read.cash Log in
@Gellihernz

@Gellihernz in November 2021

@Gellihernz

Nov.1 2021 All Saints Day or All Souls Day... Pero heto ako nasa trabaho. Hindi uso ang Holiday..Ganun talaga status dito.Isa pa inadjust na nga ang pagbisita sa mga yumao naming mahal sa buhay pero hindi ako nakapunta.Ganyan ka busy ang Lola nyo.. Isama ko na lang sila sa mga prayers ko..specially sa Tatay ko na 28 years ng wala sa amin.Mauunawaan nman nila lalo at ganito pa ang sitwasyon.Hindi ko nman nakakalimutan ang magaganda nilang alaala sa akin. I'm sure happy naman…

@Gellihernz

GUMAMELA May dilaw at rosas na gumamela kasamahan ng nauna kong puting gumamela.Mga bulaklak ni Nanay aking napag-inaman.Kailan kaya ako makakapagbuhay ng tulad nito Yung tanim ko ay sanga pa lamang.Maliit pa,maghihintay pa ng ilang taon bago makita ang bulaklak na maganda. Lumalaki din ang puno nito kaya dapat sa paso lamang ito para hindi masyado gumarbo.Pwede din naman putulin kapag mataas na.Hintayin na ulit mamulaklak ng panibago

@Gellihernz

Totoo bang may kakaibang Nilalang o isa akong Paranormal? November 01,2021 All Souls Day Noong ako ay bata pa noong buhay pa ang aking ama ay may kakaibang pangyayari sa buhay ko. 28 Taon na ang Nakalipas.... Nakatira kami sa bundok.Ang bahay namin ay kubo lamang at malayo sa kapitbahay.Malayo kami sa bayan at dalawa lamang ang kapitbahay.Ang bahay ng aking Lola at ang bahay ng aking Umping.Nasa ilalim ang bahay namin tatlo.Bagama't tatlo kaming magkakapitbahay pero medyo…

@Gellihernz

MY PARANORMAL STORIES Mababasa nyo ang buong istorya ng aking karanasan.Magkahalong katatakutan at hindi kapani kapaniwalang karanasan na marahil ang iba sa inyo ay hindi ako paniniwalaan.Pero sa totoo lang kahit ako ay hindi makapaniwala na may mga ganitong pangyayari sa buhay ko.Sa totoo lang walang nakakaaalam sa Pamilya ko ng mga karanasan kong ito.Inilihim ko ito sa kanila.Ngayon sa inyo ko lamang ibabahagi ang mga PARANORMAL experience ko. Dahil araw ngayon ng mga…

@Gellihernz

Wala ako kakanin maipagmalaki haha... Kumain na ba ang lahat FOODTRIPPERS? Yan lang ulam namin kanina CHICKEN NUGGETS Mabuti nagustuhan ng mga bata Wala na din ako maisip mapaulam sa kanila Parang lahat naulam na Problema din mag isip ng ulam na masarap para ganahan ang mga anak.Kapag wala lang pasok yun medyo nasarap ulam.May time ako magluto pero in 6days puro pritos talaga or biling lutong ulam na lang...

@Gellihernz

Good morning SQUADMATES! How's the day yesterday and today.. Napagod ba ang celebration ng UNDAS nyo? Meron pa ba natirang suman at bibingka? Sinaing lang na malagkit nakain ko kahapon.Nagluto yung kasama ko dito sa tindahan.Sinawsaw na lang namin sa asukal at tinuwangan ng black coffee Anyways... Muli't muli ay nagpapasalamat kina Sir AyaMedel,Mam Kaytlyn,Mam Shellyberry sa walang sawang pagbibigay ng ayuda.. Salamat po sa TRICKnTREAT...LOVE...LOVE...

@Gellihernz

KAKAIBANG MISTERYO Makalipas ang 28 Taon... Tandang tanda ko pa noong ako ay bata pa nakatira kami sa ilalim ng bundok.Sa lugar na malayo sa kabihasnan.Baku baku ang daan magkabila ay lagnasan.Mula sa itaas na may ilang kabahayan lalakbayin pa ang pailalim na daanan papunta sa aming Bahay-Kubo.Tahimik ang lugar na ito.Ang tanging maririnig mo lamang ay mga huni ng ibon at ibat ibang ungol ng mga hayop.Tatlo lang bahay ang nasa ilalim.Una ay sa aking tiyahin sumunod ang sa…

@Gellihernz

Mangga kayo dyan...Hangang throwback na lang..Nakakamis kumain ng mangga.Kapag tag mangga madami kaming punong nakukuhanan.Meron mataas at meron mababa.May Indian mango at may manggang piko at kinalabaw.Ang nasa picture ay Indian mango.Madami nyan dito sa Batangas kapag buwan ng Marso hangang Mayo.Kapag madami nakakasawa pero ngayon hinahanap hanap ko.May kasama din palang talong tagalog o inaraw araw.Magkaulam kase iyan isasama ko ung nilabon talong sa tinadtad na manggang…

@Gellihernz

A cold evening. .. What a tirey day! Im stress after of work then in home my husband left us without confirming where he would had been.I know he was feeling angry to me but its not fair to go outside and stay other fellows or whatever! just to avoid me.Who was him?I am suffer for a job in whole day.Yes he was suffering too in home activities.I know his responsibilities but please I need cooperation from you for our better life..Dont be compatible only on my earnings.Much…

@Gellihernz

THE FOUR SISTERS Throwback picture... The two in left side are slim in throwback but now they are Chubby The two in right is Me with the curly hair girl.She is next on me.She still thin as of now. I am slim now compare in my single time.No pressure no stress so thats why I am chubbyness opposite of two girls in left they are thin but now they are looking Chubby.I miss my chubby figure. Hindi ko na yata maibabalik ang dati kong katawan na mataba.Pero mas maganda ako ngayon…

@Gellihernz

Bulaklaking maliit..akala mo'y wala lang pero kapag nasikatan ng araw alas 8 ng umaga hangang alas 10yan nagbubukadkadan ang maliliit pero nagagandang bulaklak na yan.Minsan mapapatingin ka,may mga maliliit ding paru paru ang dumadapo dito.Ang gaganda din nila parang bulaklak din.May dilaw at puti.Naglalaro pa sila sa bulaklak.Naghahabul-habulan Kayganda talaga ng umaga sa tuwing masisilayan ko ang mga tanim sa aming harapan.Nawala ang aking pag eemote na inasal ko kagabi…

@Gellihernz

Wala akong Lunch ka FoodTrip isinabay ko na sa meryenda ko ngayon. Mag jolli Spag muna..Ngayon lang ulit makakain ng jolly spaghetti.Inorder ni Boss.Minsan nman may masarap kaming meryenda kapag nati tripan nya.Two times a month yata ung mga order order. At ang nakagawiang meryenda ay Sicherya at Biskwit..Kapag mga ganito meryenda naku kahit ulit ulitin.Basta mga Pansitin mahilig ako.Mapa Lomi o pansit Guisado Meryendahan na guys..Late lunch sa iba

@Gellihernz

Si Angkera tuwang tuwa sa sarili.. Gandang ganda sa itsura nya kase daw nag ayos siya,nagpolbo at naglipstick.Siya din nag clip.Kunyari nag ayos siya haha.Kaya nagpapicture pa talaga Manang mana talaga sa pinagmanahan Magandang gabi po Padaan po ang aking Bebeng angkera na kaagawa ko lagi sa cp

@Gellihernz

Pagkatapos ko ma payout yung pending ko kagabi na kanina umaga ko lang narecieve sa coins.ph ko narecieve ko ang $1.04 tapos buong maghapon nakatatlong transactions ako ng minimum 0.50 ang bait ni noise sa akin.Ang galante nya ilang araw na.Kaya naka 300+ ako within 2days tapos ngayon 100+ tapos may pending pa ako sa coinsph ko na sure dadating din ngayon bago ako matulog plus may natitira pa din pending tips sa noise wallet. I am super blessed Ang ganda ng pasok ng November…

@Gellihernz

Squadmates here my early breakfast for the very first time..Kpag may nabili lutong ulam nakakaaga ng breakfast.Isa pa sumasakit na din ang tyan ko kaya isasabay ko na ung kanin sa kape. Let's almusal na #inihawnaTuyo #gulayTabayag

@Gellihernz

Ang tanghalian ko ay adobong manok.Isang ulaman lang,hindi ako nagluluto ng madami dahil ang iba kong kasama sa bahay ayaw na mag ulit.Gusto lagi iba ibang ulam tuwing kakain.Kain na po ang lahat dahil tanghali na kumukulo na naman ang tyan ko gusto ng kumain ng ADOBO Happy eating ka FOODTRIPERS

@Gellihernz

Yahooo.. Uwian na Bukas Friday ang pinakihinhintay kong araw Pahinga ko,hindi pala labaday pala pero okay lang ang habol ko lang kapag Byernes ay magkaroon ng sapat na tulog.Finally makakagising bukas ng alas syete.Sikat na ang araw,maingay na ang kapitbahay ako'y nananaginip pa.. Excited na..kapag tapos na sa gawain maglakwatsa din doon lang naman sa aking mahal na Ina.Hahanap na naman ng mga bagay na pipicturan nang hindi maubusan ng pang post. Kung pwede lang selfie…

@Gellihernz

Ay naku malapit na ipasa modules...tambak pa kaya ito muna atupagin ko ngayon..ung mga mahihirap gagawin ko na.Bahala na din kung ano maisagot ko.Naiwan ung subject na English,Math at Science.Ganito na ang set up.Wala kase akong time magturo isa pa ayaw din paturo magkakagulo lang.Ang tapang ko daw kase mas matapang pa daw sa teacher kaya para iwas stress ganito na lang ginagawa ko lahat ng kaya nyang sagutan ginagawa nya tapos nililikdangan nya ung mahirap.Kaya ang ginawa…

@Gellihernz

Makulimlim na umaga sa lahat Mukhang papatak ang ulan Hindi ko masilayan si Haring araw Kumain na ba ang lahat? Ako ay katatapos lamang Tatapusin ko muna ang paglilinis ng bahay Isusunod ko ang paglalaba Sa huli ang lakwatsa Huwag sanang umulan ng matuloy ang lakad Ang sarap ng tulog ko kagabi Ang sarap ng pakiramdam Paggising na lang ay kakain na lang Salamat sa aking Mahal Halaman po muna ulit sa inyong harapan Dahil may sapat na tulog si Inday Katulad nitong halaman na…

@Gellihernz

Maulang hapon SQUADMATES Sa inyo din ba ay maulan Dito pala ako sa bahay ng Mother ko Dito pa kami dumayo ng meryenda Fishball kikiam chees stick lang naman Nakapag lunch na ako kanina pa On time na ang breakfast,lunch at meryenda ko ngayon ay adjust din Meryenda na po tayo habang umuulan Ingat po kayo sa inyong bahay o pinagtatrabahuhan

@Gellihernz

Sa aking pagpasyal napicturan ko na naman ang halaman ni Mader #travel in near hometown #other street Mabuti na lang madaming tanim si Mother kaya bet na bet ko picturan mga bulaklak nya Ang ganda nito puting puti Ang hirap nga kuhanan ng picture kase medyo mataas ung puno.Mataas pa sa akin kailangan ko pa tumingkayad Malapit na po uli mag gabi pero andito pa din kami.Maya maya uuwi after na ng dinner

@Gellihernz

Happy na Enjoy pa Kahit naman paudlot udlot ang ulan naghappy happy pa din kami ng mga kapatid ko sa bahay ni Mama.Walang tinda meryenda pero pinagluto ako ni Sistah Cathy.Libre nya,nalugi na ang negosyo.Ang dami ko nagawa bukod sa happy hour namin doon napicturan ko na nman mga halaman ni Madir plus kwentuhan overload at kulitan sa aking pamangking maliit na nilaruan ko kanina haha.Sarap paiyakin at galitin Doon na din nag dinner...Haaay sarap talaga ng alaga at lutong Nanay

@Gellihernz

My Saturday Im here at work! Back to reality... Busy morning...busy routine Displaying items and checking the orders arrived yesterday Then I'm gonnna clean here because it so makalat.. Walang ibang gagawa kundi AKO But before of that.. First....Magkape muna tayo mga ka Noisemates

@Gellihernz

Tambak ang SNACKS kakadeliver lang ni EVER.Ngayon didisplay ko naman ng maayos.First IN First OUT tayo para hindi abutin ng expired ang mga paninda.Kailangan yung hindi mga fast moving un ang ilalagay natin sa bandang una para mapansin at mabenta.Samahan na din ng SALESTALK para mahikayat si CUSTOMER Gusto kase nila ini entertain sila pero hindi lahat.Merong iba ayaw pa entertain.May punto din naman kase kung bibili talaga bibili siya.Hindi na kailangan na hikayatin kase…

@Gellihernz

SELFIE What is your favorite angle in taking a selfies? Me...This is my favorite angle #mirrorshot Who was relate? I think mostly here are selfieLovers specially those millenials here... I'm not millenials but I love to took myself in every outfit I have even it's just a simple PAMBAHAY or PANGLAKAD. I just wondering myself if I am looking Beautiful or not... Have everyone do the same? If Yes. . Common! Let's take a Selfie's

@Gellihernz

Dinner na po tayo ka Foodies Bulanglang na Tabayag Tuyo at Tilapya May murang luya pa na pinisaan ng calamansing may asin Anong ulam nyo ka Foodtrips? Sana ay masarap din ang kain nyo kahit gabi na.Sa totoo lang tuwing gabi lang ako nakakaayos ng kain dahil ang breakfast at lunch ko ay laging sala sa oras tapos naabala pa ng mamimili.Hindi ayos ang kain kase minadali pero ngayon talagang masarap ang ikakain ko nito dahil may sabaw na gulay.Wala ng istorbo. Kain na po tayong…

@Gellihernz

Matutulog na sana ako nang maalala ko may natira pa nga palang Milka chocolate kaya yan inupakan ko habang nakahiga at nasaid ko pa nga.Himala ngayon lang yata ako nasarapan sa chocolates.Nasaid at naubos ko talaga sabagay kalhati na lang nman un dahil kinain na ng mga bata ung iba.Konti lang tinira nila sa akin pero para sa akin madami na ito.Pakonti konti lang kase ako kumain ng chocolates.Panghimagas lang ba kaya utik utik lang haha para di agad magsawa Ang labo ng…

@Gellihernz

Umorder ako sa shopee nito attractive kase at natuwa ako ipapasuot ko kay bunso.Alam mo yun kase mura kaya ganun may konting sablay pero hindi nman halata.Okay lang naman kase hindi nman na ako gumastos pa ng pamasahe at naabala para pumunta sa mall o sa bayan.Ginamit ko na lang ung free coins ko sa shopee tapos free shipping pa. May dalwang dress pa yan para sa akin at sa panganay ko.Tatlong items na damit sa halagang 250 lang.Alam nyo naman ako doon lang sa afford na…

@Gellihernz

KAMYAS (Kalamyas) Ang KALAMYAS ang pangunahing paasim naming mga Batangenyo lalo na sa sinaing na isdang Tulingan.Gamit ang Kalamyas na pinatuyo sa init ng araw lasang lasa mo ang linamnam ng sabaw ng isda na tinatawag naming Patis.Magandang labugin ang isda yung lutong luto at ang patis na mamula mula o brown ang kulay.Maasim at medyo may alat na nakakagana sa pagkain lalo na kaulam pa ang Lasunang sibuyas na maliliit na may dahon.Ang takaw ko ng ganoong sibuyas mga…

@Gellihernz

My own version of SOPAS Meryenda ko kanina 3pm now ko lang na upload tapos ngayon e gabi na...nakapag dinner na ba ang lahat..na busy ako kanina.Kinompleto ko modules dahil bukas na ang submission.Panibagong quarter na naman Nakakapagod pero bawal mapagod By the way ano naman midsanacks ng iba dyan,ako eto tamang kape lang.Gusto ko pa sana ulit ng Sopas kaso wala na eh. Yung sopas ko pala gawa gawa ko lang imbes na gatas sa lata bearbrand powder lang at hindi kumpleto…

@Gellihernz

Monday Morning.. How's your weekend Noisers? I'm pretty sure lahat naging busy lalo na ung weekend ang day off.Ako still working kahit weekend un kase ang malakas na araw para magbenta kase nga family day ang weekend. Friday ang off ko kinoconsider ko na din siyang weekend Since Monday na ulit ngayon,panibagong lingo na naman,palapit na ng palapit ang pasko.Need na mag ipon para sa mga inaanak natin.Excited na ang mga bata sa pagsapit ng Pasko Apie Monday...

