Changing career path

7 23
Avatar for Genevie1218
3 years ago

Can we normalize CHANGING CAREER PATHS kahit malayo sa degree na tinapos natin?

I mean, stop saying "sayang teacher sana siya kaso nagbebenta benta lang siya ngayon" sayang doctor sana sya ngayon kaso nagbablog lang siya ngayon. Sayang ang course na kinuha hindi naman nai-apply sa trabaho. Nakakalungkot lang diba? may mga ganon kang maririnig sa ibang tao. Big deal? Ano naman kung ang tinapos ko ay nurse at ang kasalukuyan kong trabaho ngayon ay online selling? Makakaapekto ba ito sa pagkatao ko? Matatanggalan ba ako ng dignidad? Lol.

Kagaya ko, IT ang course ko but ang naging trabaho ko before sa isang company ay Inspector at I'm proud of it. Tapos nagwork din ako sa Entrego philippines bilang isang bagger, sorter, scan dc at iba pa. Masaya naman ako at mahal ko ang trabaho ko kaya walang problema sa akin.

Although minsan may nagtatanong kung ano natapos ko at sumasagot ako ng IT. Sinasabihan akong bakit ayaw mo mag-apply sa office etc.. Lagi ko lang sinasagot masaya naman ako kahit hindi sa office ang trabaho ko. Kasi at the end of the day, you work to earn money. Bonus nalang kapag yung tinapos mo, aligned sa passion mo.

One of the boys. Hahaha

This picture was taken on my previous work at Entrego Philippines, as I've said before, isa akong bagger, sorter, scan dc etc. all around. Hahaha diba IT tinapos ko pero sa mainit ako nakapwesto at hindi sa office nakaupo but happy ako at kontento. Kaya wala yun sa tinapos mo as long as masaya ka sa ginagawa mo.

Pay no attention to toxic words. What people say is often a reflection of themselves, not you.

- Christian Baloga

Closing Thoughts:

If someone is thriving to reach his/her dreams and pursuing his/her passion. CONGRATULATE him/her.

That means he/she conquered his/her COMFORT ZONE.

P.s. Bonus nalang kapag yung tinapos mo, aligned sa passion mo.

That's all for today. Thank you for reading.

Sponsors of Genevie1218
empty
empty
empty

5
$ 0.04
$ 0.02 from @Eries28
$ 0.02 from @QueencessBCH
Sponsors of Genevie1218
empty
empty
empty
Avatar for Genevie1218
3 years ago

Comments

Naranasan ko yan sis, yung sabihan ako na sayang kasi di ko natapos pag aaral ko, pero di naman ako nagsisi kasi kahit di nakatapos maayos naman buhay ko at kahit paano nakakatulong ako sa magulang ko :)

Hindi ko na lang din sila iniintindi, haha.

$ 0.00
3 years ago

True sis. Okay lang kahit ano sabihin nila atleast hindi tayo naghihirap. Ang mahalaga masaya tayo at kontento

$ 0.00
3 years ago

Ako nga sis It din tinapos ko pero tambay nalang ngayon. Haha pero nagamit ko naman yung profession ko nung naging supervisor ako ng electronics company din. More on data nga lang ako nun. Pero sis kahit saan naman pwedeng pwede ang It. Indemand kaya yan. Hehe

$ 0.00
3 years ago

Yes sis. Huwag nila maliitin ang IT haha. Hirap kaya.

$ 0.00
3 years ago

As long as masaya ka sa trabaho mo at wala kang inaapakan na ibang tao okay na yun wag mo na lang intindihin ang sinasabi ng iba.

$ 0.01
3 years ago

Kaya nga sis. Sabihin nila ang gusto nilang sabihin.

$ 0.00
3 years ago

Hirap talaga sis. Buti nga sa awa ng Diyos naka graduate ako sa It. Hehe

$ 0.00
3 years ago