Kwentong Ice Cream!! Basa na!!
March 18, 2022
Magandang gabi? O Magandang araw? Kung saan aabutin NG oras ang post ko na ito, basta nabati ko na kayo? Mag ta-taglish ulet ako sa post na ito kasi nahihirapan na naman ako mag English. Ang lola nyo kasi na stress na naman kasi ang koya niyo Jungkook ang daming kinakausap sa Instagram kanina at ang ate mo ay hindi pinalad ng napili sa mga Army na always win in life!! Sa raffle nga wala akong panalo, kay Jungkook pa kaya. Ilagay mo kasi sa lugar ang sarili mo Grecy!!
Dahil nga sa nangyari, nag stress relieve muna ako at sinubukan sayawin ang Gogo NG BTS. Ang hirap kaya kumain na lang ako NG kwek-kwek. Kaso nga pala, kwentong Ice cream nga pala tayo ngayon. Bakit ko nasabi na kwentong Ice Cream, wala lang, basta Kung ano lang maiisip ko na ma share sa inyo. Ginawa ko lang Ice Cream ang title para buksan nyo at sana basahin nyo. O, o, bat nag scroll down ka at nag like agad, aalis ka na agad? Worth reading to uy, wag kang ganun. Mag-umpisa na ko, stay ka lang diyan!
Naglilinis ako NG Instagram ko mga ka-Read, kasi baka maligaw si Jungkook sa profile dahil sa message ko sa kanya tapos ganitong muka ang makita nya. BOOM!
For sure nag waste time lang Sya sa pag open NG profile ko kaya tinago ko yun mga hindi kaaya-aya sa Instagram ko. Nilinis ko muna. Naka public kasi yun IG ko mga ka-Read, para safe na din at yun Ibang mga post ay wala naman talagang kwenta.
Pero wait, bakit nga ba parang hindi confident sa muka ko? To be honest, sa araw-araw NG buhay ko, madami akong nakakasamang magaganda. Sa sasakyan, sa work at pag naglalakad ako pauwi (pag Di na kasya ang pamasahe). Ang daming magaganda sa paligid ko. Ganito kami sa Makati, madaming magaganda. Madaming magaling mag dala NG sarili, NG pananamit at madaming confident. Wala ako nun. Meron ata dati pero hindi nag tagal NG 24 hours. Hinahanap ko nga, nakita nyo ba?
Hindi ako maganda. Di ko yan narinig na sabihin NG iba. Pwedeng, ang ganda NG damit mo, ang ganda mo mag sulat, ang ganda NG ilong mo, pero yun maganda yun muka mo, meron ba? Wala atang nagsabi. Kahit pamilya ko nga hindi eh, iiyak na ba ko?
Ayan ako, siguro cute? Kasi Iba yun maganda diba? Yun cute, maputi, maliit, oo meron akong naalala na nagsabi sakin NG ganyan, pero mabibilang sa daliri. Pero yun maganda?...
Bakit ba na naman ako nag kaka ganito? Kasi may nakita akong video, pero Di ko na yun na screenshot. Basta isang magandang babae na hindi nya Alam na maganda siya. Ang una Kong nasabi sa sarili ko, bakit nga ba hindi ako naging maganda? Na-I chat ko pa yan sa bff ko. Shinare ko lang ba, ang comment nga nun Iba, ang pagiging maganda ay nasa ugali. So masama ugali ko?
Pero dito sa picture ko na ito, na nakita ko sa Instagram. Nun araw na yan gandang-ganda ako sa sarili ko. Kasi nun araw na yan ang dami Kong ginagawa, at nailista ko sa notebook lahat at nagawa ko lahat NG task ko. Alas dose na ata NG gabi ako nakauwi dahil pinilit ko na tapusin ang lahat. Gandang-ganda ako sa sarili ko dahil natapos ko lahat NG trabaho ko. Feeling ko ang galing-galing ko. Oh my G, I'm so smart!!
Ice cream ka muna, tutal yun naman ang title. Moving forward, habang Naglilinis pa din ako NG Instagram ko may nakita akong na I-share ko na thoughts. Akin galing yan, original ako message na yan. Baka that time may pinagdaanan ako.
Ang dami Kong problema noon. Kaya ko nasabi na madaming problema kasi hindi tama ang pag handle ko NG mga bagay-bagay noon. Inuuna ko yun sama NG loob ko, magpapalipas ako NG araw, sobrang delay ako kumilos para gawan ng solution ang problema ko. Ang nangyayari, lumalalim. Pati yun sakit, malalim.
Pero totoo naman ang sinabi ko dyan. As long as hindi ka mamatay, laban lang. Masakit, oo, nakaka trauma, oo, pero hanggat may hininga, may laban tayo!!
At may isa pa akong nakita, ano ba kasi ang nangyari sa picture sa taas. Siguro naiinggit ako NG mga oras na yan, pero tama naman ang message na ginawa ko diba? Hanggat tumitingin ka sa mga nangyayari sa Iba, hinding-hindi mo makikita ang sarili mo. Bakit di na lang ang sarili mo lang ang pag ka busy-han mong nuknukan ka NG drama babae ka?
Hinahanap ko rin ata ang sarili ko dyan at feeling ko naman natagpuan ko, na hanap ko nga ba sarili ko, ah basta, next picture.
Ice cream ulet, para parang commercial. Uy, bibili na yan NG Ice Cream bukas! Ang init na NG panahon diba? Grabe summer na summer na kaya dapatag ice cream ka, para mapawi ang sakit NG nakaraan. Di ka na nun babalikan, may ka-chat na nga NG iba...
Ay eto, last na to, pagkatapos nito pwede ka na matulog. Ang drama ko dyan sa post na yan. Nadamay pa yun pusa na pinipilit na makaahon sa sampayan. Pero ang witty ko dyan, ginawa Kong reflection yun nangyayari sa pusa. Ako kasi yan, tinatry ko maka connect, maka sabay sa mundo NG magaganda, sikat, magagaling. Ay feeling ko YouTube ako dyan tapos walang views yun content ko.
Pero, last na talaga, basahin nyo yun message ko. Totoo naman talaga na nangyayari yan. Kaya ako pag may mga sama NG loob sa mundo ang mga kaibigan ko, iuuplift ko sila. Nagiging Madam Charo sa mga advises kasi Alam ko Kung gaano ka sakit ma out of place, ma reject at mabully. Sana lang napapagaan ko talaga ang mga damdamin nila.
Gusto Kong mag pa salamat sa aking Sponsor at Readers na walang sawamg dumaan sa aking mga article kahit Alam nilang wala naman silang mapupulot sa buhay, joke lang, meron naman siguro baka mga 17%.
Uy, ang galing nya, naka-abot sya sa dulo. Sige na pwede ka na matulog. Salamat sa pag drop by. Bukas ulet? Anong gusto nyo Ikwento, yun sa Facebook ko naman?
All images are mine
Maganda ka naman sis, at saka cute na din hihi. Ma inlove naba si joongkook nito.
Anyway basta maganda tayo sa paningin natin bahala na yung iba kung hindi sila nagagandahan.