read.cash Log in
@Ghie4945

@Ghie4945 in June 2022

@Ghie4945

Eto na nga dumating na yun wall clock mechanism na binili ko sa lazada worth 46 pesos,naghintay lang ako ng free shipping para makatipid,magagamit na rin namin sa Old 3D wall clock namin,panahon pa ni mother to,nasira na kasi yun mechanism nya,di na talaga magawa.Sana tumagal tong nabili ko,buti nagfit sya sa wall clock,muntik pa nga di kumasya dahil maiksi yun puno nya,may di lang ako nilagay na isang accessories na bilog para kumasya.Ganda ng andar nya medyo nanibago ako…

@Ghie4945

Haiz.salamat padating na din yun inorder kong 1kg na princess cat food para sa furbabies ko,ubos na kasi yun pagkain nila,tinamad kasi ko lumabas pumunta ng palengke para bumili,same din nman ng price at dahil mayron akong free shipping din.

@Ghie4945

Eto na nga dumating na princess cat food ko,sakto lang sa kilo,sobra pa isang guhit,oorder ulit ako kapag nakafree shipping dito sa lazada or sa shoppee man,same din kasi kung bibili ko sa palengke na bilihan sa pet shop.

@Ghie4945

Happy eating...dahil late na sila nagising yan 2:30pm na sila nanganghalian,mga puyat galing sa tulog,duty kasi nila every night.Si Katkat inheat nanaman,medyo maingay tuwing gabi,patuwad tuwadπŸ˜†

@Ghie4945

Yun mother ko na nakikinig ng mga old song at super nakakaantok haha,wala ka na lang magawa dahil yun lang naman kasiyahan nila haha,naku hinihila ba naman ako sa higaan eh may ginagawa ko sa loptop ko,kaso tong loptop window xp pa kasi to so mukhang di ko na magagamit sa 2captcha ko,nag eerror na sya kahit ok naman internet ko.Sa cp ko na lang tuloy magagawa no choice,nagtry ako maghanap ng browser wala na din ata talaga compatible isa pa maliit lang din Memory nito.Tiis na…

@Ghie4945

Pagkaligo,tiklop muna ng mga damit,nauna na yun iba kagabi,last na tong huling tiklop.Ano ba naman tong tyan ko laging gutom,kumain na ko monde mamon at plus pero parang kulang pa,mirienda pa lang nman,maya pa kami nagdidinner around 7 pm o 8pm kapag kumain ako gutom nanaman ako midnightπŸ˜†πŸ˜…

@Ghie4945

Makakain na,inubos pala ng kuya ko yun gulay kanina,tatlong piraso lang niluto ni mader na pritong isda hati-hati pa, kulang samin to need ko magdagdag ng pritong itlog.

@Ghie4945

Di pa ko dalawin ng antok.Napaisip ako sa nangyari kay Moira,so napasearch ako pinakinggan ko yun kanta nya title"Paubaya"ganda ng voice nya tagos sa puso talaga,tapos tumutugma din sa nangyari sa kanya. Source: https://youtu.be/DmVjmzOmUO4

@Ghie4945

Dahil late na nakatulog kagabi,late na rin nkapag almusal kanina ng nilagang kamote at greatest coffee kanina around 9:30 am, naalaala ko lang kaya pala ko inaatake ng migraine ko nun isang araw malapit na pala monthly period ko. Ayun na nga 2nd day na ng period ko,para sa mga girls may tanong sana ko natry nyo na ba yun menstual cup na tinatawag,yun ata ngayon uso ngayon nag iisip ako itry kaso pinapasok kasi yun saka sa tingin ko di tatagal yun sakin puno na agad yun dahil…

@Ghie4945

Pinawisan ako mabuti galing kasi ko sa bubong namin para magdilig at mag ayos ng ilang halaman namin sa taas,medyo hirap umakyat sa taas namin dahil pwede ka mauntog sa bintana,at medyo mahuna na rin bubong namin,dami na rin butas,natulo na rin,akyat baba din ng hagdanan,bukod dun may ilan halaman din kami sa tabi ng bahay namin,may kaunting space pa rin naman.Medyo masarap tumambay ngayon dito sa bubong pagkatapos ng gawain ko, medyo mahangin hangin ang paligid.

@Ghie4945

Nakikita nyo ba nakikita ko kaingay...I'm leaving on a jetplane....lala...lala...ay di pala jetplane yun haha...Pero nakakatuwa nun bata pa ko gustong gusto ko nakakakita ng jetplane sa kalangitan...makita mo kasi yun marka sa kalangitan. Namiss ko na rin makakita ng rainbow.

@Ghie4945

Time to rest naman,kapagod din magvisit ng mga post at basa basa lang muna ginawa ko sa mga ganap sa buhay.Ngayon lang ako nagkaoras dito ng mahabang oras,my sira na kasi loptop ko,then yun pay out ko tagal pa dumating,tinamad tuloy ako gawin,bago lang kasi account ko dun, di ko lam kung bakit tagal ng pending almost 1 week na.Bukas ulit kapag may time.

@Ghie4945

Katapos ko lang magpaligo ng mga alaga kong pusa at aso,fresh na fresh na silang lahat,si chumpy,creampuff at yangyang,maliban kay Katkat nagtatago bukas na lang daw sya,si creampuff init na init na nagiistambay sa c.r. sa tabi ng timbang may lamang tubig.Pahinga muna saglit at kakain muna ko tapos ako naman maliligo para mamaya tuloy na ko ulit sa mga paraket raket ko sa cp,sira loptop kaya tyaga muna sa cp.

@Ghie4945

Di ko maiwasan antukin sa music ni mother na mga old songs,nakaligo na si mader ako hindi pa,naggugupit ng kuko nya sa paa.

@Ghie4945

Kain tayo guys.Suman nilagyan ko coco jam mirienda,pasalubong ng pamangkin ko galing mindoro mga 1week din sila dun.Pagtapos ko kumain magdidilig naman ng ilan halaman saglit.

@Ghie4945

Gustong gusto ko yun amoy ,bigay ng pinsan ko oregano na tinanim ko nabuhay naman.Marami daw yan benifits panggamot gamot sa mga sakit sakit at pwede rin dikdikin ang katas tapos iispray sa halaman pangtaboy o pamatay ng insekto sa halaman.Pantaboy din sa lamok,bukod din sa citronella ko.

@Ghie4945

Umagang kay ganda,Di na ko nakapunta ng church late na kasi ko nagising, mahirap talaga kapag may insomia yun nakakatulog naman pero inuumaga na rin bago dalawin ng antok,mag aalmusal pa lang,kuha na na lang makakain sa loob ng tindahan either biscuit na lang.Nag iisip ako kung ipapabunot ko na ba bukas yun dalawa ko pang ngipin para makapagpapustiso na full denture sa mga susunod na buwan para maganda na smile ko sa birthday koπŸ˜πŸ˜‚

@Ghie4945

Maikwento ko lang tong item na nakita ko sa shoppee.Tablet sya napakamura so napatingin ako sa information at review.Pagtingin ko sabi nun mga nabiktima scam daw to dahil iba naman yun nareceive nila, so mag iisip ka din talaga na sa halagang 99 pesos may mabibili ka ba talaga na tablet.So ginawa ko nireport ko na lang sa shoppee, kaysa marami pang mabiktima,ginagawa makabenta lang makapanloko ng tao,let me see kung may nahihita ba yun report button nila kung may gagawin…

@Ghie4945

Pay out ko na ba kaingay,nasa 9,9 na crypto bch pero wait ko sana sa 9,5 pero baka ganun din pumasok pa sya sa wallet ko ng 6 hours,ano sa palagay nyo😊.

