Raising and taking care of the kids is not only a Mommy-Duty but also Daddy's. We are married, we chose to start our family TOGETHER, kaya we should be in this together. Huwag kay mommy iasa lahat, kagaya ng pagpapalit ng diaper, pagpapakain, pagpapaligo, pagpapatulog at patahan kapag may toyo si baby.
Yes, alam namin na pagod din si daddy sa work maghapon pero naisip mo rin ba na pagod rin si mommy sa gawaing bahay lalo na kung mejo malikot si baby? Remember, ang mga nanay kailangan din yan ng pahinga. They need their own needs din. We are not robots kaya napapagod din. Masaya maging Mommy lalo na yung joy na binibigay ng mga anak natin is PRICELESS. Pero, let me remind you, DALAWA KAYO DITO. You two are the foundation of your own family - the family that you started together.
Kaya naman, I am grateful and blessed that I have a husband who is kind, hardworking and caring especially when it comes to our baby.
I don't need to remind him constantly na,"Daddy napagod ako maghapon, ikaw muna mag-aalaga kay baby." , "Daddy napagod ako maghapon, ikaw muna mag-aalaga kay baby." Alam na niyang pagod ako at kailangan ko din ng pahinga.
Every night my husband puts our baby to sleep even though he is tired from work all day. He always told me to rest, and he would take care of putting our son to sleep. Basta lagi ko lang naririnig sa kanya, "Halika kana baby matulog kana pagod ang mommy mo."
Siya ang nagpapalit ng diaper ni baby. Hindi mo na siya kailangang sabihan na. "Uyy daddy palitan mo diaper si baby." May kusa siya at doon ako bumibilib sa kanya.
Tinutulungan din niya akong paliguan si baby. Alam naman natin na mahirap paliguan ang bata lalo na kapag sobrang likot. Haha.
Every rest day of my husband is our Family day. Iwas muna kami sa gadgets every sunday para nakatuon lang sa anak namin ang aming oras.
Iba talaga ang pakiramdam na responsable ang asawa mo lalo na when it comes sa anak niyo. Yung pagod mo sa gawaing bahay plus sa pag-aalaga ay mababawasan talaga kung ang asawa mo ay marunong makiramdam.
Message to my husband:
Daddy, I know I am not a perfect wife and mommy to our baby, but you always make me feel na, perfect lahat ng ginagawa ko, especially in raising our child. Thank you for giving me strength kapag pakiramdam ko nanghihina na ako. Salamat sa pagmamahal, pag-aalaga at sakripisyo mo para sa amin. Always take care of yourself lalong lalo na sa work mo. We love you so much.
Closing thoughts:
I hope and I pray for all Daddies out there, that you help your wives. Know your roles as a husband and as a father as well. Oo, SUPERWOMAN yang pinakasala nyo, pero tao pa din yan. Hindi makakabawas ng pagka lalaki ang magbantay ng bata, in fact, mas nakakagwapo pa. Huwag ng gumaya sa ibang tatay na pagkatapos makabuo iaasa nalang lahat sa asawa ang responsibilidad sa pag-aalaga a bata.
Wowwww ang galing ni hubby mo sis at ang responsible nya. Ang iba kasi sis porket may trbho dpat pgdating sa bahay nkahilata lng at uutusan ka pa. Kairita yun kaya pero ok na din ako sa partner ko pg umuuwi yun eh sya nmn tagaluto tagalaba, tagalinis ng bahay at tagahatid sa skol ng anak ko