read.cash Log in

@FiveKs

Joined 11 May 2022 · 248 posts

My dream is to give the best for my Family

120 KT

0 KT · 5¢ received · 0 KT given

Posts

@FiveKs

Breakfast and early Lunch Hello Dear Friends 😊 Magandang buhay. Kamusta tulog natin dyan? Hmm 10:10am na po patanghali na ibig sabihin. Kumain na ang mga nagugutom para naman may malakas tayo maghapon. Tara at sabayan nyo ako . Ulam namin is beef steak na hiniwa ng maliliit at sabaw ni goaty para kay baby. Sinigang na goaty pero sabaw lang kinuha ko pra sa anak ko Hindi kase ako nakain ng Meee Meee.hehe Hmm ito muna unang post ngayong araw. Ingat kayong lahat sa mga lakad nyo. baayyiieee .

@FiveKs

Hello again Dear Frennies 😊 Good evening sa tanan. Just wanna flex ang isa sa mga binili namin kanina sa ipil. Table ni baby para daw hindi na kami sa lapag kumakain. Nakakatuwa lang kase nagustuhan talaga ni baby ,mukhang mag aaral na sya ei.hehe Mura ko lang po yan nabili 245, tpos 135 yung upuan nya. Sasanayin ko na sya kumain ng nasa table para di lakad ng lakad kapag sinusubuan. Hirap pakainin minsan kase lakad ng lakad at paikot ikot. Tagal tuloy matapos kumain. Pero kanina ok naman nakaupo lang sya habang sinusubuan ko.hehe Ayan lang po muna mga frennies . Medyo pagod din ako at ansakit ng mga binti at likod ko kakalakad. Ako pa naman nagbuhat kay baby kase ayaw nya sumama sa mga inlaws ko. Kaya super tiis ko kanina talaga. Sarap neto ihiga ei. Owsya goodnight na po mga kaibigan ko.

@FiveKs

Sari saring ulam sa hapunan Holla amigo and amiga Kamusta kayo? Magandang gabi sa inyong lahat. Naghapunan na ba kayo? Sa mga hindi pa tara sabay na po tayo. Daming gutom ko kakauwi lang namin galing sa ipil at budgetweis para mag grocery. Kumain kami ng lugaw dun sa ipil pero hindi ako nabusog. Kaya ito ngatog na tuhod sa gutom Hindi naman na kami nakakain sa Mang inasal kase si Baby nagligalig na ,agoy grabe yung iyak nya kanina kase inaantok sya . Gusto nya mahiga sana kaso wla sya mahigaan . Wait lang mga kaibigan di ko na talaga kaya. Kain muna ako. Kain na din kayo. Ingat sa mga pauwi from work.

@FiveKs

Kape at nilagang saging o kardaba Hello Dear Friends , good morning , Magandang umaga ,Good day . Good start ng ating araw . Ano pa bang good ang pedeng sabihin.hmm Basta Magandang simula ng ating araw . Bilis noh parang kelan lang undas pa ,ngayon Nov.3 na agad . Countdown na ba for Christmas ? Well uunahan ko na kayo ha . Advance Merry Merry Christmas 🎄 💕 mga magaganda at gwapo kong mga kaibigan. Oh ayan ha para goods ang umaga natin. At syempre hindi kompleto ang ating umaga kung walang almusal. Lalo na kung walang pampainit sa malamig na panahon tulad ngayong umaga na anlamig ng simoy ng hangin. At syempre ang aking pampainit ay KAPE ,na hinaluan ko ng gatas as creamer. Tapos partner sa pagkaing bukid na sabang nilaga na medyo hinog na kaya ang sarap sarap neto kainin. Kayo ba may pang pa init na? Hala bangon na mga kaibigan at magpainit gamit ang kape. Magpainit ng sikmura po ha . hehe Ingats pala sa mga papasok sa trabaho ,lalo dyan sa Manila nakownakow usong uso dyan ang mga mandurukot . Kaya mga gamit na mahalaga ilagay sa loob ng bag at iwasang mag cp habang naglalakad ora di ma snatch . Paalala lng yan at wag masamain dahil yan ay para sa inyo rin. Byyeee