@Ghie4945

Kapagod maglinis ng kwarto pawis na pawis ako,sobrang init kasi ngayon.Sinabit ko yun tv ko sa bandang taas para maluwag sa kwarto,maliit lang kasi yun kwarto namin.Ang maluwag lang sala at kusina,dun nkatambak lahat ng anek anek,mga case ng softdrink,kanton at kung ano ano pa, pati plastic bottle na naibebenta sa magbobote.

@Ghie4945

Makapag own post na lang kaya,tagal kasi iapprove ng moderator yun post ko,may mga nauna pa sa akin na hapon na post,tapos yun post ko nun tanghalian paπŸ˜…...

@Ghie4945

Sinubukan ko umakyat kanina sa double deck namin sa itaas,dahil nga naglilinis ako ng kwarto,parang piling ko bigat na bigat na ko sa katawan ko, pero di ko naman masasabi na sobrang taba na ko,tingin ko sa sarili ko tama lang katawan ko kumpara sa iba. Tapos susubukan ko sana yun ginagawa ko nun mga bata pa tayo na nagpapaikot ikot ng katawan sa baras,di ko na magawaπŸ˜…sign of anging na talaga o mabigat na lang talaga katawan ko. Gusto ko rin sana subukan yun patumbling…

@Ghie4945

Nawili na naman ako,sila nakamirienda na, ako ngayon pa lang. Magdidilig pa pala ko ng halaman ko sa taas at sa tabing bahay.

@Ghie4945

Yun pinsan ko nagtanong sa fb dahil yun fb ng anak nya, nakalog in location daw sa ibang lugar so nagtataka sya,sabi ko change password na lang sya at iclear log in nya sa setting., Ngayon napatingin din ako sa log in location ko sa setting, gulat ko nasa lipa city location ko, layo naman din sa cavite dapat,napa change password din tuloy ako at clear log in session.ayun naging ok na location nya,not exactly pero sa cavite na.

@Ghie4945

Sarap ng bigay kapitbahay ng may birthday kanina dinala pa sa bahay namin,napaghatian na namin tatlo,namiss ko nga kumain ng spagetti.

@Ghie4945

Eto naman yun hapunan namin kanina, itlog naman na may isda, ginisa sa bawang at sibuyas tapos sinabawan ng konti nilagyan ng konting pampalasa.

@Ghie4945

Nakapag shoppee at lazada na ba kayo, ako eto lang naman inorder ko sa lazada, naubos na yun ipit ng damit namin sa katagalan lumutong na kaya napabili na at digital clock sa kwarto namin, si mother kasi tingin ng tingin ng oras, sana nga lang isteady ilaw nito sa gabi para makita kahit madilim. Mayron magandang klase kaso may kamahalan kaya dyan na lang ako sa mura mura,sana lang tumagal. Bukod dyan.tatlo o apat na 20 pesos din nabili ko load sa halagang piso.

@Ghie4945

Dumating na din yun connector na pina order ko sa kaibigan ko,dahil oorder sya at free shipping voucher daw sya,kaso di nya napansin yun item na order ko di pala kasama sa free shipping tuloy nag abono pa sya sa shipping fee na 40 pesos. Buti na lang talaga kumasya sya sa head ng solar panel ko,di kasi ko sigurado sa size nya. Sinubukan ko naman itapat sa ilaw yun solar panel gumagana naman nag chacharge yun cp pero sa tingin ko mahina lang yun pasok ng power dahil yun solar…

@Ghie4945

Dahil mainit nanaman ngayon gabi sa kwarto,yun kutson ko papatungan ko ulit ng karton gaya kagabi,pinatungan ko tapos nahiga ako,ayun medyo naging komportable tulog ko,di pwedeng laging bukas aircon baka sa bill ng kuryente na lang mapunta lahat yun pera namin na sa pangkain na dapat mapunta.

@Ghie4945

Umagang kay ganda,late na ko nakatulog kagabi pero medyo maaga ko nagising ngayon para silipin halaman ko sa taas. Pagbukas ko ng bintana,nakita ko tong tutubi, bihira na kasi ko makakita ng tutubi sa amin dahil puro tinayuan na ng bahay lugar namin. Nag iisa lang syang tutubi,namimiss ko na rin na makakita samin ng maraming tutubi at paru-paro.😊 Bigyan ko pa sana sya ng magandang shot kaso lumayo na sya malapit sakin. Anyway, magbrebreakfast muna ko,then mag iisip muna ng…

@Ghie4945

Breakfast ko this morning.Kamote with kape. Musta araw natin,me eto medyo nagstreaching ng katawan,medyo papawis naman dahil maaga nagising. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil bihira na ko sipunin dahil sa may allegic rynitis ako at migraine ko. Dina ko masyado inaatake ng sakit ng ulo na may kasamang pagsusuka,kahit nakakaranas ng di pagkatulog agad sa gabi.

@Ghie4945

Kain tayo kaingay,pritong isda,fishda at malunggay with isda pa rin na halo.Super init ng panahon na naman.Masarap uminom ng palamig mamaya.

@Ghie4945

Kain tayo kaingay,saging na pamutat pagkatapos kumain ng tanghalian,eto nanaman tayo yun pasound trip ni mader na nakakaantok tuwing tanghali...haha.

@Ghie4945

Eto na nga nagluluto na si mader ng uulamin namin. While ako naman nagbabantay ng tindahan at busy sa extra extra ko.Nagpriprito lang sya ng isda ulit at yun natirang sabaw na malunggay yun din ulam namin. Kadalasan ulam namin kung ano ulam sa tanghalian ganun pa rin sa hapunan kapag natira at kung kulang naman o wala natira mag uulam na lang ng iba,either magtingin na lang ng mauulam sa tindahan namin either delata o noodles o itlog,kung ano available.

@Ghie4945

Umagang kay ganda kaingay.Nakapag almusal na kanina,nagkape lang at kumain ng hopiang baboy at ube sa tindahan. Eto bantay ulit sa tindahan namin.Silip silip sa mga ganap sa fb at dito sa noise. Tuwing may order ako sa shoppee o lazada excited ako buksan,para kasi ko nagbubukas ng regalo hehe,ganun din ba kayo,o may halong kaba hehe. By the way wala pa yun ibang order ko sa shoppee at lazada di pa naman dumadating pero panay silip ako sa apps 😁😊.

@Ghie4945

Si mader may pasound trip, ako din may sariling pasoundtrip habang may ginagawa may naka salpak sa tenga kong headset baka kasi antukin na naman ako sa pasound ni mader haha, mga lulaby song nun kapanahunan nya πŸ˜‚πŸ˜…. Wala inaantok talaga ko eh, imbis na magawa ko yun kailangan ko gawin para kong hinihila sa higaan πŸ˜†πŸ˜…πŸ˜‚. Anyway maya-maya kakain na naman ng pananghalian, surprise ulit kung ano niluto ni mader😊

@Ghie4945

Antay antay lang medyo mahina pa dating,namigay kasi ko sa iba wala pang balik pero ok lang yun,kapag wala kasi balik walang refill,ganun yun,wala din maibibigay.πŸ˜ŠπŸ˜‚.Basta enjoy pa rin tayo.

@Ghie4945

Anyway,eto lunch namin kanina,tilapia na may halong petchay,kamote,kalabasa.Maya maya naman maliligo.Gawa na ulit ng extra extra.

@Ghie4945

Dumating na rin yun order ko sa lazada nun 6.6 free shipping nabili ko 37.87 pesos 50 pcs. pero may pasobra pa syang 6 pcs. so thankful makapal naman lahat at maayos din lahat.

@Ghie4945

Katapos ko lang mag backread,pasensya na kung may nakaligtaan ako,bawi na lang basta mayron.Kapag wala alam nyo na tinatrabaho pa na natin hehe.Anyway dinner na naman,umambon kanina pero saglit lang.

@Ghie4945

Post ko lang yun dinner ko kanina oatmeal at saging,di na ko nagkanin,paano nagmirienda ko late na,mga 6pm na parang dinner na rin tapos nagkanin ako nun ulam ko squidball kaya ayun medyo mabigat sa tyan. Anyway kasama ko sa double deck ko pamangkin ko isa,napabukas aircon namin ngayon dahil bukas aalis sila nakitulog muna sa kwarto ko dahil may bisita sila sa bahay nila at nasisikipan at naiinitan daw sya at bukas maaga sya gigising,ang tungo nila bukas ay Ilocos…

@Ghie4945

Dahil di pa dalawin ng antok, naisipan ko bisitahin tong sa telegram ko, di ko na to nagagawa matagal na, may balance pa pala ko konti, niwidraw ko na kasi closing na pala sila sa July 1,2022 so umabot pa ko sa widrawal kahit maliit lang,sayang din pandagdag.

@Ghie4945

Morning,nakabreakfast na rin kanina,may natirang suman nun isang araw, pinirito ni mader para daw masarap kasi nilagay din kasi yun sa ref. Masayang masaya si mader ko sa radio nya, tagal din kasi ng battery at kapag naubusan may pang back up na dalawa na rechargeable. Habang nagluluto sya di sya naiinip mayron sya napapakinggan araw araw.

@Ghie4945

OMG.Kala ko pa naman tataas na kagabi,nag buy pa naman ako kagabi,yun pala baba pa sya mas mababa pa sa dati. No choice maghihintay nanaman ako para tumubo.

@Ghie4945

Dumating na nga yun item na inorder ko sa shoppee worth 93 pesos, free shipping at nabawas na rin sa coins,ok naman sya,kaso iba language nya espaΓ±ola ata so pinag aralan ko na langπŸ˜…. Kaso expected ko yun light nya steady lang, di pala pindutin mo pa tapos may boses ka rin maririnigπŸ˜…ay sya pano kaya patahimikin yun nagsasalitaπŸ˜‚.

@Ghie4945

Sino ba nakakaintindi nito.Patranslate nga poπŸ˜…πŸ˜‚ Gusto ko sana iisteady yun light at patahimikin yun bosesπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚.

@Ghie4945

Puro sabit sabit na kwarto ko haha.yun alarmclock kasi nabili ko, may light naman pero di pala sya pwede steady tapos sa likod pa napipindot para maglights on.πŸ˜…

@Ghie4945

Night guys,sa tingin ko tulog na karamihan,ako ngayon pa lang matutulog. Time check 12:36am. Ipahinga ko muna katawang lupa. Goodnight.See you tomorrow.

@Ghie4945

Good morning, aga ko nagising pero antok pa ko,si mother ayun kanina pa gising kitang kita nya ngayon yun alarmclock na binili ko, dati kasi sa cp pa sya tumitingin, ngayon kitang kita nya sinabit ko, nilagyan ko na lang ng ilaw, di pala kasi steady ilaw nun at sa likod pa pinipindot para umilaw.

@Ghie4945

Late upload.Breakfast this morning.Maruya.Medyo busy this morning kakalikot sa bahay.Maglinis linis din.

@Ghie4945

Yun minamasdan ako ng furbabies ko na si Creampuff na sumasayaw ako ng Music na Sumayaw Sumunod ka sakin"hehe kahit parehas kaliwa paa sa pagsayaw sige lang hahaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Bumaba pa nga ng husto.expected ko tumaas lalo naman bumaba,di tuloy makapagsell kakabili ko lang nun 9,5,ngayon 9,3 na sya,wag na sa bumaba pa.Waiting ko pa naman tumaas taas para tumubo.

@Ghie4945

Umuulan na samin yehey,mababawasan na init,sana tuloy tuloy na,para masarap sa pakiramdam,makatipid din sa kuryente. Anyway kakain pa lang ako ng natira namin sinigang hipon at pritong itlog na lang kung kaunti na lang natira magprito na lang.

@Ghie4945

Nood nood lang saglit bago matulog.Medyo lumamig ng onti lang,di kasi tumuloy tuloy ang ulan,binasa lang saglit ang lupa,pero medyo malamig sa labas,sa loob ng kwarto medyo mainit parin.

@Ghie4945

Kain guys,magbreakfast pa lang ng nilagang saging na laba.Medyo mainit pa rin kagabi sa kwarto pero nakatulog naman😊

@Ghie4945

Sa tingin ko kaingay para sa akin,hindi pa eto ang time para bumili ulit ng Bch,may isang site na nagclose yun bch nya sa telegram,so buti kaunti lang naearn ko rito,niwidraw ko na,hanggang july na lang sila,di ko na rin to nabibisita matagal na.

@Ghie4945

Ulam ko ngayon lunch,ginataang tilapya na may halong talong. Nabusog naman malasa yun tilapya at talong,nakisalo pati si creampuff sa tilapya,si katkat pihikan talaga di man lang pinansin,kaya payatot,ayaw magkakain kundi cat food lang talaga kinakain nya,kung kumain ng isda pili pa,at taga simot naman ng tira nila ang mga kapatid nilang doggy sila yangyang at champy.

@Ghie4945

Dumating na din yun inorder ko sa shoppee na cat food,tagal pa nga dumating,inorder ko ng june 7,ngayon lang dumating, buti di pa ubos pagkain nila, expected ko pa naman na maaga dumating dahil dito lang din sa place namin yun seller,ginoogle search ko pa dahil di active yun seller sa shoppee, tinext ko sa number at chat, dun lang nag open ata ng shoppee apps,at humingi ng paumanhin. Dis advantage kapag bayad ka na umaalis agad ang delivery rider,sabay picture agad. Anyway…

@Ghie4945

Kutkot paminsan minsan while watching tv. time out muna sa mga gawain.

@Ghie4945

Minsan nanonood ako nito kapag napagusto lang manood ng tv" Apoy sa langit"😊😊😊 Tapos sa gabi bukod sa "First Lady" pinapanood ko rin yun "Bolera"😊😊😊

@Ghie4945

Sarap pala nito kaingay,magugustuhan to ng mga bata,kahit matanda,mas masarap pa sya sa Nissan wafer. Pinabili kasi to sa mader ko ng pinsan ko para sa tindahan namin,eto ako pili ng mamimirienda,biscuit sana kunin ko,sabi ko tikman ko nga to bago sa paningin ko,tinikman ko masarap nga. Isa din type ko kainin yun Wattatop kaso lang lumiliit na sya habang tumatagal paliit ng paliit na mga laman ng mga binibili natin.

@Ghie4945

Buti pala kinuha ko na ulit yun pinuhunan ko,kahit nalugi ng 20 pesos, lalo pa sya bumaba.

