Pagiging Ina Habang Ikaw ay Isang Guro

5 29
Avatar for Gracia42
3 years ago

Nais ko lang ibahagi ang pag-uusap namin ng aking anak patungkol sa kanyang kailnangang gawin performance output sa PE.

Ako: Anak, kailan mo ba gagawin ang pagkuha ng video ng iyong sayaw para sa output mo sa MAPEH?

Anak: Ayaw ko po mama, ok na po ako sa 75 na grade.

Ako: Anak grade 10 kana ayaw ko sanang makakita ng 75 sa card mo.

Anak: Ayaw ko na po wala din namang kwenta ang pagsasayaw ko. Kaya bakit pa ako sasayaw. Tatawanan lang naman ng aking guro. Sabi po kasi ni Maam ___ noon na wala daw kwenta ang sayaw ko, nakakahiya nga po kasi sa harapan pa ng aking mga kaklase. Kaya bakit pa ako sasayaw?

Ako: Hindi anak! sasayaw ka ngayon, kasi may kwenta ang sayaw mo ngayon dahil tataas ang grade mo. Sige na sasayaw ka kung ayaw mong confiscate ko ang bike mo at di ka maaring lumabas.

Ayun na nga diko tinantanan hanggang sa magawa namin ang output nya ng ala una ng madaling araw. Ako na ang nagtake ng video habang sumasayaw siya at diko mabigilan ang tumawa kasi nakikita kong sinisikap nyang maigawa ng tama ang mga steps. Kawawang bata napipilitang sumayaw kahit ayaw.

Bilang guro? naisip ko tuloy at inalala ang aking mga nakaraan kung meron ba akong napagsabihan o napahiya sa harapan ng mga mag-aaral ko. May natutunan din ako sa aming pag-uusap katulad ng: may ibat-ibang paraan ang ang pagtanggap ng mga bata sa bawat salita na ating sinasabi sa kanila sa bawat sitwasyon. Natutunan ko tuloy ang dobeng pag-iingat ng di makakasakit ng damdamin ng aking mga mag-aaral. Subalit may mga pagkakataon talaga na ang mga bata ay mas matapang pa sa mga matatanda lalo na sa kanilang mga pananalita na kung minsan ay di na makakapagpigil tayong tumaas na rin ng boses bilang mga guro. Sana sa artikulong ito ako ay nakakapagbigay ng kaunting inspirasyon sa mga mambabasa.

Sponsors of Gracia42
empty
empty
empty

3
$ 0.07
$ 0.05 from @John28
$ 0.02 from @Khing14
Sponsors of Gracia42
empty
empty
empty
Avatar for Gracia42
3 years ago

Comments

Ahahha... Ayus na pala ang 75 te ay

$ 0.00
3 years ago

oo nga eh kulit talaga

$ 0.00
3 years ago

Passing grade din naman ang goal

$ 0.00
3 years ago

1 year lang po pala agwat namin ng anak niyo haha....buti nalang di ako pinipilit gawin mga performance task 🤣 Ayos na rin ako sa 75

$ 0.00
3 years ago

Hahaha.. relate much ka rin pala ..

$ 0.00
3 years ago