@FiveKs

Law -oy and pritong Gg Hello Dear Friends 😊 How are you guy's. May gising pa ba? Ma busy ako maghapon kaya hindi man lamg ako naka update dito. Late post lng po ako hehe , Dinner namin kanina pala Nag law oy lang kami ,nilagang mga gulay gulay na pinagsama sama. Malunggay at kalabasa na tinimplahan lng ng asin with mga samya like kamatis at sibuyas. Tapos pritong galunggong. Simpleng ulam lang pero happy me kase pagi si baby nakain naman ng gulay. Nabusy ako kanina sa mga paninda ko dahil ililipat ko na dun sa tindahan nila Mama pansamantala . Para makabenta ng maayos. Kanina naman may bumili ng maaga . Si neighbor pala ,bumili ng emorates at isang taslan para daw sa pamangkin nya. Thanks God at hindi umulan kanina may benta kahit papaano. Goodnight na pala sa mga tulog na at sa mga matutulog palang.

@FiveKs

Iba't ibang Halaman Hello Dear Friends 😊 Good noon . Superb init noh? Iba na talaga panahon ngayon kay bilis magbago ng timpla. Parang tao din ,yung dating ok na ok pa kaho tapos magugulat kana lang pinagpalit kana pala sa bago ,ouchh ㅋㅋㅋ , charott lang po Pero honestly speaking ganyan talaga karamihan ngayon . Karamihan po ha ,hindi ko naman nilalahat. Well anyway ito na talaga topic ko. Kanina kase wala pa akong time magpost gawa ng napakabusy ko sa anak ko. Syempre first things first muna. After ko maasikaso si baby nmasyal ako sa likod bahay. Pinicturan ko mga halaman ni Mama. sobrang dami ni Mamang halaman pero yung mga nasa lilim lang ang pinicturan ko at apakainit nga talaga. Ito lang mga napicturan ko ,snake plant ,wave of love, Royal Queen, hindi ko na po lam pangalan nung iba .Basta madami pa yan nasa kabikang gilid pa ng bahay . By the way kumain na ba kayo? Si baby ko tapos na ,ako kakain palang. Nabusog ako dun sa Saging na saba , anlaki nman kase nung isang buo palang busog kana talaga. Osya kakain muna ako ,mamaya na po ako makipagkulitan sa inyo. Ingats always mga frennies 😊

+2 more

@FiveKs

Miswa and papaya with coconut milk Hello dear friends Good evening . I know all of you already done with you dinner. While me , I have a late dinner because i am still full with my snack. By the way here's our viand for dinner. We have Miswa with leftover fried fish and Left over Ginataang papaya with malunggay leaves. My mom inlaws cooked a lot of veggies that's why many left over. And doesn't matter for me even if my viand is leftover as long as it can not harm me, well it's fine. I will definitely eat it . Wasting food is not my attitude. How about you guy's what's is your point of view to some leftover foods? Are you still going to eat it or not ? Well , I can't blame those people you doesn't want to eat leftover food. It depends on us and depends on the food maybe. Anyway goodnight my frennies who are already sleeping at this time. Have a peaceful night everyone.