@Ghie4945

Ang sabi sa balita tataas nanaman Meralco bill,pano pa kayang pagtitipid sa kuryente gagawin ko gayung sobrang init ng panahon. Konting galaw ko lang pawis na pawis na ko,gayung kakaligo ko lang kanina.Haiz...

@Ghie4945

Gandang umaga, medyo makulimlim panahon ngayon at nag uulan,. Gumaganda naman mga halaman ko sa bubong kahit papaano. Yun kakatanim ko lang na tanglad at oregano nabuhay naman, ang alukbati madali rin mabuhay, dami ko na rin aloevera,na nireregalo ko sa kakilala ko kapag wala ko maibigay na ibang pangregalo 😊. Mayron din ako snake plant. Yun pandan ko nga lang namatay kakalungkot ang hirap bumuhay pala nun sa paso.

@Ghie4945

Kapag pala bumababa bch crypto,bumababa din bch wallet natin sa noise,pansin ko kasi yun amount na ng earning ko bumaba din kaya much better pa rin na ipunin muna,saka ko na ipay out kapag tumaas taas na bch crypto.

@Ghie4945

Tena, kain tayo while watching movies sa tv na lang muna 😊.Paasa talaga yun ulan di nanaman tumuloy.πŸ˜…

@Ghie4945

Masustansyang pagkain kakainin tapos mag sosoftdrink naman, pasaway no...sarap talaga ng bawal πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…. Paminsan-minsan lang.magtubig pa rin.πŸ˜†πŸ˜…

@Ghie4945

Katakot pinutol yun braso, dahil sa mapaminsalang uuod. " The Thaw"😱

@Ghie4945

Mention lang kita @prettyace,post ka ng new or comment para naman makabawi ako sayo.Thank you.❀❀❀ Anyway,hapunan na naman,luto-luto nanaman,magugutom na naman ako sa mga pagkain ihahain nyo hehe.😊😊😊

@Ghie4945

Ba yan nagccrush pa yata ko sa isang member ditoπŸ˜‚...ay wag maingay haha,bigla ko napatingin sa profile at Minaretes koπŸ˜‚,kaso pagtingin ko may anak na pala...syempre taken na yunπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚... Ay charot lang baka mabasa nun...😬 Ayan nashy tuloy akoπŸ˜†πŸ˜£

@Ghie4945

Busog na busog ako,sariwa yun talong manamisnamis,tapos yun tuyo tama lang yun alat saka kahit maliit nakakain pati ulo,malambot sya.Sarap din nung ginisang bagoong. Taob na naman kanin namin nito.😊

@Ghie4945

Lahat pababa, hindi magandang mag invest sa tingin ko...tsk tsk...πŸ€”

@Ghie4945

Umagang kay ganda, Monday blues nanaman,tiyak busy nanaman ang lahat sa mga work nila at yun mga work at home din na mga nanay,tita's tito's,mga studyante na busy sa mga studies nila. May kanya kanya talaga tayo ng kinabibisihan, pero anuman mga kinabibisihan natin kahit busy nakakasilip pa rin sa noise. Natutuwa ako yun mga halaman ko lumalago,gusto ko sana magdagdag kaso pati lupa binibili dito samin,kaya kahit gusto ko magtanim ng magtanim pera kailangan din. Di tulad sa…

@Ghie4945

Kagabi, napuyat ako,kakapanood ng live selling,first time ko lang umorder sa live selling,ganda kasi nun mga item nya, mga Mall pull out original na may konti lang naman na reject o konting damage pero original sya na panty at bra,order din sana ko ng bra worth 150 pesos per pc.,lang sya original ganda ng tela pati panty worth 200 pesos 3 pcs. Yun sa bra wala na sya masyadong available sa size ko. Nabudol ako kagabi kaya ayan napa order tuloy ako,mga maluluwag na rin kasi…

@Ghie4945

Katapos ko lang kumain,lunch namin pesang bangus na may repolyo,pinakamasarap na part talaga sa bangus ang tyan manamis namis. Dami ko nanaman kain tapos may sound trip nanaman si mader,haha,antukin ka kahit medyo tanghali na gising ko kanina haha Pasulpot-sulpot naman ang ulan sa amin nakakainis naman, hindi pa ituloy na ng lumamig lamig naman.

@Ghie4945

Nakatulog ako this afternoon,kaso nanaginip ako ng nakakatakot parang imbestigador ang datingan,napanaginipan ko yun dating addict dito samin,pero patay naman na yun matagal na rin. Actually natatakot talaga ko dun noon nun nabubuhay pa yun,panay sulyap sa akin noon at may nakakabastos na sinasabi,iniignore ko na lang kasi mahirap na,parang naisip ko maigi na nga lang nawala na sya dito sa lugar namin, nakakaperwisyo din naman sa lugar namin. Yun lang.Anyway, paggising ko…

@Ghie4945

Ay, grabe sobra palang dumausdos ang BCH ngayon at other crypto, ang bilis nya kailan lang nasa 8,5 pa ngayon nasa 6k na lang. Pano na yun isa ko hinodl, hinayaan ko na lang talaga, no choice...pero umaasa pa rin ako na hanggang dyan na lang sya at mag stop na yun pagdausdos nya pababa.

@Ghie4945

Katapos lang namin kumain,yan pa rin ulam namin kanina, nagdagdag naman ng pritong bangus lang. Ang sarap ng pinya, super tamis nya,hindi nakakakati sa dila. Pagtapos kumain hugas uli ng plato at pakainin naman mga alagang aso at pusa.

@Ghie4945

Anyway,maikwento ko lang yun Crypto natin na bumababa ngayon...nakakasad talaga...yun sa akin napull out ko na yun sa Coin ph ko,dahil instinct ko na baba pa nga talaga sya at tama nga ko, pero mayron pa ko sa Coinbase ko at yun lang di ko pinull out...i take a risk ko na sya dun...ilan taon hold ko lang hanggang makabawi lang siguro sa dati nya. Kayo ba ano sa tingin nyo?😊😊😊

@Ghie4945

Morning, kagabi di ako makatulog sa kwarto sobrang init kaya ginawa ko dun ako natulog sa atik namin sa taas, malamig lamig na, pero kapag mga 7am o 8am mainit na dun sa taas namin. Sinara ko lang pinto dahil guguluhin ako sa pagtulog ng dalawa kong asungot na si Creampuff at Katkat na takbo ng takbo tuwing gabi. Active na active sila sa gabi sa umaga naman tulog at mas malakas sila kumain sa gabi dahil siguro sa mas napapagod sila kaysa sa umaga na mas kaunti sila kumain.…

@Ghie4945

Katapos ko lang maglinis ng C.R.kapagod talaga maglinis para ka na rin nag exercise labas lahat ng pawis ko. Anyway ano kaya niluto ni mader. Niluto nya ay tinolang manok,di lang kita yun manok nasa ilalim, puro malunggay at papaya ang nasa ibabaw, may halo din tanglad para mabango at gamot din kasi ang tanglad nakakatulong sa katawan plus yun luya din nakakatulong na alisin yun bad bacteria sa katawan. Kaya ugaliin na madalas na maglagay o maghalo ng luya sa ulam.

@Ghie4945

Saludo ako kay Gov. Gwen dahil alam nya ang pinakamataas na batas na karapatang pantao. Source: Fb

@Ghie4945

Yun nagmirienda ko kanina, then nakacharge yun phone ko pero naisipan ko biglang need ko picturan muna yun kakainin ko bago ko kaininπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Eh kaso nagreboot pa ng ilang minuto din, wait pa talaga ko, takam na takam na ko di ko pa makain kain πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Yun lang maikwento ko lang haha.πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Hi. kaingay pwelcome nyo po si @Noemigalido07 new user po dito sa Noise. Di pa sya gamay sa website na to so tinuruan ko sya ngayon. Kaingay kumain na ba kayo,kami di pa.

