Nabisita ko na nga ang kapatid ko.Mabuti naman ang laki agad ng pinag iba ng mainom ang resetang gamot sa kanya.Parang pinahid na uling lang.Humupyak agad ang kanyang pisngi at sumigla agad siya.Nawala agad ung iniinda nyang sakit ng likod.Jusko ang blood pressure 200/140 ganito ba talaga ang mataas na BP ako kase is low blood naman at anemic pa.Siya nman somobra high blood.Lahat kami hindi namin ineexpect na high blood siya kase sobrang payat nya at hindi talaga palakain kaya pano namin iisipin na highblood.Mabuti na lang pinacheckup at naagapan.Iba po kase ang kapatid kong ito medyo late ang pag iisip nya at special siya kaya baby siya para sa amin kahit na 30 years old na xa isip at pagkilos nya ay 20 years old pa lang. Lord salamat po at ang laki po agad ng pinag iba ng katawan nya.Hinaplos nyo po agad siya at niyakap🙏😇 Gandang gabi po pala...
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet