read.cash Log in

@Ghie4945

Joined 9 September 2022 · 2612 posts

Small but terrible

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Ghie4945

Thank you, may pag asa din nakuha ko pinaghirapan ko sa BTC sa coinbase ko, Xrp lang di mawidraw ok lng nmn nasa 29 pesos lng ata yun, pero yun sa btcinapproved nman nila bago ko close account sa mismong website.Sayang din 158 pesos din to😊Umabot pa ko sa last day ng account ko.Sep.21.

@Ghie4945

Sayang nman yun balance ko na 2.76$ sa BTC ko sa coinbase, yun iba mabuti at naitransfer ko pa sa pdax ko yun Eth at Bch.tapos isesend ko pdax to gcash. Malapit na kasi Sep 21 at di ko na magagamit tong coinbase app ko, di na pwede ang pinas sa Coinbase.Ntry ko na rin Coin ph, Faucet pay,Gcrypto at Pdax ayaw talaga masend tong natitira ko,not enough. Try ko pa Binance,wait ko pa lang maverified.

@Ghie4945

Maigi naman at nakakuha kami ng 207.73 pesos electric subsidy for the month July sa ice cream business kaya nitong next order namin binawas na sa next order namin,malaan pa namin electric bill namin nitong darating na August 23, dahil nagstart kmi nito lang July 21 sa ice cream business. Kaya ginawa ko binukod ko muna ang Electric subsidy namin na 207.73 pesos. Bukod ang benta, bukod din ang tubo. Saka magdagdag ng pondo sa ice cream kapag malakas na. Pero sa ngayon naman di naman nawawalan ng benta, lalo na kapag ganitong tag init, mas mabenta talaga ang ice cream. Kapag ganito lang talaga mainit kalaban ko lang talaga ang migraine, wala pa rin lusot ang bukas ng aircon lalo na sa gabi, di talaga pwede na di magbubukas.

@Ghie4945

Morning, eto new business namin, kahit medyo nag uulan na eh ice cream pa rin. Di naman kami nagsisi sa quality ng ice cream na to dahil tunay na masarap talaga sya, natikman ko na rin to before pa,kaya naman nun may mag offer samin sa tindahan namin di na kmi nagdalawang isip na tanggapin. Pero tingnan pa rin namin kung di kami malulugi sa bill ng kuryente hehe, kailangan din maraming benta para makuha namin yun subsidy, para bawas sa kuryente. Sa ngayon naman mukhang mabili pa naman sa 4 days namin unang bukas kahit may nagtitinda na rin samin malapit samin ng Aice ice cream.

@Ghie4945

Problema lang kapag umuulan, inaantok ako haha, samahan pa ng nakakaantok na paMusic ng nanay ko na sinaunang panahon pa hahaπŸ˜…πŸ˜΄πŸ˜… Kalaban ko antok lalo na may ginagawa ko sa loptop at cp ko, maya maya nasa higaan na koπŸ˜…πŸ˜†

@Ghie4945

Minsan sa buhay natin, di natin alam kung sino tunay na mapagkakatiwalaan natin,tunay na may malasakit, kailangan maging mapagmasid at mapanuri at matalino din, na wag basta basta magtitiwala, kahit kamag anak mo pa or minsan kahit kapatid mo pa. Good afternoon... #MemaLangπŸ™‚

@Ghie4945

Sayang naman tong balance ko dito sa Coinbase hanggang September ko na lang pwede itransfer sa ibang cryto address ko pero not enough pa yun amount to widraw, di na ata pwede ang country sa pinas sa coinbase kaya sooner mawawala na yun naipon ko dito sa september at delete account na rin to di na magagamit. Di ko na rin magagamitvyun bfastbfree at yun EfastEfree, connected kasi coinbase dun.