@Ghie4945

Mukhang nagsisimula ang ulan at masarap matulog ngayon, sana lang tuloy tuloy na. Mukhang aantukin ako ng maaga ah. Eto katabi ko ulit sa kwarto ang pamangkin kong malusog hehe dahil may bisita ulit sa kanila at di kakasya sila sa pagtulog, hanggang bukas lang daw yun bisita nila kaya bukas dun na ulit sya matutulog.😊 Bukas na lang ulit gudnyt sa lahat😊.

@Ghie4945

Morning nakasilip na ba kayo sa Shoppee, nagpabudol ba ulit kayoπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Ako nakatatlo din ako tig pipiso na 20 pesos load kagabi. Tatry ko sana ngayon ulit kaso nareach ko na daw yun promotion o limitπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Naka 60 pesos din, ipapasaload ko din naman eto para tumubo ko😊😊😊 Sa mga di pa nkakabili subukan nyo na bumili sayang din hanggang mayron pa, lagyan nyo lang yun shoppee pay wallet nyo.😊😊😊

@Ghie4945

Ano kaya oras ko matatapos to excited lang ako matapos to,makukuha ko ba agad yun 1 $πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. 10 pts. lang yun sa akin eh. @Janrich πŸ˜ŠπŸ˜‚

@Ghie4945

Wait lang ninong noise nabusy langπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Eto na poπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Naku,rest muna ko ninong noise πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚,maya naman ni pagod mo ko pero ok lang... Actually napagod isip ko sa Lingomate App sa Chinese Language madali naman pero napagod ata utak koπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚,kinalawang na ata kasi kulang sa practice sa analyzingπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Maya na lang ulit pampaantokπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Katapos ko lang mag ayos ng dapat ayusin bago matulog, eto katabi ko ulit si pamankin, kagabi di kami nag aircon dahil di naman masyado mainit, this time pinagbigyan ko na mag aircon kami ng 6 hrs. timer haha. Minsan lang makitulog eh... Magkano kaya bayarin namin sa kuryente nito haha,isang araw na 6hrs aircon kwenta ko nasa 100 to 150 pesos ang gana haha. Tipid na lang ulit sa next gamitπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Morning,gising na ko kanina pa,uminom lang ng tubig muna this morning para malinis ang tyan,bago mag almusal. Ganda ng gising dahil naka aircon ng gabi haha, kumusta naman ang bill haha...sa 21 pa reading ng Meralco surprise na lang haha. Yun sa Maynilad naman nakareading na sila nun 14 pa.

@Ghie4945

Yun nabudol nanaman ako ni shoppee kagabi,anyway yun ballpen dyan pambenta, yun connector nman gagamitin ko sa cp at keyboard ko, hopefully maayos to gumana sa cp at keyboard ko overseas pa pala sya.

@Ghie4945

Padating na pala ngayon yun inorder kong panty sa shoppee live. Excited pero may babayaran haha,ganun talagaπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

@Ghie4945

Lunch namin kanina Sinigang na bangus.Di na buo yun isda binigyan ko kasi dalawang alaga ko pusa, bukod sa cat food nila,kapag may ulam na isda hinahatian na lang namin, mahal ng isda eh.

@Ghie4945

Charan....Charan...eto na yun order kong panty, super ganda ng tela sakto lang sakin, Medium lang yan pero sa ibang size Large na yan,streachable nga sya. Nabili ko sa Shoppee live sa mga Mall pull out worth 200 pesos plus shipping fee 35 pesos, 3 pieces. Kahit pala sa mader ko kasya sya streachable kasi nagustuhan ng nanay ko binigay ko yun isa. Labhan muna bago isuot haha...

@Ghie4945

Paborito panoorin mga Series nitong mga palabas nito "Life time" may suspense, kaya lang marami napanood ko na lahat halos. Dati pa siguro to, di na sila nagpalabas ng bago pang series.

@Ghie4945

Dito na lang kami sa sala ni pamangkin, mainit kasi sa kwarto, baka sumakit ulo ko sa bayarin sa kuryente haha,electricfan para makatipid,nkailang gamit na rin ng aircon ehπŸ˜…

@Ghie4945

Buti naman maayos at kumpleto yun binili ko ballpen,ubos na nga,maghihintay ulit ako sa 7.7 sa ibang item naman na ubos na sa tindahan namin na school supply,malaking bagay yun makafree shipping.

@Ghie4945

Mukhang di ko na kaya ihodl to kaingay kaya ipapay out ko na,dapat nasa 18$ na dapat to,nakakaiyak di ba,kailangan na rin kasi...πŸ˜‘πŸ˜£

@Ghie4945

Pagkatapos kumain ng tanghalian, ulam namin ginisang sayote na may dilis eto kumain naman kami ng pakwan. Nakabili si mader ng pakwan na seedless kaso lang di masyado matamis yun nabili pero ok na rin😊

@Ghie4945

Haiz, salamat pumasok na din, need na, kaya pinay out ko na. Nanood pala ko ng fb live ni Ms. Gov. Gwen Garcia, sallute ako sa kanya sa pagiging di na sunud sunuran at mabuti nag babase sya sa Philippine Rule of Law yun ang Constitution.

@Ghie4945

Kain tayo guys,squidball with spicy sauce,binili ko lang sa labasan,iuulam ko sa kanin,sulit mirienda na hehe😊😊😊

@Ghie4945

Morning kaingay medyo maaga ko nagising nagdilig ng halaman, kagabi kasi di ko nadiligan, once lang kasi ko magdilig sa isang araw pero basang basa yun lupa para di matuyo agad. Paggising ko uminom muna ko ng tubig,sabi kasi nila uminom muna ng tubig bago magpasok ng pagkain sa katawan para daw malinis muna. Di pa naman ako sanay na uminom ng tubig sa umaga, nakasanayan uminom agad ng mainit na inumin na kape o kaya gatas o milo pero madalas kape talaga.

@Ghie4945

Pagkatapos kumain ng lunch relax relax muna mamaya naman maliligo. Eto ulam namin adobong manok na may halong pineapple tidbits. Dahil gusto daw ng kuya ko na medyo masabaw sa adobo kaya ganyan luto ni mader. Si mader din di mahilig sa adobo na masyado raw tuyo at ayaw din nya na maraming mantika.

@Ghie4945

Late ka na.4pm pa uulan, pero umulan na nga samin ngayon,kumulog at parang may kidlat pa nga nakakatakot. Ang sad biglang nawalan ng kuryente,buti may dalawa kong powerbank at gamit ko ang mini fan ko na rechargeble kaso pundi na rin to maya maya lang din. Sa kusina naman namin gamit namin ang solar light medyo madilim kasi sa kinakainan ng kuya ko, late lagi kumain ng tanghalian,sa gabi lang namin yun binubuksan talaga.

@Ghie4945

Good night,hay sya need na muna mag sleep, silipin ko lang mga account ko. Buti nman nagkaroon din ng kuryente kanina 2 hours din nawalan ng kuryente. May mga kanya kanya pang pinagkaka abalahan kasama ko sa bahay.