@Gellihernz

"Biyi Biyi" ang sabi ng batang Maliit..maalam na din bumili kasama si ate Eloise.Ano kaya ang biyi2 ng batang ito.Nabigyan lang ng 5piso ng tita eh biyibiyi agad.. Tindahan pala ni ate sa Looban.Kahit paano nabebentahan pa din kahit paloob bahay nila sanay na din mga tao.Tsaka sila2 lang din nabili.Ang magkakapitbbahay dyan magkakamag anak lahat.Lahat ng anak ng Lola ko dyan nagbahay maliban lang sa isa kong tita napabukod siya pero dito din sa baryong ito.Sa bandang ibaba…

@Gellihernz

Malapit na oras ng aking pag uwi tapos pupunta uli ako ng Mabini sa bahay ni Nanay bibisita sa kapatid kong kulot.Noon byernes napansin lang namin na pukto mata nya at masakit daw likod nya.Kaya kanina pinacheck up na sa doktor hindi nag iba sa albularyo dahil namanas ang mukha nya.Siguro pang doctor talaga ang findings.Sabi high blood daw.Kapag high blood pala wala pinipiling edad at hindi lang pala sa matataba un kundi sa payat din.Sobrang nipis lang ng kapatid ko na yun…

@Gellihernz

Nabisita ko na nga ang kapatid ko.Mabuti naman ang laki agad ng pinag iba ng mainom ang resetang gamot sa kanya.Parang pinahid na uling lang.Humupyak agad ang kanyang pisngi at sumigla agad siya.Nawala agad ung iniinda nyang sakit ng likod.Jusko ang blood pressure 200/140 ganito ba talaga ang mataas na BP ako kase is low blood naman at anemic pa.Siya nman somobra high blood.Lahat kami hindi namin ineexpect na high blood siya kase sobrang payat nya at hindi talaga palakain…

@Gellihernz

Umagang Martes! Nakakapanibago..paggising ko wala ang dalwang makulit.Walang pumulas para mag cp kase bandang alas6 ngayong umaga kukunin ko na.Wala nga ang dalwa dahil nagpaiwan sa mga Nanay.Doon daw sila tutulog kasama ng pinsan nila sa bahay ni Ate dahil lumuwas asawa nya.Wala siya kasama sa pagtulog kaya puro pamankin 3 babaysot at isang lalaksot.Doon nman siguro nagkulitan mga un..Ngayon lang ulit napahiwalay sa amin ang dalwa eh.Andto na ako ngayon sa tindahan at…

@Gellihernz

Mag 11 na pala.Iluluto na ulit ng mga may lulutuin.Ako nama'y walang malutong ulam kaya no choice kundi noodles or de lata puro instant food muna.Kakatamad magluto kung alam mo naman wala kang lulutuin :)) Ang gastos naman kung lagi na lang order.Ang tyan ko kase ang bilis magsawa sa pagkain.Pwede naman bumili lutong ulam pero iyon at iyon din.Iba talaga lasa kapag sariling luto mo.Hindi tinipid.Ung bili sa labas parang may sumting na kulang...Syempre mahal rekados kaya…

@Gellihernz

Thank you mga Sissy kahit hindi nyo ako kilala or kahit hindi ko kayo kasama sa channel..nagsi share kayo sa akin.Kapag po may ganyan na natutuwa siguro sa post ko o nagustuhan.Hindi nyo alam kung gaano nyo ako napapasaya.Sobra ko po naaapreciate ito mga sissy.Naway umaapaw at liglig ang ibalik sa inyo.Bawi na lang ako pagbisita sa mga account nyo po Mam @Frevilyn and Mam@Pibyang27

@Gellihernz

Finally kumpleto na din kaming mag-anak na magkaroon ng National Id.Nauna na kaming mag asawa noong July pa tapos ngayon schedule naman ng mga bata.Nakasalang na ung mga id namin sa computer wala pa nga lang ung mismong Id.Sabay sabay na sigurong ipapadala.Yan si bunso lang napicturan.Takot sa camera ung isa kong anak ayaw papicture.Palibhasa si Daddie ang sumama sa kanila dahil nasa trabaho ako... ayan tuloy basta na lang tapos nakapambahay pa.Pero konti lang nman tao…

@Gellihernz

Morning Squadmates! Na late ako ng pasok ngayon Nanaginip kase ako ng tungkol sa baby nanganak daw ako at feel na feel ko talaga...kaso sa panaginip lang uli ako magka baby hehe..Nagising na ako bigla ng kakargahin ko na ung Baby Anong petsa na.. tanghali na pala 6:15 na ng ako'y magising kaya un pandalas si Inday.Wisik wisik lang hindi na ako nakaligo pero nagpunas na lang ako madali. Mabuti na lang trabaho lang talaga obligasyon Ipunaubaya ko na sa asawa ko ang obligasyong…

@Gellihernz

Happy lunch guys Yehey may sabaw me ngayon Mapapadami din ng kain Pero di ko ito luto,bili ko lang sa labas Buti na lang hindi ako naubusan ng TinolangManok Isa din ito sa paborito ko Basta talaga sabaw maasahan ako kaysa mga sarsang ulam Sabayan nyo na po ako magtanghalian Exactly lang naman ang oras na ito sa tanghalaian ko.Ung normal na tanghalian para sa akin ay 12-1pm Kaya Tara Eats...

@Gellihernz

Ito ung kasama ng jogger at crop top na binili ko kay bunso.Dress sa akin at sa panganay ko pero ang nangyari akin pareho.Ayaw ni ate ung white gusto din e jogger.Di ko naman talaga inorderan siya kase pang bata un.Nagpapa order tuloy sa akin ng mga crop blouses.Sabi ko next time kapag may budget na ulit.Mura lang naman ito eh 49 pesos lang ang isa.Ang mura talaga sa shopee.Okay na ito pambahay ko lang naman.

@Gellihernz

Good evening everyone! At time moment Midnight snack Palabok galing sa berdeyhan Sabayan ko na din ng kape pampatulog ko Anong snacks nyo dyan sa pwesto nyo? Nag dinner na ba kayo? Kung hindi pa aba'y gumagabi na po Isabay nyo na lang po habang nanonood kayo ng tv sa bahay nyo o kung nag ccp kayo isabay ang pagkain para enjoy scrolling,enjoy watching while eating.Huwag lang po dadamihan kase gabi na po

@Gellihernz

Bulaklak Magandang masilayan ang bulaklak ngayong umaga.Kulay Lilac kumpulan sa dami at kahali halina.Inakit na naman ang aking Mata napicturan na naman mga tanim nila. Sa harap ng bahay ni Ate ko ito nakita.Balak ko din magtanim o kaya magpabuhay na lang sa kanya.Sila'y malalamig ang kamay lahat sila doon.Si Nanay si Ate at mga tiyahin Sabi nga nila ako'y taga picture lamang.Akoy may mga tanim din pero hindi kasing yabong ng kanilang tanim.Isa pa asawa ko ang nagtanim.Siya…