@Ghie4945

Mabuti naman ok na pakiramdam ng alaga kong si creampuff, awang-awa ko nun saturday sinusuka nya yun kinakain nya at di sya maihi, kaya nman dinala ko na agad sa malapit na Vet samin. Haiz, laki din nagastos ko nasa 2k, hindi pa kasama yun ibang test nya, urine at sa dugo lang, nagka UTI kasi sya. So need ko nanaman palitan yun Cat food nya na dati Princess,Lucy at yun last ay power cat. Napakamahal ng cat food na recomendation sa kanya ng Vet, yun Royal Canin urinary S/o sa isang pouch is nasa 126 na,at dahil nun saturday wala pa ko mahanap na cat food na yun ibang food na lng muna pinakain ko sa kanya, saka wala pa rin sya gana kumain nun,dami din wiwi na nakuha sa pantog nya na may maliliit na parang asin, yun daw yun crystal stone na bumara sa daluyan ng ihi nya, mabuti at di na sya kinabiter, pinisil pisil na lang pantog sya. So kahapon at ngayon still gamutan kmi, 7days and 1mth na gamutan.Ang hirap pa nman painumin maligalig,kaya may handang tuwalya na nakabalot sa kanya tuwing paiinumin ko ng syrup gamit syringe. Sa ngayon mukhang relax na sya, wala ng nagsasakit sa kNya.

@Ghie4945

Nagtataka ko bakit may 1k points parin ako. Yun pala nanalo ako sa free pagiveaway nila hehe.Akala ko mahina lang net ko or may technical error lang. Ang saya saya naman, sa totoo lang wala talaga ko swerte sa mga paraffle. Ngayon may mareredeem nanaman ako thru paypal.

@Ghie4945

Bakit kaya di ako makapagpay sa Shein thru paypal, babayaran ko ay 86 pesos na lang sa item na bibilhin ko sa Shein, then ang laman naman ng Paypal ko pa ay nasa 106 pesos naman, humihingi ang paypal ng debit or credit card to pay eh di naman yun ang gagamitin ko sa pagbabayad, yun balance ko sa paypal.Dati naman nagawa ko magpay gamit ang Paypal balance ko ng walang credit or debit card.

@Ghie4945

Processing pa, nakakaligtaan ko pa mag spin dito. Tagal na din to sakin.

@Ghie4945

Masaya ako at kahit papaano eh umuulan ulan samin ngayon, medyo nabawas bawasan ang init sa paligid at nadilig diligan mga halaman ko sa bubungan. Pero sad to think naman na sa ibang lugar eh dinadaanan ng malalakas na bagyoπŸ˜”.

@Ghie4945

Nanose bleed ako dun ah, Nagpunta kasi ko sa Costumer Service sa Lazada apps at kinancel ko yun Flat Mop na bibilhin ko sana, next time ko na lang bibilhin at ibang Item na Mop bibilhin ko, maganda sana yun Mop kaso may issue kaya di ko binili. Dumaan ako sa costumer care dahil nireject ng seller yun cancellation ko, so ayun nga kung dumating yun item at di ko kunin sa delivery rider to pay it, no problem may maipapakita ko sa rider. Much better talaga na COD mo kapag di ka sure sa item na bibilhin mo, no problem na di mo iaccept yun item dahil di ka pa bayad, no hassle.

@Ghie4945

Akala ko uulan na samin, super namimiss ko talaga umulan, super init kasi samin, napapadalas nanaman aircon ko ngayon. Super laki nanaman babayaran sa Meralco nito, kapag umuulan tipid sa kuryente, pero ang gusto ko lang naman ay lumamig ang paligid, di naman yun bumagyo hehe. Nakaloptop ako kaya di ko maiupload ngayon yun inorder ko sa Lazada na 360 Rotation Flat Floor Mop na may kasamang 2 extra na micro fiber na nabili ko sa halagang 99.18 pesos na lang. Di na kami mahihirapan ni Mader sa dating ginagamit naming Mop na pagkabigat at ang hirap pigain sa sobrang kapal. Next orderin ko naman is 10 kg na lupang pangtanim sa paso at dahil yun pinunla kong kamatis ay palaki na kailangan ko na soon irepot sa malaking lagayan.

