Hula!

3 44
Avatar for GarrethGrey07
3 years ago
Sponsors of GarrethGrey07
empty
empty
empty

Gaano nga ba ka totoo ang hula?

Masasabi ba natin na ito ay makatutuhanan o gawa gawa lamang?

Gaano nga ba kalaki ang tsansa na magkakatotoo yong nasabing hula?

Magandang araw ang kwentong ito ay hango sa totoong kwento ng aking pamilya at ng aking inay tungkol sa matandang nanghula sa kanya.

Taong 2015!

Araw nang sabado,sa probensya ay araw ng pamamalengke o" tabu" kung tawagin sa amin.

Maagang nagpaalam ang inay na mamalengke siya, maaga siyang pupunta para siguradong sariwa ang mga gulay,karne at isda ang kanyang mabibili.

"Anak aalis muna ako para mamalengke,ikaw na magluto ng kanin at ulam,may pasok sa trabaho tatay mo. Bilin ni inay

"Opo inay,hindi ba kayo magpapasama sa akin? Marami ba kayong bibilhin? Tanong ko.

"Hindi na anak,at konti lang naman bibilhin ko, gusto ko din sanang maggawa ng suman na balinghoy,kung may makita akong magandang ani ay bibili ako,tatawag nalang ako kung kelangan ko ng tulong sa pagbubuhat. Sagot ni ina.

"Sige po inay at ingat po kayo.

"Sige at ako'y aalis na baka ako'y tanghaliin pa. Sabay talikod ng aking ina.

Pagkaalis ni inay ay sandali muna akong nag unat unat sa aking higaan at bumangon na para makapag luto.

Maya maya nga ay bumangon na din ang itay dahil bago siya pumasok sa trabaho ay pinupuntahan nya muna ang kanyang mga tanim na gulay na nasa likod bahay lang naman.

Ilang oras ding nagtagal sa palengke ang aking ina, dahil sobrang malaki din naman ang aming public market at talagang madami kang mapagpipilian.

Mag aalas dyes na ng umaga ng dumating si ina,gaya nga ng kanyang bilin ay nagtawag nga ito ng tulong.

"Ante Jenny!!"tawag ng aking pamangkin.

Oh bakit?? Sagot ko naman.

"Nanjan na si lola,papuntahin daw si kuya jr. mabigat daw dala nya". Sagot ng pamangkin ko.

"Oy jr. puntahan mo dun si nanay,tulongan mo magbuhat". Utos ko sa aming bunsong kapatid.

"Opo ate"! Sabay takbo para puntahan na ang aming ina.

Pagkadating sa bahay ay may binili nga siyang kalahating sako ng balinghoy. Mura lang daw kasi kaya dinamihan na nya ng bili at ng makagawa daw siya ng maraming para pambinta.

Agad naman kaming naghanda ng pagkain para sa aming tanghalian. Nagluto ang inay ng sinigang na baboy dahil tuwing sabado ay iyon talaga ang request ng aming ama.

Habang nagluluto si inay ay nililinis ko naman ung balinghoy para pagkatapos naming kumain ay masimulan na ang pag gawa ng suman.

Tahimik lang naman kaming kumakain. Gaya ng dati ay sabay sabay,dahil iyon na talaga ang kinaugalian namin sa probensya.

Pagkatapos ng tanghalian ay gumawa na kami ng suman,tinulungan ko na din ang aking ina para maluto nya agad at mailako bago mag alas tres.

Bago nga dumating ang alas tres ay naglalako na ang inay ng Suman.

Bandang alas tres y medya ay nasa bahay na siya,agad naubos ang kanyang paninda.

Pagdating ng alas singko ay nasa kusina na kami ng inay dahil naghahanda na ng panghaponan. Maya maya naman ay dumating na din ang itay galing sa trabaho.

"Oh nandiyan kana pala,gusto mo ba ng kape? Tanong ng inay kay itay,dahil madalas gusto ni itay ng kape sa tuwing uuwi siya ng hapon.

"Hindi na at kami ay pinagmeryenda ng aming amo sa trabaho kaya busog pa ako. " Sagot ng itay. At agad namang nagpunta sa kanyang mga pananim sa likod bahay .

Maaga kaming naghahaponan kaya alas singko palang ay nagluluto na kami.

Pagsapit ng alas saes y medya ay nasa hapag kainan na kami. Tahimik lang kami kumakain dahil ayaw ng mga magulang namin ang maingay tuwing kumakain kami,kaya naman ay napakahimik lang namin,ng biglang may naalala ang inay.