@Gellihernz

Nag change DP anak ko sa facebook.Parang kaylan lang baby pa siya ngayon dalaga na talaga siya.Ang dami ka chat na mga kaklase at kaibigan nya dati.Ung ibang virtual nakilala lang din online.Okay lang naman basta hindi nya napapabayaan pag aaral nya.Tsaka hindi nya pina private account nya.Alam nya naoopen ko.Payag naman siya.Hinayaan ko lang kung may crush siya.Normal lang naman un sa teenager.Basta may limitasyon lang.Gustong gusto na din nya mag face to face kase nai…

@Gellihernz

Ako ay uuwi na 30minutes na lang Bukas byernes walang pasok Araw ng laba,araw ng pahinga Parang may espesyal na araw bukas bukod sa day off.Birthday pala ng aking bunso. Wala naman ako lulutuin tinatamad ako,oorderan ko na lang siya ng jollibee yun lang din naman request nya.Happy na daw siya don. Hindi muna kami papasyal sa bahay ni Nanay Mag stay muna sa bahay kase birthday dapat sa bahay lang.Pero kung pwede na mga bata sa Sm or Centro Mall sana ay nakapasyal

@Gellihernz

11/11 Add to cart lang ito kanina eh.. anyare bakit may notifs confirmation na. NaCHECKOUT ko pala..aruy jusko!!! Sayang kase ang mga discount.. Nag promise din ako kay Ate na bibilhan ko siya ng crop and top pero bat ang dami... Alam na this kadamay na AKO..Di naman kami nagkakalayo ng size eh Pero infairness mga order ko is cheapest prize lang..Magagalit na naman si Hubby nito..expenses na naman.Para pambawi yan binilhan ko din siya ng short at underwear. Kumusta ang 11/11…

@Gellihernz

A cold Friday to everyone This day is special day because my dear bunso is celebrating her 11th birthday.I dont know if I can cook later or maybe I just order jollibee to grant her request.The kid was happy on that simple thing also spending time today.In a simple way like now using my cp she was so happy.Happy birthday to you my dearest bunso.Wishing you all the best.Stay kind and still have Faith to our Almighty God.Be thankful in another year he gave to you.God bless you…

@Gellihernz

Hindi na naman nakisama si signal.Ayaw pa upload ng picture popost ko lang sana moments ni Bunso ngayon birthday nya pero ikot lang siya ng ikot.Try ko na lang ulit mag upload siguro mamayang gabi baka pamaya me makahanap ng tyempo.Saglit lang na meeyendahan ngayon wala na ubos na si Jollibee at Pansit.Isang kilo lang naman kaya saglit lang talaga un isang bagsakan lang pero okay lang ganitong handa kaysa bonga nakakapagod kaya magluto at maghugas ng plato at pababalik balik…

@Gellihernz

Happy si Bebe wish granted si Jollibee plus 1kilo pansit para sa mga tito tita kaNeighbors Naidaos din ang birthday,nagkasya din naman ang pansit.Isang tawagan lang pagkaluto.Kami kami lang naman dito.Natatawa nga ako wala na talagang serving bowl sa kawali na talaga inupakan.Okay lang naman ganito .Ito ung tinatawag na handang basta na lamang. Hindi ko ma upload talaga ung Pansit at tumpukan sa aming Mangga Ito lang dalwang picture ang kinaya

@Gellihernz

Simpleng kainan Sa loob mga bata masaya na sila kay Jobee Sa labas matatanda simpleng meryendahan lang ng pansit juice at tinapay.Malamig sa manggahan masarap tumambay dito.May dalwa ditong duyan ang taling duyan at ang kahoy na duyan.Tagal namin tambay dito inabot yata ng alas5.Pagkatapos nun hiwahiwalay na magluluto naman sa bahay nila.Hindi ko na naimbita sila ng hapunan sapagkat kapos na ako sa budget haha

@Gellihernz

PANCIT VS. JOLLIBEE Ofcourse! For Kids Jollibee is the best Adult is for Pansit Ending simot.. mga Bata naghanap pa din ng Pancit Softdrinks or Juice Softdrinks for kids Juice for Adult Ending Water na lang sa akin Palamang ko na lang softdrinks at juice sa kanila tutal sinusumpong na naman ako ng UTI ko.. pero Kape hindi ko maiwan...

@Gellihernz

Hey Squads kumusta kumusta? Ako nabusy kahapon kahit day off.Hindi ako nakatanghali ng gising pero di nman din sobrang aga 6:30 am nagising kahapon.Ang ingay sa kapitbahay eh ang lakas mag sound.Feel na agad ang pasko.Okay lang din nagising ako maaga kahapon para maaga natapos gawain then maaga ko na greet bunso ko kase nga kaarawan nya kahapon. Busy din araw ko ngayon bat ang dami customer ngayon.Naguguluhan tuloy ako kyng sino at ano unahin ko.Ayos lang basta produktibo…

@Gellihernz

What a tirey day again! May times talaga na sobrang okupado How I wish pag uwi ng bahay ay pahinga na lang pero may mga gawain pa din na nag aabang.Bawal naman mapagod kase kasama na un sa buhay.Makita ko pa lang ung modules tambak sa table naistress na ako.Hindi na ako nasanay.Okay lang naman kaso kareretrieve lang nung tuesday ng last quarter bat naman ung week1 ngayon second quarter isusubmit na agad sa Monday.Si bunso isa pa lang nagagawa.Nag try ako magsulat ngayon,sa…

@Gellihernz

Sunday Now is Sunday Good morning...Good day... Nakikinig lang ako ng Mass sa radyo ngayon. Hindi na makapagsamba.Pray na lang ng taimtim sa isang lugar na tahimik kapag nag iisa o bago matulog.Thank you Lord nasilayan na naman ang bagong Umaga Salamat sa paggabay sa akin at sa lahat ng aking mga mahal sa buhay.Wala ng mahihiling bukod tangi sa kaligtasan ng buhay na iyong ipinagkaloob sa bawat isa sa amin.Patawad at Salamat Ama.Sa iyo ang aming Papuri.Amen

@Gellihernz

Iniwan nga pala ito ng ahente sa akin.Noong dumaan siya kamakailan meron pa akong stocks.Iniwan nya na lang itong print ng products nya.Ngayon konti na lang kaya itetext ko siya para omorder nito.Hindi pa din dumaan isang ahente na kinukuhanan ko eh kaya sa kanya muna oorder.Nabuklat ko lang ito sa record book ko.Noong isang lingo nya pa ito iniwan sa akin.Sana mag response siya pero kung hindi okay lang din naman.Madami namang agent na napapadaan kanya kanyang agency pero…

@Gellihernz

KAMATIS Kumain ng kamatis ng gumanda ang Kutis Totoo po yan pantangal yan ng tagihawat May kakilala ako effective sa kanya ang kamatis.Kaya nawala tagihawat nya.Imbes na kung ano anong panlahid na may chemical kamatis ang ginagamit nya.Kamatis lang daw ang humiyang sa mukha nya.Aside sa maganda ito sa balat masarap din itong kainin.Masustansya pa. Lagi itong kasama sa sangkap hindi dapat mawala ang kamatis Sibuyas at Bawang sa bawat lutuing Ulam

@Gellihernz

Mabagal na ulit makaipon sa ngayon pero Go pa din kay noise.cash.Importante nag eenjoy tayo dito sa pagbabahagi ng moments natin.May nakakainteract tayo na ibat ibang klaseng tao.Nakakapag suggest tayo,nakakapag advice in a nice way or even hindi maganda sa ating pagkakabasa..atleast malalaman mo din ang mali kase wala naman talagang perfect.May times na ung ibang comment accept mo at may ibang comment na di mo gets or parang na offend ka pero pareho sila nakakatulong sayo…

@Gellihernz

Roblox Morning and Noon routine ng Bunso ko.Tuwang tuwa siya laruin ito online games kalaro mga pinsan nya.Parang robot lang na pinapaandar nila.Kung gusto mag swimming langoy sila,nagduduyan,tumatakbo sumasayaw o kahit ano pwede nila gawin.Nabibihisan at naayusan nila ang #Roblox Connected sa mesenger parang ML or COD lang pero ito relate na relate sila kase mga bata sila.Feeling nila sila un character na Robot

