read.cash Log in
@Ghie4945

Mabuti naman ok na pakiramdam ng alaga kong si creampuff, awang-awa ko nun saturday sinusuka nya yun kinakain nya at di sya maihi, kaya nman dinala ko na agad sa malapit na Vet samin. Haiz, laki din nagastos ko nasa 2k, hindi pa kasama yun ibang test nya, urine at sa dugo lang, nagka UTI kasi sya. So need ko nanaman palitan yun Cat food nya na dati Princess,Lucy at yun last ay power cat. Napakamahal ng cat food na recomendation sa kanya ng Vet, yun Royal Canin urinary S/o sa isang pouch is nasa 126 na,at dahil nun saturday wala pa ko mahanap na cat food na yun ibang food na lng muna pinakain ko sa kanya, saka wala pa rin sya gana kumain nun,dami din wiwi na nakuha sa pantog nya na may maliliit na parang asin, yun daw yun crystal stone na bumara sa daluyan ng ihi nya, mabuti at di na sya kinabiter, pinisil pisil na lang pantog sya. So kahapon at ngayon still gamutan kmi, 7days and 1mth na gamutan.Ang hirap pa nman painumin maligalig,kaya may handang tuwalya na nakabalot sa kanya tuwing paiinumin ko ng syrup gamit syringe. Sa ngayon mukhang relax na sya, wala ng nagsasakit sa kNya.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.