Konting kwento ng buhay ko
Simula nung bata ako, iniisip ko kung mahal ako ng mga magulang ko..
Kasi naman parang ang hirap isipin n mahal nila ako.
Kasi sa bawat utos nila at salita may kasamang galit..
Minsan iniisip ko na lang na ampon ako..
Iniisip ko na lang na sana di na lang ako naging anak nila..
Na sana di na lang ako nabuhay, kasi pakiramdam ko talunan ako, pakiramdam ko di nila ako anak, di nila ako mahal na para bang di ako welcome sa pamilya ko..
I know naman na isa akong mahina at iyaking babae..
Pero kahit na ganun turing nila dati sakin nagsumikap ako para magkatrabaho.
Nagsumikap ako para maibigay mga gusto at pangangailangan nila kahit na buong sahod ko kinukuha nila.. Na wala na akong natitira sa wallet ko..
Di ako makabili ng gusto ko..
Pero kahit na ganun, kahit pagod ako kahit na walang natitira sa sahod ko ngsusumikap pa rin ako para makatulong, ngsusumikap ako para matanggap nila ako..
Na kaya ko ding tumayo sa sarili kong mga paa.
Ngrerebelde man ako sa kanila nuon..
Atleast ngayon natuto na ako, atleast ngayon na may sarili na akong pamilya naibahagi ko yun..
Ito lang po.. Maraming salamat po.