@Gellihernz

My Model I seen these pictures in my phone I am proud...I think I have a future model someday.She's wearing off shoulder blouse with a sling bag.She acts like a young model.I admire her.She's looking like a Korean or Chinita girl.Nakaka flattered na marinig sa karamihan.Shytype nga lang siya..silang dalwa ng Ate nya.Sayang hindi Bibo pero proud pa din ako sa kanila.Hindi showie sa iba,sa amin lang pinapakita pagka Bibo nila I am looking forward na ma enhance nila ang pag…

@Gellihernz

Super busy ako ngayong araw Squadmates Solo na naman kase hindi pumasok isang kasama ko dito kaya lahat akin na talaga.Sumasabay ang bayad center sa mga bumibili.Nakakalito kaya nagpila na sila.Tapos sisilip pa ako dito sa cp ko sa extra income ko dito dapat mapunan ko lahat at makapag log in man lang sa task.Pag uwi pa namam ng bahay may nakaabang na agad sa cellphone kaya gabi na uli makapag cp kaya laging napupuyat hinahabol ang lahat ng task sa earning sites.Sayang eh…

@Gellihernz

Evening all... Done week 2 modules Drain na talaga utak ko.Puro na lang palaisipan.Buti kahit paano gumagana pa haha...Like now,ano na naman ba ulit ang ipopost ko.Actually kapag wala me photos na maishare dito, ganito na lang kwento2 ng mga bagay2 malungkot o masaya man.I made it this platform as my simple diary notes. Bahala na kayo sa kwento ng buhay ko.Salamat sa pagtityaga sa pagbasa o pagpansin sa sharing moments ko dito. Love you all guys!!!

@Gellihernz

Ito naman ang menu ko ngayong patanghali dahil sagana ako sa kamatis kaya yan #ginisangKamatis Igigisa ko lang yan sa sa sibuyas at bawang tapos ulam na.Pipiratin ko ang kamatis kapag luto na.Bubudbudan ko ng konting asin at ajinomoto tapos yun na yun luto na Kayo ano menu nyo ng breakfast at lunch?

@Gellihernz

Sumasakit ang ulo ko...Iniisip ko ung tanong na nakaka pressure.Masyadong personal,hindi ko na sasabihin.Ang sakit sa ulo isipin lalo at alam mo sa sarili mo na wala ka naman kasalanan o ginawang masama para sa bagay na un.Hindi man direkta ang pagkasabi e ramdam mo na sayo hinahanap. Bakit ganun sila..maaring may mali lang ako o nalito.Ilan kase ang minamanage na involve sa bagay na un.Iniisip ko ung kulang baka doon napunta.Kaya eto doble balanse ako sa lahat ng…

@Gellihernz

Finally nahanap ko din ang sagot sa pressure na tanong kanina.Na over nga pala sa isang transaction.Oh ano panatag na loob ko pati sila.Naalala ko may nagpapalit din nga pala ng coins 3k din un..Ulyanin na eh.. Nakalimutan dahil naunahan ng kaba Uuwi na ako Squadmates..Magandang hapon Happy na ulit si BagetsMomshie

@Gellihernz

Ang mga bata nag milk tea kanina kahit malapit na maghapunan kaya pala nawala at ang tagal bumalik.Napaos na si Nanay kakatawag.Sumaglit pala ulit kami kanina sa bahay ni Madir tapos yan nagkayayaan ang tatlong magpipinsan na mag milk tea dahil mura lamang at malapit lang.39 pesos ang isa mahaba na ung baso pwede ng hatiin sa dalwa.Sa iba kase 99 pesos ito kaya napasugod naman sila.Kung kailan kakain na saka naisipan mag milk tea kaya tuloy konti lang ang nakain nilang kanin…

@Gellihernz

Nag selfie talaga ang magpinsan sa milkteahan.Tuwang tuwa dahil pinicturan daw sila doon dahil customer daw sila.Naglakad lang sila papunta doon at inabutan ng gabi.Inip na kami kakahintay un pala enjoy sa selfie ang dalwa.Tapos sobra saya ni Bunso dala cp ko,nag voice record pa na pinipicturan sila doon at nagselfie din sila dito sa cp ko.Hindi sumama Ate nya kaya sayang saya siya magkwento pagkadating.Uulit daw sila bumili dahil mura lang at gusto daw nila uling picturan

@Gellihernz

Sugpo o Hipon? Ang Sugpo ay malaki Ang hipon ay maliit Baka ang tawag dito ay "Sugpon" charrr Yan ang ulam namin noong isang araw Ngayon ako'y natatakam na naman dyan sa sugpon na yan Baka sa day off ulit maulit Kumusta pala ang lunch nyo,ngayon ay meryendahan na pero akoy katatapos lang magtanghalian makalipas ang isang oras Ps.Wala picture.Ayos na ang caption pero hindi ko ma upload ang photo..still loading kaya yan napost ko na lang bigla

@Gellihernz

Until now I cant upload picture so that's why another thought from me.I can't believe I can save my posts now haha.Maybe I'm more busy,and trying little bit in posting and this is it the result.Nothing change.From little to more post,still my wallet remains the pendings.Even it's not like before which is higher still I am thankfull to Noise.He still loving me.How Great and Blessed I am..No words can say to Noise just THANK YOU! Goodnighty all Noisers!

@Gellihernz

My 11.11 arrived yesterday This is it.. Kailan ko kaya ito masusuot.Naka hang ang pusod at tyan ko sa ternong crop top na ito.Mukhang namang hindi ako lalamigin kapag sinuot ko nyahaha. Tigisa kami ni Ate pero mas fit yata sa akin kaysa sa kanya.Payat kase xa.Payat din ako pero malaki naman balakang ko .Siya hindi pa masyado curve ang katawan dahil babago pa lang nagdadalaga.Mabilis lang naman panahon pamaya sa kanya na lahat ito fit Magandang Morning!

@Gellihernz

Tsambahan lang talaga makapag upload ewan ko ba sa network ko Ipopost ko sana ang ginisang itlog na may kamatis.Walang ubos na kamatis hangat meron akong kamatis ay lagi akong may ulam Well matakaw naman ako ng kamatis.Ilang days na nga un ulam ko pero hindi ako nagsasawa.Kapag hindi pa naman namula ang kutis ko nyan eh.. Ano naman kaya magawang luto sa kamatis mamaya? May naisip na ako igigisa ko ulit ang kamatis at iluluto ko naman ang Ernies Bagoong Naku masarap na din…

@Gellihernz

Patambay po Pilipinas First time ko mag post dito Kumusta po kayo? Kung ako ang tatanungin nyo ayos lang naman ako.Nagtatrabaho habang sinasabay po ang platform na ito.Pwede naman ako mag celpon dito dahil Mini Store lang naman po ito Sa ngayon patay na oras.Malakas lang po bentahan sa umaga at sa hapon kapag malapit ng magsara saka dadagsa sila mga mamimili. Magandang hapon po pala ka Pilipinas

@Gellihernz

Isang picture lang napost ko kaninang Umaga nakatsamba lang.Ngayon wala pa din pero okay lang.Magtipid na daw ako sa post ng mga photos.Magkwento na lang daw ako.Aba madami dami na din akong naisave na mga pictures.Babawi na lang bukas o subukan ko pa din pamayang gabi.Sabi nga try and try until you succeed.Ayaw ko na mag screenshots napupuno na gallery ko 30 minutes left makakauwi na.Excited na aketch kase day off bukas pero wala plano stay put lang sa…

@Gellihernz

I miss the flowers This plant is owner of my Auntie but the picture is mine What do we call this plant?Dont asked me coz I dont know the name.I try to take a picture of this light violetpink flower.Sorry I am trying hard photographer.All my Aunties were allowed me to take a picture of their caring plants.They were proud to endorse the beauty of their garden.And they said "Sell their plants". I said" okay" if there's someone interested..