@FiveKs

Malakas na ulan is real Mga frennies paano ga naman ako neto makapaghanapbuhay ng maayos. Yung wala na nga halos nakakaakyat dito na buyer kase mataas at takot sa hagdan. Tapos umuulan pa ngayon ng malakas. Until now habang nagtatype ako dito ay patuloy pa dun po ang pagbuhos ng malakas na ulan. Samahan pa ng malakas na kidlat at kulog. Ito na ba si Quennie and bestfriend ni Paeng? Ay naku wag naman ,lubayan nyo kaming mga bagyo kayo . Sa totoo lang di namin kayo kailangan ,at wala kayong pakinabang sa amin. Dulot nyo ay perwisyo laang kaya sa aming bansa kayong mga bagyo ay lumayas layas na . Hindi pa nga nakaahon ang ibang mga farmer ei. Ako din hindi din makapaghanapbuhay ng maayos. Ahayss talaga oh. Kawawa din mga pumupunta sa Cemetery ngayon for sure nagkabasa ng ulan. Sana may dala kayong mga payong at yung mga batang kaliliitan ay wag ng isama pa sama pa. Mahirap magkasakit kaya tamang alaga sa sarili o sa pamilya natin. Owsya bye muna ,maya ulit . Ingat kayo 😉

@FiveKs

Ginataang Papaya with malunggay leaves Hola Amiga and Amiga 💖 Happy Lunchtime guy's. For sure ang karamihan ngayon ay busy sa kanilang mga kaanak na yumao. Kanyanl kanyang punta sa sementeryo para magtirik ng kandila. Hmm wag po kalimutan mag ingat sa dami ng tao baka mga wallet nyo ay nasa bulsa lang naku ,naku delikado yan. Be attentive sa lahat ng importanteng gamit ninyo. Well anyway hindi naman ako pumunta dto now Para magsermon.hehe Gusto ko lang ayain kayo na kumain na dahil masarap ang ulam . Ginataang papaya at malunggay na may bulad. Para sa akin masarap ang mga gulay kahit anong gulay pa yan ,basta wag lang araw araw pare parehas ng luto . Kase kung araw araw iisang klase lang ang luto ay aba nakakaumay din naman. Pero dpat sa mga pagkain na paulit ulit lang maumay ha ,hindi sa relasyon nyong mag asawa o mag jowawers dyan. owsya baka ano pa masabi ko ei , Arats na mga Frennies kung pogi at magaganda kain na . Bawal palipas gutom ha ,lalo na mga mommies dito na nag na nursing sa ating mga chikiting. Always ingats kayong lahat.😉

@FiveKs

My store before the Road Widening Good morning ,how are you guy's? Kahit late na ako nakatulog kagabi heto aga ko pa din nagising. Nagcheck muna ako cp ko kase si Mama naman ang incharge sa pagluluto. Kaka scroll ko nag pop up itong picture na ito. Throwback memory ,dati ko pong tindahan yan. Nakakamiss talaga 😥😞 yung dati . Malakas po yang tindahan ko ,nakakapag paubos ako ng 2 bales ( 2 bulto )ng ukay pants every month. Ngayon hindi ko pa maibalik pag uukay ko kase di pa din ayos ang tindahan ko. Nakatengga dahil hindi pa inaayos ng DPWH ang sidewalk . Hanggang ngayon ayon nakabuyangyang lang at napupuno ng tubig kapag umuulan. Haiist nalulungkot ako talaga ,ok na sana pero bakit ganun kaya? Ingat po sa mga pupunta sa Cemetery ha . Always be attentive sa mga important things ninyo,para di kayo madukutan .

@FiveKs

Fresh Lumpia Hello Dear Friends , it's getting late na po and we are still awake . Yes po we ,kase kami ni baby ay gising pa . Actually nakatulog kami ng 8:30 tapos nagising lang ng alanganin 11:55pm . So ayan kaya goodluck saa amin kung anong na naman kami makabalik sa tulog . By the way midnight snack ko ngayon, namin pala. Kay baby kakatapos ko lang sya pakainin. Gatas at kanin na konti with scramble egg . Inuna ko sya pakainin kase iba ang food ko sa kanya. Ang sa akin lumpiang sariwa na kanina sariwa sya nung pinicturan ko. Pero dahil di ko naman sya kinain agad kaya tinabi ko lang muna ,ngayin ko lang naalala baka masira na kung bukas ko pa kakainin. So paano kain tayo snack mga frennies 😊. Goodnight sa mga naghihilik na at sa mga gsing pa ,arat na ,lapang na tayo.hehe