@Ghie4945

This afternoon dumating na din yun order ko sa Shein,marami na rin ako naorder before na nakadiscount ako sa points ko dito, Nabili ko tong bike side mirror sa halagang 31 pesos na lang. So eto na nga maikwento ko lang yun Rider na nagdeliver. Nagring yun phone ko,nagkataon nasa loob ako ng C.R. nagbabawas haha, di nasagot ng kasama ko sa bahay ng phone, naka ilang ring din bago ko nasagot at inabot na lang ng kuya ko yun phone. Sumagot yun rider di nya malocate yun tamang location ko, sabi nya, or sadyang tinatamad lang talaga pumasok sa iskinita namin.Pinagtanong pa nya ko sa labasan at rinig ko naman na parang di ako kilala ng napagtanungan nya sa labasan. Sabi pa nun napagtanungan nya eh 31 pesos lang order nya baka niloloko ka lang nyan. Ay naku naman syempre sa isip ko dapat dun sila magreklamo sa apps kung di nila bet magdeliver ng ganun halaga. Wala din sya choice nagpunta rin sya sa location ko dahil sabi ko wala ko mauutusan, Pwd at Senior kasama ko sa bahay. Ayun na nga pinapick up ko at pay sa mader ko yun parcel ko dahil nasa C.R. pa rin ako di pa tapos, di ko nakita itsura ng driver.

@Ghie4945

Nakakalungkot ngayon umaga na may nababasa ko na kakatapos lang ng Mothers Day Greeting kahapon eh, ngayon umaga may nababasa ko na post sa Fb na mababalitaan ko na pumanaw na sa mga ilan fb friends ko, ilan lola o nanay na relatives nila. Ang buhay nga naman ng tao di mo masasabi, yun iba kausap lang nila kahapon ngayon lilisan na. Hopefully hindi eto ang resulta ng tuklaw na sinasabi ko before, dahil marami din sa relatives and friends ko na nagpatuklaw nun kasagsagan ng cov id.

@Ghie4945

Sino na mayron nito at nakapay out na. Sa mga wala pa eto nga pala invite link ko. Get this amazing application to earn instant cash. πŸ’Έ App Link: https://captchgo.page.link/bujR Hindi ko masyado natutukan, pero every 12nn ang convertion ng points into peso and ang minimum pay out is 100 pesos thru GCash.

@Ghie4945

Super init ng panahon ngayon,yun inaantok ka sa hapon pero di ka naman makatulog sa sobrang init, inom lang lagi ng maraming tubig para di madehydrate. Ngayon lang ulit nakabisita dito sa Noise app. Dami ko ng happening nitong nagdaang araw , pero busy din sa mga extra extra pa rin, busy sa munti kong taniman sa bubungan kahit sobrang init ng panahon. Maya maya silipin ko ulit taniman ko. Mayron na nga pala ko na another phone bigay ng pinsan ko, hihiramin ko lang sana pero binigay na lang sakin at bibili na lang daw sya ng bago, Samsung Galaxy A20 bago pa rin nabili lang nya yun 2020. Magagamit ko na sa ibang apps, sa Coin PH din, pero dahil may GCrypto na sa GCash di ko pa sya nagagamit ulit, ang gamit ko na ay GCryto para diretso convert na.

@Ghie4945

Mabilisan silip lang, kumusta na dito. Maikwento ko lang yun sa Crypto sa Gcash approved na sya nun last month pa, at dito na ko nagpapasok ng mga extra extra ko, matapos na not compatible na sa cp ko ang coin ph, apps. Pero di ko pa rin naman denedelete account ko sa coin ph ko. Backup na lang ang PDAX account. Namimiss ko na yun tumaas ang Crypto,kailan kaya ulit mangyayari yun Guys? Hindi na muna ko nagsstock, pagkaearn convert na rin agad into peso.

@Ghie4945

Bukod pala Guys sa PDAX natry nyo na ba sa GCASH. May Crypto na rin pala GCASH ngayon waiting pa ko sa approval ng documents ko within 7 days, pwede na magsend and receive to other crypto wallet. About naman sa Globe, dami ng nawala na pala sa Globe like yung share a load, share MB na lang tapos yun Reward points mukhang matatapos na ngayon March 31, so inuubos ko na Reward points ko thru Data.

