read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

KAMYAS (Kalamyas) Ang KALAMYAS ang pangunahing paasim naming mga Batangenyo lalo na sa sinaing na isdang Tulingan.Gamit ang Kalamyas na pinatuyo sa init ng araw lasang lasa mo ang linamnam ng sabaw ng isda na tinatawag naming Patis.Magandang labugin ang isda yung lutong luto at ang patis na mamula mula o brown ang kulay.Maasim at medyo may alat na nakakagana sa pagkain lalo na kaulam pa ang Lasunang sibuyas na maliliit na may dahon.Ang takaw ko ng ganoong sibuyas mga Kaingay.Kung gusto mo mapadami ang kain ko ay hayinan ako ng sinaing na isda na ang Lasuna ay nakababad sa Patis.May pisang kamatis at nilamas na dahon ng MUSTASA. Naalala ko din ang Lola ko sa puno ng Kalamyas na ito dito kase siya lagi natambay noon at kakwentuhan ko pa sa events ng buhay nya noong unang panahon.May duyan dito katabi ang puno ng mangga.Sa duyan siya nakaupo at kakwentuhan ko. I miss you Lola..Miss ko na din ang luto mo nitong Kalamyas sa #sinaingnaIsda

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.