read.cash Log in
@Ghie4945

This afternoon dumating na din yun order ko sa Shein,marami na rin ako naorder before na nakadiscount ako sa points ko dito, Nabili ko tong bike side mirror sa halagang 31 pesos na lang. So eto na nga maikwento ko lang yun Rider na nagdeliver. Nagring yun phone ko,nagkataon nasa loob ako ng C.R. nagbabawas haha, di nasagot ng kasama ko sa bahay ng phone, naka ilang ring din bago ko nasagot at inabot na lang ng kuya ko yun phone. Sumagot yun rider di nya malocate yun tamang location ko, sabi nya, or sadyang tinatamad lang talaga pumasok sa iskinita namin.Pinagtanong pa nya ko sa labasan at rinig ko naman na parang di ako kilala ng napagtanungan nya sa labasan. Sabi pa nun napagtanungan nya eh 31 pesos lang order nya baka niloloko ka lang nyan. Ay naku naman syempre sa isip ko dapat dun sila magreklamo sa apps kung di nila bet magdeliver ng ganun halaga. Wala din sya choice nagpunta rin sya sa location ko dahil sabi ko wala ko mauutusan, Pwd at Senior kasama ko sa bahay. Ayun na nga pinapick up ko at pay sa mader ko yun parcel ko dahil nasa C.R. pa rin ako di pa tapos, di ko nakita itsura ng driver.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.