Medyo nabusy this coming new year, need maggeneral cleaning bago pumasok ang taon. Saka may bisita kami sa new year Jan. 1, request ng tito ko dito samin mareunion, kaya ginawa nya yun gate at inayos para dun sila magbonding bonding magkakapatid ni nanay. Actually, ayoko talaga ng reunion kung di lng talaga dahil sa side ng nanay ko. One thing kasi dyan yun parang nagkakaroon ng payabangan sa buhay buhay, ewan ko ba, siguro naisip ko lang yun past ko nun bata pa ko, di ko naenjoy yun pagiging bata ko noon dahil sa hirap ng buhay kailangan mo tumulong sa tita mo noon imbis na maglaro,yun akala mo bakasyon pinunta mo yun pala para kang muchacha sa bahay nila, ewan ko tumatak sa isip ko yun. Na dahil mahirap kayo di ka na lang makatanggi kasi nandun ka sa bahay nila need mo makisama at sumunod dahil bata ka lang,tapos katapat nun kaunting pera. Parang prize sa pagtulong mo ng sapilitan. Tapos inggit na inggit ako noon, kasi yun mga anak nya, pinsan ko malayang naglalaro sa labas, habang ako naghuhugas ng mga plato ng mga bisita ng tita ko noon na dapat yun bakasyon na yun naeenjoy ko, di pala. Sa ngayon naman di na ko ganun na sunud sunuran sa gusto nila, kahit pa may utang na loob na tinatawag, lalo na nandito sila samin, hindi na pwede ng ganun ganunin nila ko,kahit di kami nkakaangat sa buhay, dapat pantay pantay.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Ang nakkaainis pa sa sa bahay niyo gaganapin dami niyong lilipitin imbes naka relax sana haha.
oo haiz, buti nga pinagdala ko sila disposable, para wala na masyado hugasin.mitikuloso pa naman yun isa ko aunty pati asawa, naku basta yun lang nkayanan linis, importante walang mabahong amoy, sa isip ko bahala sila.