@Ghie4945

Morning, punta muna church, tagal na rin di nkakasimba. Maya ko na silipin crypto at iba pang mga extra extra. Happy sunday mga kaingay😊 Happy father's day din sa mga tatay❀❀❀ At sa mga nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak alam ko marami din dyan.Nanay na tatay pa hehe😊

@Ghie4945

May pakain sa church kanina kaya ayun di na nagluto ng tanghalian, busog na pag uwi, celebrating father's day. Namiss ko tuloy pinaka dabest kong tatay,kung nabubuhay pa sya sana. And pagkatapos nga sa church, diretso kami ng beach dahil isang sister namin sa church binautismuhan, wala kasi tubig kahapon sa church na lang sana.

@Ghie4945

Inaantok ako,grabe kanina pa habang nagttyping hinihila ko sa higaan hehe,ngayon inistop ko muna nahiga muna ko saglit. Ano ba mamirienda di pa naman ako masyadong gutom ngayon. Umulan nanaman pero saglit lang ulit.

@Ghie4945

Tapos na kumain, tapos na rin maghugas ng plato at magpakain ng mga alaga, ngayon naman silip silip sa KMJS,mga kasama ko sa bagay nanonood din. Ask of now ang topic yun malakas humilik matulog haha. Ako mababaw lang ako matulog. Buti na lang walang malakas humilik dito sa bahay.

@Ghie4945

Gandang morning,sarap ng tulog namin ng pamangkin ko,kakagising lang namin dalawa. Di rin masyadong mainit kagabi at nitong mag uumaga rin, tapos dalawang electricfan din gamit namin. Mag aalmusal pa lang kami samantalang mader ko araw araw laging maaga magising at maaga din matulog. Maglalaba sana ko, kaso maglalaba daw si kuya ngayon araw kaya bukas na lang ako,dami na ulit labahin.

@Ghie4945

Panget yun bagong update ng paperang,kaya di ko na inupdate,yun bagong update ng paperang na p1, need mo magconnect sa internet para makapagprint tapos, kailangan din yun original na paper ng paperang gagamitin. Yun sa Shoppee apps naman inupdate ko na lang ulit balak ko sana iunstall pati lazada ko kasi napupuno na phone ko sa mga apps,sa web site na lang sana kaso hassle lang kasi kapag sa web site pa mag open, mag log in, log out.

@Ghie4945

Tagal ko na di nabibisita mga apps nito, panget na kase puro ads na lumalabas tapos tumaas na din pay out nila, baka iunstall ko na to soon once mameet ko na yun minimum pay out nila, sayang din yun naearn ko na dito.

@Ghie4945

Sarap naman ng tulog ng baby na yan,while listening ng pampaantok na awitin ni mader sa radio haha,puyat na puyat nanaman creampuff,duty kasi sila tuwing gabi haha,while si Katkat ayun nasa ilalim naman ng lamesa antok na antok din hehe di ko mahagilap ng camera hehe.

@Ghie4945

Katapos lang kumain, gawa na naman ng pagkakaperahan habang nagbabantay ng tindahan,lunch for today ginisang repolyo na may halong dilis. Sarap nun repolyo manamisnamis, tapos yun dilis maalat alat kaya onting asin na lang nilagay ni mader.

@Ghie4945

Laking tulong na makabawas bawas sa bayarin sa kuryente ang Solar panel ko,chinacharge ko lahat ng gadgets ko,try ko nga bumili ng mas maraming hub para dyan ko lahat ikakabit,kung kakayanin ng solar panel ko.

@Ghie4945

Nakakalungkot na balita,yun tito ko namatay na pala,enpyzema kinamatayπŸ˜ͺπŸ˜ͺπŸ˜ͺ Nakukuha daw yun sakit na yun kadalasan sa paninigarilyo,hindi na kinaya katawan ng tito ko yun sakit nya,dati na pala nya sakit yun ngayon lang namin nalaman. Ngayon di ko pa alam sa mga kapatid nya at mga pinsan ko kung ano plano. Dahil layo layo ang mga lugar namin.

@Ghie4945

Yun pamankin ko may Tiktok daw sya,sabi nya sa akin "Tita sa Tiktok ka na lang umorder maganda free shipping sila"sabi ko naman"Talaga araw-araw ba saka ano yun puro live" sabi naman nya "oo daw same lang ng shoppee at lazada,set mo lang din yun payment mo. So ako napaisip ako kasi wala akong tiktok sa cp ko, dati mayron ako pero inustall ko lang, sabi ko kasi wala nman ako makitang maganda, sayawan lang o kantahan lang at di rin ako mahilig maglive. So naisip ko try ko kaya…

@Ghie4945

Morning kaingay, magtatanghalian na naman at eto pinatatanggal sa akin ni mader yun ugat ugat ng toge, kayo ba ganito din ba ginagawa nyo sa toge, madumi daw kasi tingnan. Anyway katapos ko lang mag almusal pero nagkakape pa, while nagtatanggal nito.

@Ghie4945

Dumating na rin yun inorder ko sa shoppee worth 98 pesos, kaso lang yun charging hub nya di nagana yun sa usb female hub lang nagana, yun micro usb hub nagtry lang ako baka pwede sa keyboard ko kaso di sya nagana din, so para magamit ko bibili pa ulit ako connector, haiz saka na lang oorder ulit sayang pera, pagtiisan ko na lang ulit na walang mouse, keyboard lang ulit magagamit.

@Ghie4945

Eto na nga nagmirienda ako, at dahil lagi na lang squidball binibili ko, iba naman binili ko sa ngayon fish ball naman with spicy sauce, tapos with kanin and malamig na tubig panulak hehe. While Brother and mother ko mas piNili naman nila bumili ng tinapay dahil may palaman naman kami peanut butter.

@Ghie4945

Nalate yun post ko,nabusy kasi, dami ginawa. Dinner namin kanina yan toge yan din ang ulam namin ng tanghalian. Sayang di nakabili ng balat para ilumpia sana kaya ginisa na lang ni mader kanina. Late ko na nadiligan halaman, kala ko kasi uulan kanina, nagdidilim kasi ang kalangitan, yun pala aambon lang saglit. Bukas na lang ulit,balak ko maglaba bukas, hopefully maaga ko magising para matapos agad, hand wash lang ginagawa ko sa paglalaba at binababad ko muna ng ilang oras…

@Ghie4945

Morning, charging time, yun iba icharge ko sa solar panel. Magbreakfast pa lang. Tuwing kakain ako lagi nakacharge phone ko pagtapos kasi ng gawain dun lang ginagamit kaya minsan late na maipost lalo na sa pagkain hehe. Maglalaba na ko maya-maya. Paubos na naman catfood, laking tulong talaga sa akin mga earning site minsan di na ko nahingi sa mader ko ng pambili ng needs ko, nabibilhan ko pa ng catfood mga furbabies ko. Sabi nila kapag nag alaga ka daw ng pusa maswerte ang…

@Ghie4945

"CATS LIFE" Before and After πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Before Night Sleep and After Morning wake upπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Tena Lunch, ngayon pa lang ako kakain, habang nakababad pa labahin ko. Tokwa na parang sisig ata ginawa ni mader.😊😊😊

@Ghie4945

Labada day,pacute din si Yangyang ehπŸ˜‚. Di pa tapos may kasunod pa yan hehe. Sabon pa lang ako,wala pa banlaw, tuyo nyan sa sampayan bukas na. No problemo naman sampayan,pwede sa loob,pwede sa taas sa atik kapag nakatuyutuyu na.

