Eto na nga dumating na yun wall clock mechanism na binili ko sa lazada worth 46 pesos,naghintay lang ako ng free shipping para makatipid,magagamit na rin namin sa Old 3D wall clock namin,panahon pa ni mother to,nasira na kasi yun mechanism nya,di na talaga magawa.Sana tumagal tong nabili ko,buti nagfit sya sa wall clock,muntik pa nga di kumasya dahil maiksi yun puno nya,may di lang ako nilagay na isang accessories na bilog para kumasya.Ganda ng andar nya medyo nanibago ako kasi di maingay yun kamay nya.
1 comment
nice 3d quarts pa ah. matibay yan.