@Gellihernz

Byernes! Aba'y wala pala akong pasok Ngayon lang nakabisita,tinapos muna module ni Bagets.Nahirapan ako ngayon eh weekly na ang pasahan.Mas gusto ko ung dati na one month tapos sabay2 na.Hindi ung lingo2 e magpapasa naapura tuloy ako na kailangan may masagutan per week.Takaw gasolina pa pagpunta skul ng linguhan.Mas okay na nga ung buwanan,iniba pa sistema Wala naman ako magagawa kundi sumunod Sige maglalaba muna ako.Maya na ulit ako bisita dito

@Gellihernz

Magandang Hapon.. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng araw.Napagod yata ako sa paglalaba.Humiga lang ako para mag rest di ko namalayan nakatulog pala ako.Ang tagal ko na hindi nakatulog sa tanghali.Ngayon lang ulit naulit.Ang sarap ng pakiramdam ko.One hour din yata ako nakatulog Tama paggising ko ngayon nagugutom naman ako.Tara magmeryenda kape at biskwit.Buti na lang meron dito sa bahay May gagawin pa nga pala ako.Aayusin ko naman mga damitan namin.Sobrang gulo na,mga bata…

@Gellihernz

Evening all... As usual I cant upload...sayang naman ang pics ng foods,orders and selfies,naka save lang sa gallery ko.. I upload ko sana ung niluto kong kalabasa May mga talbos at bulaklak ng kalabasa toppings noong paluto na For me,Yummy na un!!! Ano ba dinner dishes natin dyan kaNoise? Bagsak nyo nga ng matakam ako at mapag-aralan ko din lutuin next time

@Gellihernz

Hagya pa nag selfie ang Dalaga ko kung hindi pa kailangan sa school hindi magseselfie eh.Takot na takot sa cam.Parang Papa nya lang.Walang wala kay Bunso Bawat anak may pinagmanahan eh.Ito ang kamukha ko sa dalwa kong anak pero ang ugali nya sa kanyag Papa nya nakuha. Tahimik lang at mahiyain ga.Si bunso naman ang kamukha ni Papa pero ang ugali sa akin naman nakuha.May pagkaarte ng kaunti at medyo may pagkamaldita.Pero hindi din siya masyado Bibo slight lang. Parehas pala…

@Gellihernz

My Mood Morning guys! I'm not feeling well Bukod sa puyat hangang ngayon ang sakit pa din ng tyan ko.Sinisingil na ako sa sobra kong pagkakape.Nagising na lang ako kaninang madaling araw mga 4am siguro un dahil sa sobrang sakit ng tyan.Hindi ko maintindihan kung ano magandang pwesto.Kahit antok na antok pa ako hindi ko magawang matulog dahil sa sobrang sakit ng tyan at likod ko.Dumapa na ako't sukat sa unan pero sobrang sakit pa din hangang sa magliwanag na.Ngayon pinilit ko…

@Gellihernz

Kalabasa Kumain ng kalabasa ng luminaw ang mata Kasabihan,sinusunod ko naman.Sobra nga linaw ng aking mata kase big eyes ako lalo na nung bata pa ako,buti nga ngayon medyo nag iba na,hindi na daw dilat na dilat Okay sana kung matakaw mga mga Junakis ko eh kaso sapilitan lang sila pakainin ng gulay kaya naman mga payatin ang figure nila.Pero hindi naman basehan ang taba o payat para masabing Healthy diba? Ang alam ko basta hindi nagkakasakit,healthy un.Meron kaseng bata na…

@Gellihernz

Lukban (Suha) Kain tayo ng maliit na lukban Nakuha sa puno sa gilid ng aming bahay.Kahit maliit ang bunga pero hinog na siya.Tumikim lang ako dahil kulang pa sa anak ko.Matakaw siya nito eh tapos sinasawsaw nya sa sukang may asin.Sa sunod ung malaki naman ang kukunin ko para mas masarap at mas matamis.Syempre mapula din ang kulay para mas katakam takam tingnan

@Gellihernz

My Status As of now nilalamig ako dahil ba may konting ulan o dahil siguro may infection na naman ako sa loob ng aking katawan.Ganito ako kapag sinusumpong ng UTI giniginaw ng walang dahilan..Nilalamig at balot na balot ng kumot.Nawala na ito sa akin dati eh pero ngayon sumusumpong na namam.Umulit din ang pagsakit sakit ng tyan ko at likod ko tapos naduduwal ako na hangin ang nilalabas.Ang sakit sa sikmura,nakakapanlambot at panghina.Mabuti na lang kanina lang umaga nangyari…

@Gellihernz

Morning! Happy Sunday ! Happy Mass Day! Nakikinig na lang ulit ako ng Misa sa radyo Sa ganito paraan makapag interact naman kay Lord.Bukod sa sariling prayers iba pa din marinig ang musika mula sa simbahan.Mga awit at tugon sa Pari na iyong isasabuhay. Salamat Lord, panibagong Umaga na naman Panibagong Pag-asa Musta kaya anak ko,maaga pumulas para mag church,niyakag ng kalaro nya,mas nauna pa gumising sa akin.Pulas din sa pagligo. Mabuti na lang may malapit na Christian…

@Gellihernz

#Happy6MonthsaryNFSFG Yehey 6months na ang Channel tapos 3months ko dito kay Noise 3months ko din sa TG Sarap naman lagi kakwentuhan mga Kaingay dito lalo na sa TG lagi ng may mga lapagan ng pagkain at alak at may Happy hour pa kwentuhan at buhay na buhay naman sa Topic ang lahat... Anyways thanks to all moderators: Sir@AyaMedel Maam@Kaytlyn Maam@Shellyberry Kumusta na po ba kayo? Busy po yata ang mga mods Paramdam na po,Miss na po namin kayo...

@Gellihernz

Sinukat ko ang order ko ternong crop top Feeling ko lalo akong pumayat sa damit na ito Nag picture lang ako,medyo malabo kase gabi ito kuha sa loob ng bahay namin. San pa ba? Alangan naman mag pictorial ako sa labas ng bahay.Nakakahiya naman sa mga taong makakakita.. Ganyan pala siya...Lalo na akong naging Petite tingnan.Makakaya ko kaya itong irampa sa labas ng bahay kung sakali man may puntahan ako? o tamang sukat ko na lang dito sa loob ng bahay.. May isa pa terno sporty…

@Gellihernz

Grabe naman si Mareng Google at Bes GCash kinuhanan ako ng 260php.Pasaway na bata may binili sa online games na Roblox.Kanina lang nagnotify,akala ko na unsubscribe ko na sa playstore ko..need pa din pala icancell sa Roblox app.mismo kaya akala ok na cancel subscription sa google hindi pa pala .Hindi ko inopen Roblox nya kase akala ko okay na un...un pala umulit uli ang text at agad kaltas.Sayang ang 260 petot.Uninstall na lang si Roblox kahit cute xa laro kaysa mamulubi…

@Gellihernz

Magandang bungad na text sa inbox message at email ni Bes Gcash...Yehey binalik ang 260 ko buti na lang maalam akong magkalikot sa phone ko.salamat naman narefund..unsubscribed lang pala both playstore at mismong app matic refunded pala.Buti pa si Roblox marunong magrefund pero si Tempo naku iniscam ung isang gcash no.ko.Hindi na nagsawa magtext ng payment.Buti na lang konti lang lagi laman nun,wala xa makuha 999 at 20 petot.Dalawa sinisingil nya puro unsuccesfull kase hindi…

@Gellihernz

Pork Sinigang Tara na magtanghalian Ito ulam ko sinigang na baboy.Tagal ko na di nakaulam nito ngayon lang ulit.Mahal kase ang kilo kaya once a month na lang kami mag karneng baboy.Mostly ulam isda,gulay or instant foods.Kapag minsan lang umulam ng masarap nakakagana kumain.Tsaka ganado ako magluto kapag peborit ko ang mga lulutuin.At may mga gulay na sahog naku enjoy ako magluto.. Tara na kain na habang mainit pa. Bukod pa sabaw sa kanin may bowl pa ako higupan ng sabaw.May…

