KAKAIBANG MISTERYO Makalipas ang 28 Taon... Tandang tanda ko pa noong ako ay bata pa nakatira kami sa ilalim ng bundok.Sa lugar na malayo sa kabihasnan.Baku baku ang daan magkabila ay lagnasan.Mula sa itaas na may ilang kabahayan lalakbayin pa ang pailalim na daanan papunta sa aming Bahay-Kubo.Tahimik ang lugar na ito.Ang tanging maririnig mo lamang ay mga huni ng ibon at ibat ibang ungol ng mga hayop.Tatlo lang bahay ang nasa ilalim.Una ay sa aking tiyahin sumunod ang sa amin at pangatlo naman ang bahay ng Lola ko.Nasa gitna ang aming bahay pero medyo malayo din ang pagitan mula sa mga bahay nila.Ang likod ng bahay namin ay lagnasan at Bangin.Tanging kuliglig lang at huni ng kwago ang iyong maririnig pagsapit ng gabi. ISANG GABI... Nakahiga na kaming lahat ng Nanay at mga kapatid ko.Mga bata pa lang kami noon.Siguro nasa lima o anim na taon lamang ako.Wala noon ang Tatay ko dahil nasa luwasan siya sa Maynila.Doon siya naghahanapbuhay para maglako ng tsinelas. Tulog na nga silang lahat at ako nga ay mulat na mulat pa nang mapatingin ako sa aming pintuan.Mababa lang ang aming bahay at may maiksing hagdan kawayan..May nakita akong ANINONG ITIM..Hindi man lang ako natakot na tingnan ito.Ang buong mukha nya at katawan ay kulay itim.Baka tao lang iyon sa isip ko pero yung itsura nya ay kakaiba purong itim siya.Hindi ko nga makalimutan ang kanyang itsura.Yung nakikita nyo sa mga horror Movie.Masasabi ko na hindi talaga yun isang Tao.Imposible dahil wala din akong maalala na nagkwentuhan sila kinabukasan na may taong dumating.Sabi nga ng iba,ung ibang elemento daw mas gusto daw nilang magpakita sa mga batang musmos pa lamang.Isa pa tahimik lang akong tao simula pa lang noong bata pa ako.Ngayon ko lang naisip na may ganuun pa lang nilalang pero hindi ko ito ikinuwento sa pamilya ko.Nanatili itong lihim.Ngayon at sa inyo ko lamang ito naibahagi.Ano kaya ang ibig sabihin noon,bakit may nakita akong ganoong nilalang.Hindi kaya isa iyong sundo sa buhay ng Tatay ko dahil noong edad ko ding iyon ay maagang kinuha sa amin si Tatay.Bata pa lang kami ng maulila sa Ama.Kung anuman nilalang siya basta wala naman nangyari masama sa akin.Hindi din ako natakot nung time na yun dahil hindi pa naman ako aware sa mga katatakutan.Nito na lang tumanda ako saka ako natakot sa mga napapanood ko sa Tv na may ganuun nga palang nilalang at ako mismo ang nakakita.Mabuti na lang mabait siya sa akin at hindi nya ako sinaktan.Isa na lamang yun alaala.Sa modernong panahon ngayon wala na siguro ganoong nilalang. Pangalwang kakabalaghan ... Naulit sa akin ang kakaibang bagay noong magdalaga na ako.High school na ako noon.Tahimik pa din akong Tao pero medyo natututo na din akong makihalubilo.Nagkaroon na din ako ng ilang kaibigan.Isang araw pinagawa kami ng aming guro ng group activity.Sa bahay ng aming kaklase ginawa.Medyo malapit lang din sa amin ang bahay nya.Habang hindi pa kami nakakasimulang gumawa ng activity ay naisipan nila na maglaro daw kami ng SPIRIT OF THE GLASS.Hindi ko alam ang larong iyon pero isinali nila ako.Gumawa sila ng cardboard na may mga letra at numero.Kumuha din sila ng shot glass.Nag umpisa na kaming maglaro.Naghawak hawak kami ng kamay.Sabi nila wala daw bibitaw.Pumikit daw kaming lahat at isipin daw namin sa aming imahinasyon ang isang babae.Seneryoso namin ang laro.Nang bigla...tumirik ang aming balahibo.May nakita akong babae nakaputi (WHITE LADY).Sinabi nya ang pangalan nya pero hindi ko na sasabihin sa inyo dahil nananahimik na siya baka mabulabog pa siya.Natakot kaming lahat nung time na yun napabitaw ako.Lahat kami nagbitaw ng kamay at natahimik sa takot.Totoo pala ang larong ganoon.Akala ko sa Tv lang nangyayari un pero totoong nangyari sa amin.Mabuti na lang at mabait din siya.Hindi ko na ulit siya nakita.Sana nga ay hindi na.Umuwi na lang ako na parang wala lang.Kinalimutan ko na lang.Ang weird ko di ba,siguro hindi naniniwala ang iba sa inyo pero totoo talaga yan.Karanasan ko yan mismo.Isa yata akong PARANORMAL na tao pero hindi ko siya pinapanatili at pasumpong sumpong lang ito sa bawat yugto ng buhay ko. Pangatlong Kakaiba Sa yugtong ito na may asawa na ako.Akala ko hindi na ako makakaranas ng mga kakaibang bagay pero meron ulit.Hindi na MULTO o KABABALAGHAN... PANGITAIN naman ang naranasan ko ngayon.Sa pamamagitan ng panaginip minsan natakot ako isa o dalwang beses na may pangitain.Hangang ngayon ay lihim pa rin ito sa pamilya ko.Nakakatakot ang pangitain.Hindi ko siya kayang kontrahin.Ang tanging sandata ko lamang ay PAGDARASAL subalit kung yun ang nakatakda ay wala na akong magagawa.Alam ko ang bawat pangyayaring ito ay galing sa ating Panginoon.Alam ko may dahilan siya kung bakit nya pinaparamdam sa akin ang mga kakaibang bagay na ito.Nagkatotoo ung pangitain na kinakatakutan ko.Ayoko na sana makakita ng pangitain dahil nadedepress ako.Iniisip ko bakit mas una ang panaginip ko bago yun mangyari.Hindi ko nakontra dahil inilihim ko lang yun.Hindi ko nga sinasabi sa kanila.Lahat ng pangyayari kakaiba wala akong pinagsasabihan kundi sa inyo lamang. Minsan pa nananaginip din ako ng tungkol sa BIBLIYA.Napanaginipan ko ang kakaiba sa aking pandinig.Kakaibang tunog.Mahiwaga parang musika un sa kalangitan.May trumpeta pa nga.May panaginip din ako na natutulog ako na parang umalis ang aking kaluluwa pero bumalik din.Ang weird ko di ba,Nung nagising ako at napatingin sa langit,nagtuloy pa din ang pagpapakita nya sa akin ng banal na pangyayari.Nang titigan ko ang ulap ay iba ibang imahe ang pinakita nya sa akin.Mula sa paglikha nya ng mundo hangang sa kasalukuyan.Hindi naman ako natakot at mas lalo pa lumakas ang aking pananalig sa kanya.Masasabi kong maswerte ako na may kakayahan akong ganito.Magkahalong takot at kaba.Kung anuman itong ibinigay sa akin ng Panginoon Pangitain man o isang kung Babala.Sigurado ako sinusubok nya lang ang aking espiritwal na pananampalataya.Gusto nya na magbalik loob tayo.Humingi ng tawad at magbalik loob sa kanya.Hindi pa nahuhuli ang lahat para tayo ay magbago. MAGSISI TAYO AT MAGBALIK LOOB SA ATING PANGINOON
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet