Corona virus na mula sa Tsina.
Ano ka nga ba? Mula sa hayop
O likha ng tao?
Galing sa kalikasan
O parusa sa taong bayan?
Sa kabila ng iyong dulot
Na sakit at kamatayan
Hindi naman maitanggi ang
Magandang dulot mo sa kalikasan.
Tila ba ang mundo'y nakalaya
Mula sa ingay na dulot ng mga sasakyan,
Basurang nililikha ng sangkatuhan.
Sa pansamantalang pagtigil ng mundo
Unti unti na nga ata itong naghihilom
Mula sa sugat na dinulot natin noon.
Na para bang ipinararating na hindi kailangan ng mundo ang tao.
Sa kabilang dako,
Ang pamilya ko noon na minsanan
lamang kung mabuo
Ay muli mong pinagbuklod ng mahaba haba na ring panahon.
Tila nga ba kay bagal ng oras sa ngayon.
Iminulat rin ang marami sa tunay
Na halaga ng mundo,
Ang mga materyal na akala natin
Magbibigay ng kasiyahan
Ay wala na ngang halaga sa kasalukuyan.
Tunay nga na ang kalusugan
Ang tunay na kayamanan.
At ang mga mahal sa buhay
Ang dapat na iniingatan.
Mag ingat tayong lahay.
Iwasan na ang virus.......................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................tuldukan na natin ang virus
👏👏👏👏