. Nakita nya na na gising ako kaya binubulong nya sakin na may naglalakad sa social Hall. Bago pa naman kami natulog, nagkakatakutan na kami dahil katapat nga namin ang social Hall. Sinabi ko sa kanya na wag na niyan tignan at matulog na lang kami.
Habang sinusubukan namin matulog, biglang nag ingay atbsumigaw ang mga nasa kabilang tent. Tinatawag nila yun mga teacher namin na nasa Ibang mga tent. Sabi NG isa sa girlscout "mam, mam, may multo sa social Hall". Nanginginig akong lumabas NG tent at kahit wala pa akong nakikita ay takot na takot na ko. Hindi ako tumingin sa social Hall. Ang Iba sa mga teacher ay nag bukas NG flashlight para itutok sa social Hall at ang Iba sa kanila ay nag sigawan na.
Dali-dali kami pinalabas sa isang pintuan da covered court, kung saan Di namin makikita ang social Hall. Nakalabas na kami NG school dala dala ang gamit namin nang mag simula NG mag kwentuhan sa nakita nila. Ang sabi NG aking classmate, may nakasilip sa social Hall na naka puti at meron din ang bilis mag lakad na parang lumilipad na daw na balik balik. Madilim na Madilim ang social Hall pero maaninag daw ang mga tao roon at naka lutang. Sinubukan namin tumingin NG Ibang ka girlscout ko. Wala akong makita. Yun isang ka girlscout may nakita sya kaya tinuro nya sa amin. Nun nakita ko yun pinakita nya, halos masuka suka ako sa takot. Gusto ko nang umuwi. Gumagapang yun takot sakin, naiiyak ako. Nakita ko, Malabo lamang yun itsura pero may naka tayo sa social Hall na mga apat na multo na naka tingin samin, nasa labas na kami NG school nun.
Habang naghihintay, nakausap namin ang gwardiya na nag rotonda doon. Sabi nya, gabi gabi daw talaga may mga nakikita syang tao sa social Hall at parang may kasiyahan. Pero mga malalabo at itsura Kung titignan. Meron pa nga daw siyang naririnig na tumutugtog NG piano pero Alam nyang wala naman tao. Alam nyo bang napa takbo na kami NG tuluyan palayo sa school kasi may nakita kaming Malabo na itsura NG tao na malapit na sa Gate. Pati gwardiya namin sumama na sa takbuhan.
Marami akong kwento NG nakakatakot at mukang iyon muna ang ikukuwento ko dito bilang pag alala na din sa na lalapit na Undas.
Bago ko ito tapusin, papakilala ko muna ang aking butihing mga sponsor. Tumatanaw ako NG malaking utang na loob sa suporta nila sakin.
Image: Unsplash
Mag-aabang naman ako nito sa youtube sis sa mga palabas ngayong undas at base sa storya nito ay nararanasan ko na din na meron nagparamdam sa akin siguro mga mahal ko sa buhay na kailangan na dalawin sila sa puntod nila ngayon undas pero paano bawal naman.