@Ghie4945

Naku last post ko pala dito FEB 1 pa haha at ngayon na March 2 lang ulit ako nakabisita rito nabusy sa ibang bagay bagay. Silip silip na lang at basa- basa ginagawa dito para tumingin ng ibang raket. Namimiss ko na yun dating site na to na mayron kang narereceive. Anyway magpapalit nanaman pala ko ng BCH Adress,PDAX na kasi gamit ko ngayon at Coinbase, pero di ko pa dinedelete account ko sa Coin Ph. Nakuha ko naman mga earning ko sa coin ph ko gamit ang Shopee Wallet tapos send to Gcash.

@Ghie4945

Guys,sino sa inyo nakaexperience ng ganito sa Coin.ph, di ko na kasi sya magamit mula nun mag update ang coin ph, hindi na compatible sa phone ko,tapos sa website naman ganito naman,pano ko sya ngayon mawiwidraw haiz. One star lang binigay ko sa Coin ph dahil di ko sya magamit, at eto lang naman sagot nila sa One star at comment ko. Dahil hindi ko sya magamit subukan ko gumamit ng alternative na other apps. Sino na nakasubok ng Pdax,napanood ko lang sa yt at pwede yun apps nya sa phone ko. Mayron pa ba kayo alam na tulad din ng Coin ph,pashare naman. Thank you guys.

+2 more

@Ghie4945

eto na sya pinakuluan luyang dilaw,lagi kasi barado ilong ko sa sipon kaya minsan uminom nito mix with honey para may onting lasa.

@Ghie4945

Share ko lang tong hinarvest ko sa taniman ko sa plant pot ko. Nasa1/2 kilo din tong luyang dilaw. Maybe mamayang gabi gagawa ko ng turmeric tea, iinumin ko bago matulog. Matagal tagal din napatigil pag inom ko ng turmeric tea, huling inom ko nito nun kasagsagan pa ng pandemic.

@Ghie4945

May napanood ako sa yt na pagluluto pancit canton,ginaya ko. Naghahanap kasi ko ng bago naman mamimirienda na available sa tindahan namin. So ayun na nga kumuha ako 1 Lucky me Pancit Canton jumbo spicy,2 pcs. itlog ,onion leaves at Arina. Pero dahil wala kami skyflakes,arina na lang ginamit ko para maihalo. Ok din naman lasa,sawsaw sa ketsup,pero parang kulang,dapat siguro dinagdagan ko pa ng pampalasa, maybe toyo at paminta. Naamoy ng kapitbahay namin, ang sabi amoy yakisoba hehe.

@Ghie4945

Tinahak ko kanina kahit maulan makabili lang nito, gamit ang bike ko. Nakakain din sa wakas, gusto ko talaga na di asukal na puti gamit na matamis yun paldo o tawag ay panutsa. Pagdating na pagdating ko inupakan na agad ng mader ko hehe. Medyo nagmahal na isang balot na dati 30 pesos, 35 pesos na ngayon. Musta na ba ang lahat dito,ano na ba update, madalas kasi ko sipunin at may pinakakabisihan ibang bagay.

@Ghie4945

Throwback nanaman nun New Year putukan,napakabehave ng alaga ko,parang wala lang sa kanya yun naririnig nya,samantalang si Mami Katkat nya nagtatago sa ilalim ng lamesa.

@Ghie4945

Nakakasakit ng ulo ng panahon ngayon,ngayon lang ako ulit nakabisita madalas kasi wala sa mood ang kondisyon,tulad ngayon sinisipon na nanaman ako. Throwback ko lang yun kinain ko nun minsan nagpunta ko sa Mall hehe. Dahil medyo malamig weather nagsawa na ko sa Jolibee at Macdo, eto naman. kinain ko mainit init na Pares Mami Soup at green tea na parang lasang gelatin.

@Ghie4945

Sarap ng pasalubong ng kfriendship namin na pili nuts. Habang busy nanaman ako sa loptop ko. Ngayon lang ulit ako nakasilip dito, wala din kasi ko narereceive kaya nagfocus muna ko sa mga priorities.

@Ghie4945

Happy New YearπŸŽ„πŸŽ†πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽ‰πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜Š Color of the year 2023 daw hehe Sibuyas 6 pcs na maliliit 60 pesos haha