@Ghie4945

Around 6pm natapos din labahin ko puro damit ko lang, kanya kanya kami ng laba dito sa bahay. Hapunan na naman, ano kaya niluto ni mader. Tomsgu na nagutom sa paglalaba, saka wala din merienda ngayon.😊😊😊

@Ghie4945

May nagpost sabi papiso load daw ulit sa Shoppee, eh di sinubukan ko tingnan,at eto nga tama naman kaso piso sa 5 peso load lang hehe. Nasanay ako sa piso-20 peso load ehπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Antayin ko na lang ulit, pero malamang by end of the month and sa 7.7. mayron ulit😁😊😊😊 Masilip na nga dinner namin at tomgu na ko hehe.

@Ghie4945

Late post nabusy nanaman kasi, dinner ngq pala namin kanina, itlog na may sibuyas at kamatis. Well bukas na lang ulit pagod na katawan lupa hehe...Sleep na muna.nyt all kaingay😊😊😊

@Ghie4945

Aga ko nagising 6am pero nakatulog ako 2am na.Nagising ako kay Kat-kat parang naduduwal sya kagabi, naku wag naman sana nasalisihan ng barako. Dun pa naman sa higaan namin, mabuti na lang nagising agad ako dun sya sa floor naglabas.

@Ghie4945

Iba na talaga weather ngayon, kagabi lakas ng ulan pero paggising ko sa umaga mainit pa rin pakiramdam ko, pawis na pawis ako,kahit basa naman ang lupa. Di kami masyado nakatulog kagabi ni mader sa lakas ng ulan kagabi, yun bagsak ng ulan sa yero naririnig namin,while yun pamankin ko paglapat ng likod sa higaan naman tulog na tulog,medyo humahagok pa. Kumusta naman bill nyo sa kuryente haha, laki nanaman bill namin, nag aircon kasi kami nun nkaraan tapos bukas lahat ng…

@Ghie4945

Malapit na malaman ang tunay na relasyon ng dalawa watching " Apoy sa Langit" kaloka din yun palabas ehπŸ˜…. Ang hirap naman nun panahon nakakaantok...Yun gusto ko matulog pero di pwede.

@Ghie4945

Eto talaga pavorito ko panoorin, madalas kasi puro suspense yun story. "Life Time" title nya ngayon "Mommy's little princess" Ang haba din 3:30pm matatapos sya mga 5pm na rin.

@Ghie4945

Mirienda na tayo.Dahil may nag alok ulit samin na taga rito rin samin, eto napabili kami kanina umaga,eto sana almusal namin kanina kaso late na nadala nakaalmusal na kami kanina. Suman na may niyog at asukal na segunda.

@Ghie4945

Dahil nabusog ako sa suman kanina, now mag oatmeal na lang ako, naubusan din ng gas panluto ngayon ulam namin sana sinigang na baka,may nagbigay kasi ng karneng baka,kaya bukas na lang daw yun lulutuin. Saka antok na din ako, medyo maaga aga siguro ko makatulog nito.

@Ghie4945

Agang ginising nanay ko ni creampuff this morning. Kwento ng nanay ko ginigising sya ni creampuff mga 5:30 am,nakatapat yun mukha nya sa mukha ni nanay kinakausap sya,tapos nun di nya pinapansin habang nakahiga pa sya, sinusubsob yun ulo nya sa bandang tyan nya, ayaw pa rin nya pansinin, ginawa ni creampuff kinagat kagat yun paa nya dun lang sya napilitan na bumangon. Tapos nun bumangon na sya, si creampuff naman dumiretso sa C.R. kala ni mader mag eebs, then akala din nya…

@Ghie4945

Nakapaglinis linis na rin ng kwarto kahit papaano naalis mga buhok at balahibo ng pusa,nakapagtiklop na rin ng nilabhan damit ng kuya ko, yun damit ko naman tapos na kahapon pa. Bilis ng oras pasadong alas-10am na pala, pahinga ko na tong magkalikot sa cp ko.

@Ghie4945

Eto nga lunch namin katapos lang kumain, sinigang na baka, yun baka hiniwa ng maliliit para madali lumambot at makain. Kala ko mamaya pa nya lulutuin ng gabi para matikman nun nagbigay ng baka, malaan kung matira pa to mamayang gabi 😊😊😊

@Ghie4945

Makaidlip muna,at maicharge muna si phone palowbat na rin, nakakailan beses din ako magcharge sa isang araw dahil araw araw din hawak ang phone. Buti kahit papaano may solar panel ako para pang charge charge sa ibang gadgets. Kasama na sa buhay ang phone para sa mga extra extra income.😊😊😊

@Ghie4945

Sabi ko matutulog ako pero di rin ako nakatulog, may bisita kasi dumating sa bahay,kailangan istimahin muna kaya ayun maya na tulog pagtapos kasi nagkalat din hugasin sa lababo need ko na linisin para di tambak hugasin mamaya. Inayos ko rin mga halaman ko sa bubong, malalago na rin yun alukbati pwede ng pansahog sa munggo at yun tanglad maihahalo na rin sa ulam.

@Ghie4945

Nabusy ako sa pagbabasa sa mga news sa fb, minsan nakakastress din manood ng balita, paulit-ulit na lang din kasi pero minsan talaga kailangan din manood at harapin ang real world, yun mga makatotohanan nangyayari ngayon, di naman natin yan maiiwasan,parang problema din yan na dapat hinaharap pero hindi dapat dibdibin, ika nga tibayan ng loob, mahina ka talo ka,kaya wag padadaig, maging matatag. Yun dapat matutulog na ko pero parang di nanaman ako dalawin ng antok😊

@Ghie4945

Morning.Kakagising ko lang around 9:30 am.Napaorder nanaman ako sa shoppee kagabi, ngayon ko lang chineck out yun link na sinend sa akin ni seller sa live nya,nakafreeshipping ako pero may bawas lang.2 pcs. 300 na sya Mall pull out,gaganda kasi ng item nya,yan pa rin yun seller na binilhan ko ng panty nun isang araw. Ang live nya madalas tuwing 11pm pero di lagi ntyempuhan ko lang.Sa gusto bumili lagay ko yun link ng seller sa baba. Shopee seller link:…

@Ghie4945

Share ko lang lunch namin kanina ginataang yellow fin na may petchay,talong at nilagyan ng tanglad. Hapon nanaman kakaantok nanaman ng panahon.

@Ghie4945

Iunstall ko sana Shoppee app ko dahil puno na cp ko ng mga apps. Tapos try ko sa web site na lang sya buksan kaso ganun pa rin pala need ko rin sya iinstall dahil may part na di mo makikita yun purchase mo. Sa lazada kaya ganun din.Check ko nga rin.

@Ghie4945

Kinalikot ko yun solar bulb namin tiningnan ko kung may mabibili ba ko na battery nito, nagana pa naman sya,di ko lang sure yun rechargeble battery nya kung ok pa,try ko ibilad sa araw bukas 8 to 10 hrs. ang charging nito,6 to 8 hrs. ata yun tagal ng charge nito,yun solar panel kasi nito nagloloko na kinalikot ko rin kaso break na yun cover nya nakadikit kasi nilagyan ko na lang ng tape,try ko rin sa isang solar panel ko kung pwede sya.