"Kanina nga pala habang namimili ako ng balinghoy ay may nasabi sa akin ang matandang babae doon sa palengke. Ang sabi nya nakita nya daw sa aking mukha na malapit na akong mabyuda."

Nagulat ako sa sinabi ng inay!

"Simbako nay!! Bulalas ko.

  • Hindi ko siya ma explain pero kinalakihan ko siya,na kapag daw may masamang nasabi yong isang tao ay dapat daw sambitin ang "simbako" at kumatok ng tatlong beses para putulin ang negatibo nitong dala. Matandang kaugalingon kumbaga.

"Naku naman,bakit naman po nya nasabi 'yon nay? Tanong ko.

Habang napatingin lang kay nanay ang itay,subalit nanatili itong tahimik.

"Hindi ko nga alam eh,sabi pa nya para daw mapigilan yon ay dapat pag matutulog kami ay dapat baliktaran para daw hindi mangyari ung nasa hula niya." Sagot ng inay.

"Naku!! Hindi totoo yon nay,wala namang ibang makapag sasabi kung ano ang mangyayari sa susunod na bukas eh. Tsaka Diyos lang ang may alam sa tadhana natin nay." Saad ko.

"Yon nga eh,pero hindi naman siguro masama kung gagawin namin yon para maiwasan yong mga hindi dapat mangyari,tsaka wala namang mawawala kung susubokan". Sabi pa ng inay.

"Sabagay nay wala namang masama dun,pero wag tayong makalimot manalangin sa DIYOS." Sagot ko naman.

Lumipas ang mga araw at isang linggo na din ang lumipas simula nung makita ni inay ang matandang babae na iyon sa palengke.

Normal lang ang lahat, masaya, tahimik at walang mabigat na problema ang dumadating sa aming pamilya.

Dumating ang araw ng sabado, napagpasyahan ng aming itay na mangingisda sila sa dagat kasama ang kuya ko at isa ko pang kapatid,magpapalipas sila ng gabi para siguradong maraming sariwang huli.

Pagkadating ng itay galing sa trabaho ay naghanda agad sila para sa kanilang pangingisda. Nagbaon na din sila ng pagkain at doon na sila sa dagat maghahaponan,umalis sila mga bandang alas saes y medya ng gabi.

Kinagabihan nga ay kaming tatlo nalang ng aking inay at bunso namin ang naiwan bahay. Gaya ng kinagawian maagang nagsikain at natulog ng maaga.

Kinabukasan araw ng linggo,dumating sila tatay na sobrang saya dahil sa dami nilang huling isda.

Agad agad ay nagluto ng tinolang isda ang inay, para makahigop ng mainit na sabaw ang itay at ang mga kapatid ko.

Pagkatapos ay pinabinta ng aming itay ang ibang isda dahil sobrang madami para sa amin.

Hndi ko akalain na ito na ung huling araw na makikita ko ang tawa at ngiti ng aming ama.

Pagkatapos naming magtanghalian ay napagpasyahan ng itay na uminom para makatulog agad siya. Madalas naman niyang ginagawa nya yon kaya parang normal nalang sa amin yon,may mga pagkakataon kasi na hindi siya makatulog lalo na pag sobrang pangod kaya pinagbibigyan ng inay na mag inom ang itay. At pagkatapos na nga nun ay nakatulog din naman ang itay.

Kinagabihan ay maaga din kaming naghahaponan, ginising ng inay ang tatay ngunit hindi ito bumangon. Umayos lang ito ng higa ngunit hindi sumagot.

Hinayaan nalang ng inay dahil alam din naman niyang pagod at puyat at itay.

Maaga kaming nagsitulog ng gabing yon dahil maulan din at malamig ang panahon.

Bandang ala una ng madaling araw nagising ang inay,sabi nya parang may gumigising daw sa kanya at hindi siya mapakali sa pagkakatulog. Kaya bumangon siya

Tiningnan niya ang itay tatanongin nya sana kung kakain ba ito.

Ngunit pagtingin nya sa itay ay iba na ang hitsura nito,naninigas na ang katawan ngunit mainit pa naman ng konti.

Ginising nya agad ako sa pagkakatulog.

"Jenny mukhang iniwan na tayo ng tatay mo! "Sabi nya habang ginigising ako.

Nagulat ako sa sinabi ng inay, panandaliang tumigil ang ikot ng mundo at halos wala akong ibang naririnig kundi ang sinabi ng inay na "iniwan na kami ng tatay"! Paulit ulit itong nag eecho sa tenga ko, hindi ko maigalaw katawan ko,hindi ko alam kung anong nangyayari.