@Gellihernz

Ang una kong touch screen phone year 2015 ko binili.Nahalungkat ko lang sa baul.Tinesting ko icharge nagana pa pala,nabuhay ko saglit pero namatay din.Nakita ko tuloy ang memories na picture dito.Kapag naka insert ung battery may ilaw hindi nawawala yan ang sira nya pati battery madali mamatay.Since may pinsan ako nagtatrabaho sa sm Cellphone Shop,ipapadala ko ito sa kanya bukas patatry ko kung magagawa pa.Kung matatangal pa ba ang ilaw at kung bagong battery lang ang…

@Gellihernz

May pang Awrahan na naman sa picture Dress naman ito maiksi lampas konti sa tuhod Black floral🖤 ang design maiba naman...lagi na lang kase ako si Pink.Sa Shopee ko lang din yan inorder Mura lang din 100php lang.Mga damit ko pinakamahal na ang 200+ hihi puro mumurahin lang mga damit ko.Mabuti na lang kahit mga mura lang minsan mukhang galante pa din ang awrahan Next time try ko din ifit ito para may souvenir ulit na picture Goodnight na po.Post muna bago matulog Antok na…

@Gellihernz

Noon at Ngayon Sweet bonding moments namin ni Bunso Dati cutie Patutie Ngayon Gandahan na daw siya Payat pa din pero tumangkad na My SelfieBuddy noon hangang ngayon Pero ngayon di na masyado kami nagpipicture Mas gusto nya mag Solo hihi.. Dalaginding na nga ih.. Minsan na lang kami mag selfie Ngayon lang ulit Dahil parehas kami nag Fit ng damit Morning po! Have a Blessed Tuesday to all of Us....

@Gellihernz

Malapit na uli mag lunch Isip na naman ng maiulam Meron dito isdang tawilis,may nagbigay Maiprito na nga lang Wala ng kamatis,naubos din ang isang kahong kamatis kaya hindi ko alam kung ano sahog kapag sinabawan.Ayoko nman lagyan ng sinigang mix.Gusto ko sana ipais na lang para may patis na malinamnam.Kaso walang tuyong kalamyas.Doon lang un masarap lutuin #pinaisnaisda or #sinaingnaisda

@Gellihernz

Alaaaa...loading na naman si Network No picture ulit...just a notes post again... Time to merienda na guys... Ano kaya makain ko dito Mag Yakult na lang ako with Sweetcorn mamiso so yum yum yum Ano meryenda natin dyan? Sarap sana mag lomi.Wala lang ako mautusan bumili.Sarado na kase ung sa likod dito Lomihan na kayang kaya kong puntahan.Nakakamiss ang Lomi

@Gellihernz

Yan Ulam ko kanina.. Ang dami ko nakain Bawas na yan sa picture.Kumain agad si Papito.Maaga kase un magutom kaya konti na lang natira sa kawali.For me at sa mga bata na lang yan tira.Buti kapag ganyan mga sinabawan isda or karne kumakain sila pero kapag purong gulay sapilitan talaga.Sabaw inuulam nila kapag gulay.Kumakain nman sila kase wala silang choice na ulam kaso hindi sila makakabulos.Mabilis umayaw sa pagkain.Pero kapag karneng nilaga o sinigang,tinola at pinaasiman…

@Gellihernz

Good Morning! Flower mood with this morning It was taller than me so that's why my capture is not good,but the important is...I can take a shot of this plant,one of my favorite in my Auntie's garden.It is interesting in viewing even you are so far.I'm the one viewer of her garden. As what I say...They have a lot of plants,they considered as their babies.How I wish to become of them who was light hand caring of plants. Whats your mood today Fellas? Hope everyone is like me Im…

@Gellihernz

Thanks to all of them the Generous People here at Noise.It's my pleasure! You've giving time and effort to notice my simple posts and comments.God bless you all and keep the kindness in your heart not only on me but also to others people here.THank you very much.Have a fruitfull day to us! @Jowelibee @Guinnevee @JLshub @Itchan @Kingjay7 sorry no screenshot coz the number of upload accepted is just 5photos only Special thanks to you Sir@AyaMedel You are one of the kind.Your…

@Gellihernz

How busy I am Hirap pag solo hindi magkaintindihan,di ko na nagawa umupo kaya nman puro varicose na ang binti ko,di na ko nakameryenda eh,di bale may pupuntahan nman kaming birthdayhan ngayon. Sana makakain ng madami Sige dito na ako sa aming bahay Maliligo muna at pipili pa ng damit na pang outfit

@Gellihernz

Quick Pasyal at Hometown Unang silip sa aming Bayan Agoncillo na Mayroon na din #Pailaw First time of this year nagkaroon na din ng Pailaw dito sa aming Bayan ng Agoncillo sa gayon ay maramdaman naman ang Diwa ng Pasko Malapit lang kaya kahit paano ay mayroong napapasyalan.Sa dami ng pagsubok na dinanas naming taga Agoncillo ngayon ay unti unting bumabangon ang aming Bayan.Pagkatapos ng unos na dinanas sa Bulkang Taal..pandemya naman ang kasunod,subalit ngayon ay unti unting…

@Gellihernz

Good mowning... Antok na antok pa ako Napuyat na naman si Inday.Ewan ko ba di ako dalawin ng antok kagabi 1:00 am na yata ako nakatulog tapos gising ng 5:30am.Hindi ko talaga kaya 5hours na tulog lang.Kapag ganun tamad na tamad akong bumangon.Kundangan lang at may obligasyon.Nagagalit si Hubby kase kapag ako puyat nadadamay din siya.Hindi din daw siya makatulog dahil sa baligwas ko.Magagawa ko e humahanap ako ng anggulo kung pano makatulog dumapa,tumagilid,tumihaya wala pa…

@Gellihernz

Happy 3rd Monthsarry sa atin Noise Yan naka 604 subs naman na within 3 months Salamat nakilala kita noise Salamat sa ikalwang lingo ko dito o bago sumapit ang ikatlong lingo na aking pakikitahak dito ay pinansin mo din ako.Noong una ay muntik na akong sumuko subalit noong pinatikim mo sa akin ang iyong yakap,ako ay nawili.Ngayon nga 3buwan na tayo,parang kaylan lang pero pakiramdam ko ay pagkatagal na ng ating samahan.Sana ay hindi ka magsawa sa akin at ganundin ako…

@Gellihernz

Hapon na ulit..nakakapagod...katatapos ko lang mag repack ng sugar.Ngayon magsalansan nman ako ng bagong softdrinks na papalamigin.Mamaya mag alas5 na at malapit ng umuwi.Excited na aketch dahil bukas ay araw ng pahinga.Pahinga nga ba? Sa pagkakaalam koy akoy maglalaba at irarush ang modules dahil bukas submission na nman ng isang week na lesson.Week 3 na finally.. Kahit per week ay mahirap lalo at hindi alam ang isasagot...

