Hanggang sa Huling Musika
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasalubong ko ang isang talentadong mag-aaral sa aking paglalakbay. Isang mag-aaral nna masayang bumabati sa akin tuwing umaga, habang nakaukit sa kanyang mukha ang mga ngiti sa labi, na nagsasabing, “Masaya ako. Napakasarap mabuhay sa mundo. At walang dahilan para simulan ang umaga ng malungkot.” Malaki ang pasasalamat ko kay tadhana at pinagkrus niya ang aming landas. Siya kasi yung tipong estudyante na tiyak gugustuhing maging kaibigan ng lahat, yung tipong gusto mong makatabi sa oras ng klase. Lalo na kapag nayayamot na ang pagtuturo ng guro. Sa panahong ganoon, wala kayong ibang gagawin kundi tumawa lang nang tumawa ng palihim. Sa loob ng dalawang taon na nakasama naming siya sa silid-aralan, ay hindi na naiba sa akin ang mga bagay na kaya niyang gawin. Sa galling at husay niya sa paghataw at pag-indak, maituturing siyang “Prinsipe ng Sayaw.” Bukod diti, isa din sa mga porte niya ang pag-awit. Siya ang “Musikang Andromeda.” Naaalala ko pa noon, nang minsang abala ang lahat sa pag-gawa ng proyekto, output, at takdang-aralin. Yung mga panahong wala na kaming imikan ay bigla-bigla na lamang siyang kakanta ng napakalakas, sa istilo na maririnig ng lahat. At sa puntong iyon, sino ba naman kami para hindi mapatigil sa kanyang mala-Ed Sheeran at John Legend na boses; ang pagkanta niya na may halong choreography pa! At kami na nakikinig sa kanya ay hindi mapigilang mapaindak at makisabay sa kanyang pagkanta, kahit palihis-lihis man ang tono. At sa sandaling iyon ay unti-unting napapawi ang aminng mga pagod at stress sa buhay, lalo na sa pag-aaral. Siya rin ang kadluan ng kaligayahan. Siya ang clown ng samahan. Siya ang nagbibigay good vibes sa oras na nakakalimutan na naming tumawa. Sa mga jokes at pambubully niyang hindi mo magawang mainis kasi, nakakatawa pa rin. Lalo na kapag nag-umpisa na siyang mang-asar. Hindi pa dito nagtatapos ang mga abilidad at talentong kaya niyang gawin. Isa rin siya sa mga mahuhusay na mag-aaral pagdating sa pgluluto. Sabihin na nating siya ang “Hari ng Kusina.” Pangarap kasi niyang maging isanng chef baling araw. Nakahiligan din niyang mag-imbento ng sariling recipe. Iba kasi siya mag-isip ng konsepto kung paano gagawinng mas masarap ang kaniyang niluluto. Yung tipong pagkatapos niyang ipresenta ang kanyang mga niluto ay mapapatanong ka “may natira pa ba?” Ang kanyang hilig sa pagluluto ang nagdala sa kanya sa entablado upang tumanggap ng parangal. At nang minsang napagawi ako sa kanilang tahanan, nakita ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang mga magulang at kapatid. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko na sya nnakasalubong sa daan at maging sa apat na sulok n gaming silid-aralan. Hanggang isang araw, isang mabigat na balita ang yumanig sa tenga ng lahat. Na ang mag-aaral na may bukod-palang talent at ang mapagmahal na kapatid at responsableng anak ay dahan-dahang ginigiba ng kanyang karamdaman. Siya ay may meningitis. Nang minsang hindi ko na siya nakitang umindak sa entablado. Nang minsan wala nang pumupukaw sa aming atensyon tuwing abala kami sa pag-gawa ng mga aktibidad sa paaralan. Nang minsang nagtampo na sa kanya ang mga kagamitan sa kusina. Nang minsang namimiss na namin ang mga tira niyang luto sa tuwing may performance siya. Nang minsan wala na kaming makitang “Johnny” na napakaresponsable sa bahay. Nang minsang wala nang mga pambibiro at pambubully. Hanggang sa ang “minsan” ay nagging “madalas.” Hanggang sa ang musika ay tuluyan ng nawalan ng tunog. At hanggang sa ang hulinng liriko ay natapos na sa napakaagang panahon. Masakit man ang iyong pagkawala, nais naming malaman mo na mananatili ang iyong musika sa aming puso’t isipan. Ikaw na musika sa aming buhay , ay mananatili sa amin magpakailanman. Hanggang sa huling musika, kaibigan. 📌 Lead image is from Google. Thank you everyone 👇👇👇👇👇👇👇👇
10 comments
Ang lungkot nito pero yun ang realidad, yung mga taing masaya, nagpapatawa, magaling sa maraming bagay, palakaibigan at laging masaya, sila ung mga taong may dalang mabigat na sakit o problema, ayaw nilang ipakita kase ayaw nilang mag alala yung mga tao sa paligid nila. Alam nilang maikli ang kanilang buhay kaya ginagawa na nila lahat ng masasayang bagay para wala ng pagsisihan pa kapag dumating na yung araw na pinakaayaw nila.
Napakaself less nila. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin yung mga tawa niya. Mahirap kalimutan ang isang taong minsan nagbigay kulay at saya sa mundo mo.
Ganyan kdlsan sis. Mga taong masayahin ay may dinadala palang karamdaman. Nkakalungkot nmn nangyari sa knya no.
Oo sis. Hanggang ngayon masakit pa rin. Yung mga masasayang ala-ala sakit ang pumalit.
Mostly common tlga to. Ung mga taong masayahin sa labas pero npaka sad sa loob pala. Gnun sila ka automatic magtago ng malulungkot na prblema sa buhay.
Oo nga. Mapagpanggap sila masyado. Napaka selfless.
Ang common ng gantong eksena sa reality noh? Na kung sino pa yung masayahin na parang walang problema, sila pa yung ma bibigyan ng karamdaman. Hays :(
Totoo. Napakagaling nilang magpanggap. Kung sana lang sinasabe rin nila yung pinagdadaanan nila.
Nagkaroon din yung kapatid ng asawa ko nito, meningitis..grabe ang pinagdaanan pero salamat sa Panginoon, unti unti na syang nakakarecover ngayon..
Buti naman po :) Sana patuloy pa ang pagrecover nya po.