@Ghie4945

Blessed Sunday. Maagang gising para mag simba, Naku tong si mader umakyat taas namin sinara mabuti yun pinto, eh yun pinto namin di naman ayos pagkagawa ng karpentero ayun muntik ng di makalabas,tinawag ako, nabuksan din pinakuha ko ng screw driver inabot ko sa bintana at kinalikot nya yun lock nakaharang pala kaya di ko nabuksan,sya rin nakabukas. Makaalmusal na at makapagsimba, haiz paggising ko sinipon ako bigla, wag naman at aalis kami this week para dalawin namatay…

@Ghie4945

Naka order pa naman na ko nito kadarating lang. Pasintabi sa kumakain na, Bakit kaya nagsusuka yun dalawang alaga ko sa princess cat food dati naman hindi. Etong inorder ko ibang seller na ulit to, yun paubos ngayon dun sila nagsusuka saka basa yun dumi nila, pasintabi sa kumakain. Pero yun nakatira samin humingi naman ng catfood samin,yun din kinain pero di naman daw nagsuka o nagtae. Sabi naman ng mader ko baka sa tubig gripo, dati naman na sila umiinom ng tubig gripo, sa…

@Ghie4945

Lunch namin kanina Adobong manok na may tidbits pineapple. Medyo masabaw dahil ang brother ko mahilig sa masabaw na pagkain kahit adobo😊

@Ghie4945

Kakaantok naman ng panahon haiz. Pero bawal matulog,dahil mamayang gabi uumagahin nanaman ako matulog. Pero ika nga sabi ni matulog kung inaantok, yun ewan ko rin,ganito lang nman ako, tapos bigla nman ako di aantukin,mapapasanaol na lang ako sa mga madaling gumawa ng tulog. Yun paglapat ng likod sa higaan tulog agad hehe.

@Ghie4945

Ang haba pala ng video.mainipin panaman akoπŸ˜…. Naguluhan din ako sa paglog in.

@Ghie4945

Nagdidilim ang kalangitan kanina, nagdilig pa rin ako ng halaman kasi baka paasahin na naman ako ni ulan, malanta nanaman halaman ko sa bubong. Nakita pa naman ako ng kapitbahay namin sabay sigaw" Huwag ka na magdilig uulan nagdidilim!"sagot ko naman"Di yan tutuloy!πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Eto na nga tumuloy naman at mukhang matagal tagal din umulan haha...pasaway talaga itong ulan na toπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… Lalo naman uminit nun umulan...yun singaw ng init...

@Ghie4945

Thank you sa mabait na nagbigay ng carbonara,nakalimutan ko nanaman picturan sa kabisihan. Mukhang yan na mirienda at hapunan ko, mabigat sa tyan eh, maybe naman mamaya makainom naman ng gatas bago matulog baka sakali na antukin ako sa tamang oras. Sabihan ko pala si mader na di na ko kakain ng kanin ngayon gabi.😊

@Ghie4945

Ganda ng morning ko aga ko nagising 7:30am,tapos this morning pumunta ko sa garden ko sa bubong hehe at eto nga ganda pagmasdan bulaklak ko at tanim. Hindi pa masyado mainit sa bubong namin.Ang gaganda ng mga halaman ko sa taas,napansin ko yun nag iisang bulaklak ko sa taas. Dalawa pa lang yun lumabas na kulay. How i wish makakita ko ulit ng mga iba't ibang kulay na mga butterfly, bihira na kasi ko makakita samin.

@Ghie4945

Snack nman Pillows,pagtapos maglunch kanina.Nakakaantok na panahon. This morning nag Milo naman ako. Maya maya nood uli ako ng "Apoy sa Langit"

@Ghie4945

Nakaidlip kahit papaano, kaso kahit umuulan, mainit pa rin sa kwarto ko. Nakatulugan ko cp ko habang nkacharge sa powerbank ko.Yun ibang gadgets ko nman nkcharge sa solar panel kanina. Katapos lang magmirienda ng tinapay, maliligo pa lang.

@Ghie4945

Nalate post ko dami kasi ginawa, tapos nlowbat din phone,di muna ko uminom ng kape kanina pero nakapagsoftdrink pala ko kanina hehe. Iwasan ko muna sana yun dalawa ang kape at softdrink baka sakali umayos tulog ko,di kasi ko antukin ng gabi.

@Ghie4945

Umagang kay ganda,buti naman at ayos naman tulog ko kagabi kahit kinukulit kulit ako ni creampuff kagabi,nginungusuan ako sa mukha hehe. Mukhang masigla na sya kagabi patakbo takbo,bihira na sila magsuka,sa tingin ko yun cat food na nabili ko last,yun nagpasama ng tyan nila baka old stock na o baka same item,pero ibang brand. Di ko na ko bibili sa seller na yun. Tagal na nga dumating sumakit pa tyan ng mga alaga ko.

@Ghie4945

Pinawisan ako, napasayaw ako,sabi ng mader ko nagdidisco ka ata sa loob ng kwarto, with blinking lights paπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Nakaidlip din ng konti,mamayang madaling araw kasi aalis kami,makikipaglibing kami,ihahatid na sa huling hantungan ang tito ko at kami ay maagang susunduin ng pinsan ko na may sariling sasakyan. Yun isang pinsan ko di na sumabay samin,nakipaglamay na lang sila nun monday,dahil di sila available ng ibang araw dahil sa trabaho. Ilan na lang sila magkakapatid sa side ng mader ko na buhay pa.Ganun talaga buhay sa mundo,una una lang din talaga,tatanda at mamamatay. Kaya habang…

@Ghie4945

Nalate yun post ko ng dinner namin, dami kasi ginawa,aalis din kami mamaya madaling araw. Dinner namin kanina tilapia at lucky me beef,nkalimutan na picturan yun noodles sa pagmamadali kanina hehehe.

@Ghie4945

Aga namin,dito na kami kanina pa. Nagbreakfast muna kami sa mcdo,bago kami nagpunta sa burol ng tito ko dito sa antipolo. Layo din pero buti di traffic dahil madaling araw kami umalis ng bahay.

@Ghie4945

Antipolo Cathedral,hanggang sa huling hantungan. Rest in Peace Tiyo.πŸ˜₯πŸ˜₯πŸ˜₯

@Ghie4945

Dumating kami sa bahay around 6:30pm na daming pagod at antok pagdating kaya ayun binirahan ng tulog, nakakain naman na bago makauwi ng bahay, dumaan na muna ng jolibee para kumain,di naman na mahigpit, di na hinahanap vaccine card wala na rin naninita na di ako nakaface mask while yun ibang kasama ko nakafacemask,pag alis at hanggang pag uwi ng bahay. May pinauwi din samin pag uwi galing antipolo, bukas ko na lang picturan. Bawi na ulit ng pag tulog, gumising lang around…

@Ghie4945

Umagang kay ganda, ngayon lang nakabawi ng lakas, at ngayon lang mag mimirienda ng suman na galing antipolo. Wala sana ko nakalimutan, nagback read pa ko this morning, busy kasi kahapon whole day. Iba pala weather sa antipolo nun nagpunta kami hindi mainit sakto lang weather,uminit na lang kahapon ng tanghali. Dalawa na lang natira nakain na namin kagabi yun iba,sarap ng suman sa antipolo. Sawsaw ko lang yan sa asukal,naubos na yun latik namin at coco jam.

@Ghie4945

Eto yun paborito ni nanay na halaman,hiningi pa nya to sa pinsan ko sa antipolo,palmera daw pangalan nito, yun dahon nya parang dahon ng niyog ba, yun isang halaman di ko lam anong tawag binigay din samin.