@Gellihernz

There's no more than FAMILY ever Our FamBam last night... My life my two Angels is the best happens in my life.They not Baby anymore... but for me they always be my babies.I still love and care tenderly.Maybe I'm not so sweet but knowing them and supporting them on what they wants is enough.My eldest is not showie to me..but she's always chatting on me.We're always chatting about her modules.I always command her to participate the activities in school and she did…

@Gellihernz

Morning to all...Ngayon lang nakabisita.Ang kalat pa ng bahay ko.Ni rush ko week3 all subjects sa module.Inuna ko muna ang breakfast bago ang lahat.Inaantok pa ako mayamaya after ko maglaba sigurado bagsak na nman ako sa kama nito.Ang aga pa lang pagod na agad.Mas pagod yata dito sa bahay.Katamaran layuan mo ako....Nakikita ko pa lang labada napapapikit na ako.Siya sisimulan ko na at madami pa gawaing nakaabang.Yahahayy bat kaya sinapian ako ng KATAMARAN ngayon

@Gellihernz

Hello...na busy ako dyan.Namiss ko kumanta kahit hindi ako namiss ng kanta haha.Dami ko na pala invite mention para makipag collabs kaya ngayon pinagbigyan ko na haha.10 duet yata ginawa ko ngayon bago na ulit ung iba.Hindi naman namaos ang boses ko nito.Keri lang libangan din.Pagkatapos ng ilang buwan ngayon lang ulit nakapag Starmaker.Natanggal na yata ako sa FamilyGroup na sinalihan ko dito pero okay lang.Hindi na kase ako masyadong active dito.Ngayon na lang ulit kaya…

@Gellihernz

Squadmates kumusta ang araw nyo? Ako natambay ako sa kantahan kanina kaya na full memory na nman ng gallery ko.Aside sa pictures at video nadagdagan pa ng song record at malakas din sa mb kaya delete delete na lang ung ibang photos at videos.Stay put lang ako sa bahay pagkatapos ko maglaba pero imbes navmagpahinga o matulog un nga tumambay ako sa kantahan.Hindi ako inagawan ng anak ko sa cp dahil naglaro siya sa labas ng habul habulan at tagu taguan.Mainam din nman na ganoon…

@Gellihernz

Whats up! Sabi ko na after ng Day off sigurado super busy kinabukasan.Ngayon na nga abalang abala si Inday.Ngayon lang unang post ko ngayon araw dapat kanina pa 7am may post na ako kaso inuna ko muna ang tambak na trabaho bago humarap dito.Kapag napaharap na dito ang hirap na umalis.Ang dami ko na hindi nababalikan dahil sa kabusy-han.Huwag nman sana magtampo ang iba.Hindi na din makareply sa comment ng iba.Pasensya na.Babawi ako basta lumuwag lang ang oras ko. Happy…

@Gellihernz

Kawawa naman ang halamang ito binutas butas ng Tilas ang dahon pero ang dami pa din bulaklak.Ang hahaba at ang pupula.Naririnig ko Alagaw Pusa tawag dito.Tama ba ako? Baka kaya ganun tawag dahil mabalahibo parang dahon ng alagaw mabalahibo din.Akala yata ng Tilas kapwa nila ung bulaklak dahil mabalahibo at naglawit sa tangkay haha.Baka akala nila GiantCatterpillar ito na ay magandang kulay. Tanim lang nman yan ng aking Mother sa gilid ng bahay nila.Ang sukal na ng paligid…

@Gellihernz

Mukhang mataas ka Gumamela Hirap na naman akong kumuha ng tamang anggulo sa pagpicture sayo o sadya bang maliit lang ako,kahit sa mga halaman ay aabot abot.Nakakatuwa naman ako hindi na lumaki buti pa ang halaman tumatangkad samantalang ako mukhang wala ng Pag-asa.Kahit na taon taon tumatalon ako para daw tumangkad pero hindi na tumatalab haha para lang yata sa mga bata un. Another Flowers of my beloved Mother

@Gellihernz

Morning orders galing kay Shopee Not for me,not for Kidos Kay Hubby naman... Dapat siya din meron hindi palaging ako lang o mga bata lang ang meron.Dapat lahat para all happy. Nawiwili na akong mag online shopping Naaadik na...di naman kapag nakakaextra lang or may magandang profit kapag naka extra si Hubby ko binibgay nya nman sa akin lahat kaya yan minsan minsan nakakaorder o napapadalas na yata.Oks lang nman po yan kase lahat nman po yan discounted at mura lang.Hindi nman…

@Gellihernz

Nilabong itlog na may Kamatis Tanghalian ko..Tara na po kumain.Ayos din nman kain ko.Busolve na din Pansin nyo ang dami ko lagi serve na ulam kahit ako lang kakain dahil mas matakaw ako mag ulam kaysa mag kanin Squadmates kain na din kayo.Huwag magpalipas ng gutom ang nag iisa nating tiyan.Punuin at lamnan ng sa ganun tayo ay masigla sa anumang gawain natin

@Gellihernz

Namiss ko lang ang pamangkin ko Baby Gabin na laging masungit sa Tita.Akala ko umuwi kayo kina Nanay pumunta kami nina Ate kase birthday ni Ninang mo kaso di pala kayo umuwi dahil wala kasama mga pinsan mo dyan bata sa bahay ng Mama Lola mo dyan.Bukas pa pala kayo uwi...baka kami nman ang hindi makapunta kay Nanay.Ilang araw na ako hindi gumawa ng modules kaya bukas pag-uwi ko doon ko ilalaan ang oras ko.Pass muna sa lakwatsa.Baka nman magtagal pa kayo dyan.Baka sa Friday na…

@Gellihernz

Morning Squads ! National Vaccination Day ngayon Ang daming Tao sa Plaza para magpabakuna Pinag iisipan ko na nga kung magpapabakuna na ako.Natatakot pa din kase ako sa magiging resulta pero madami na nman bakunado na naging maayos nman ang result. Baka next time or next year siguro papabakuma na din ako sa ngayon kase alanganin pa din ang isip ko

@Gellihernz

Maraming salamat po pala sa mga taong ito na nag-abalang mag share sa akin.Nakakatuwa ang new update ni noise.cash although hindi na daw ito bago dahil dati pa man daw ay ganito na ang sistema.Pero para sa akin ito ay bago pa lang dahil ngayon ko lang siya naencounter.Natutuwa naman ako dahil kahit paano pala ako ay nabibilang din sa mga gusto nilang bigyan ng kanilang biyaya galing kay noise.fund.Hindi man ako napili sa new update na para ako ang mismong magbahagi pero okay…

@Gellihernz

Patambay muna saglit.Nakakapagod at nakaka stress.Nag aral na ulit sa modules ng aking grade5.Kakasawa na mag aral at magsulat kundangan lang at magrereflect sa student at sa parent if ever walang nagawa nakakahiya.Anyways that's the nomal lifes of some Mommies ngayon and I really admire sa mga Mommies na hands on mag tutor sa mga anak nila kase definetely I'm not...Bumabawi lang ako sa written,pero discussion never ako talaga nagturo ever since.Wala sa vocabulary ko.In my…

@Gellihernz

Morning Food Trip Let's take our breakfast before anything else Maubos ko kaya ito? Or maybe kung hindi man e pang lunch ung iba.Baka ang maubos ko lang e itong nasa plato at ung dish na isda pang lunch ko na lang.Reserve ko na nga para may ulam sa tanghali #mixeddishnatigkonti Pinadalang ulam ni Madam iba-iba pero konti kaya hati-hati.Ung isda binili ko lang sa carinderia.Mas pinansin ko bigay ni Mayora kaysa sa binili ko.

@Gellihernz

Padaan Pilipinas Pinoy Tambayan! Flex ko lang ang eyeglass na binili ko through online shop ni Shopee app Guess what 29php lang yan.Naka sale kaya ayan na naman nag purchase na naman ni Inday Cute lang pwede na din pang rampa, na pang accesories sa mata.Eye protector kunyari haha...mukha din namang classy eh Ohhh tanghalian na pala.Wait kakain muna ako mag 12:30 na pala.Kayo po kain na din po kayong lahat buong Pilipinas

@Gellihernz

May bago na ulit alaga si Papito Mahilig talaga sa Manok Buti nga ngayon ganitong manok at hindi na Tandang na panabong.Dati un alaga nya at laging himas noong normal pa,noong wala pang pandemya pero lahat nabago.Nawala ang aliwan nyang Sabong na nagpapasaya sa kanya dahil sa pandemya.Sunod sunod na pangyayari ang hindi inaasahan.Sinimulan ng pagsabog ng aming Bulkang Taal na nagdulot sa kanya ng deppression dahil sa pagod,pag iisip kung paano ang sunod naming pamumuhay.Noon…