Bumalik ako sa aking diwa ng makita kong umiiyak na ang aking nanay. Narinig kong nagmamakaawa siyang umayos ako dahil sa ako nalang daw ang kakapitan nya ng lakas ngayong wala na ang itay.

Doon ko napagtanto ang sinabi ng inay, panandalian akong umiyak at dali dali akong bumangon para puntahan ang itay.

Itinakbo namin agad siya sa hospital,baka sakaling maging okay pa.

Habang nasa daan kami ay panay kausap ko sa aking tatay.

"Tay ano ba? Gumising ka naman. Wala namang ganyanan, kakabalik ko lang eh. Wag mo naman akong iwan agad." Sabi ko habang umiiyak at yakap yakap ang itay.

Nakarating din naman kami agad sa hospital at agad din namang inasekaso ng nurse na nasa emergency room ang itay.

Pagdating ng doctor ay tiningnan nya agad ang itay, ngunit dineklara nya agad na patay na itay, dead on arrival daw.

Tiningnan ng doctor kung ano ang sanhi at ang resulta ay cardiac arrest. Inatake sa puso habang tulog.

Halos tumigil ang mundo ko sa nangyari, hindi ako makapaniwala na wala na ang itay.

Isang buwan palang simula nung muli ko siyang nakasama,kaya sobrang sakit.

Wala namang matandaan ang inay na may nasabi sa kanya ang itay na iniinda itong karamdaman.

Habang ginaganap ang kanyang burol ay halos hindi ako makaalis sa tabi ng kabaong niya,hindi ko matanggap, okay lang Sana Kung naalagaan pa namin siya bago bawain ng buhay. Pero hindi,biglaan kaya sobrang sakit.

Sa bahay na pinagawa ko ginanap ang burol ng itay. Dahil pangarap ko talagang doon kami titira sa bagong bahay na pinagawa ko. Ngunit hindi na nangyaring nakasama ko pa ang aming tatay.

Umalis ako ng pilipinas dala dala ang pangarap na balang araw mapapagawaan ko sila ng magandang bahay,matibay para walang bagyong pwedeng makawasak. Ngunit hindi nangyari ang pangarap kong doon kaming lahat titira sa bahay na iyon.

Siguro sa sobrang hindi ko matanggap ay minsan namamalikmata ako. Nakikita ko ang itay,nakaupo sa dating inuupoan nya. Ngunit pag tinitingnan ko ay wala siya.

Natapos ang kanyang burol at nailibing na namin siya ay biglang naalala ng inay ang sinabi ng matanda.

"Nangyari yong hula ng matanda"! Biglang sabi ng inay.

Hindi na kami umimik pa,dahil wala na din naman kaming magagawa pa.

Hindi naging madali sa akin ang nangyari,ang paglisan ng itay.

Alam kong masakit din naman yon sa aming ina, ngunit minabuti kong umalis ulit ng pilipinas.

Nung nawala ang sakit ay narealize kong mali yong ginawa ko, hindi ko dapat iniwan ang inay habang nagluluksa,parang naging makasarili ako. Kaya lageh ko nalang siyang tinatawagan noon,lagi ko ding ibinibilin sa aking mga kapatid na wag iiwan ang inay.

Umalis din naman ako para sa aming lahat,wala na ang itay, walang trabaho ang inay kaya ako nalang ang pwedeng sumuporta sa kanila.

Ngayon ay okay na din kaming lahat. Unti unti natanggap na din namin ang nangyari.

Anim na taon na din siyang wala,madami na din ang nagbago.

Pero may mga pagkakataon na naiisip kong sana nandito pa siya.!

Ngunit hanggang ngaun ay napapaisip pa din ako.

Totoo ba ang hula?o nagkataon lang ang mga nangyayari?

Salamat po sa pagbabasa.

Magandang araw!

Lead image source;

https://dictionaryblog.cambridge.org/2020/02/05/outlooks-and-forecasts-the-language-of-predictions/amp/

3
$ 0.02
$ 0.02 from @Khing14
Avatar for GarrethGrey07
3 years ago

Comments

Grabe, nakakalungkot ang nangyare sa tatay mo ate... Sobrang biglaan...

$ 0.02
3 years ago

Kaya nga bhe.,bagay na sobrang hirap tanggapin. Hindi manlang namin siya naalagaan.

$ 0.00
3 years ago

Sorry to hear that sis..

$ 0.00
3 years ago