@FiveKs

Finally We're back Home Hello Dear Friends 😊 ,How are you guy's . Good evening pala sa inyo . Finally We're back home ,safe and sound. Anlayo pero kinaya naman. Mabuti lang at sariling sasakyan kahit papaano naiinat ko mga paa at binti ko sa loob ng sasakyan. Iniisip ko paano kaya kung nag commute lang kami. Bka kung commute siguradong di na ako sasama sa sunod.haha By the way mga frennies ayan po ang mga take home namin na pagkaing bukid. May Butong o buko . Butong ang tawag sa bisaya sa buko ng niyog,habang sa tagalog naman ay Buko. May uwi din kaming pagkalaki laking papaya. Akalain mo inabot sya ng kulang 3kilos na timbang. Tapos sariwa at bagong pitas pa talaga na kalabasa. Meron din saging na saba o kardaba na hilaw. Kardaba kung sa bisaya at saba sa tagalog. Yung saging at buko hindi ko na napicturan kase nasa sasakyan pa . Bukas nalang po mga kaibigan ha. Teka kain na muna tayo hapunan. Daming gutom na talaga. Kain na din po kayo ha. Ingat sa mga may outing po.

@FiveKs

What's up frennies 😊 Magandang hapon sa inyong tanan. We are heading our Way to Lamao ,Liloy . Medyo mahaba habang byahe din ito . At yung braso ko ay medyo nangangawit na dahil si baby ewan ko ba kada byahe namin ay natutulog. Kinuha ni Mama kasi nangangawit na nga braso ko . Aba ay anlakas ng pang amoy ei, akalain mo tulog na tulog tapos nagigising pag kukunin ng iba. Tapos pagbalik sa akin tulog ulit. Lakas ng pang amoy ng mga baby noh? Ganito din ba baby nyo sa anak ko? Grabe sakit na talaga pati mga hita ko nangangawit kase mataas na talaga timbang ni baby. Owsya mamaya na ulit mga Frennies . Ingat alwats ha .Bye for now 😉

@FiveKs

Aga nakatulog ng aking babyloves. Last night natulog kami 1:30am na tpos kanina nagising kami ng 6:30am . Konting lang pala yung tulog namin . Hindi nakompleto yung oras ng tulog. Tapos pinakain ko si baby pero kaunti lang nakain nya . Yun pala ay dahil napo popo sya . After nya mag poop pinakin ko ulit tapos minuto lang napikit pikit na mata nya . Edi inihele ko ,ayan palakda na sya hehe. Makakaligo ako ng maaga ,magapagsabit pa ako ng aking paninda at mkapagdotdot sa cp ng mahaba habang oras. By the way nakapaglaba na pala ako ng mga damit nya . Naisampay ko na din. After ko dito magpost ,mag out naman ako para maligo. and lastly kain na po kayo dahil kamo maaga kami nag breakfast . Ingat kayo always mga ganda at pogi kong frennies 😊

@FiveKs

Good morning Dear Friends 😊 Rise up and Shine guy's . Galaw galaw ang katawan para maexercise. Aga namin nagising ni baby . And then heto nasa labas kami at naisipan ko bisitahin si Lemon 🍋 . Natutuwa ako green pa din sya , Wala pa din pagbabago sa kulay nya pero sa size ang laki laki na nila . Look at the second photo malapit ng malakihan ang palad ko. Ano kayang lemon ito bakit ang laki. Hindi talaga sya kagaya ng mga normal na lemon na nabibili sa market na maliliit ang size. Nakakatuwa talaga first fruit nya ito . Third photo naman mga bagong buko na 🍋 ,nakaraan bulaklak palang pero ngayon unti unti ng lumalaki. Andami na nyang bunga . Kawawa yung sanga baka mabali kase malalaking lemon talaga ito . Ngayon lang ako nakakita ng lemon na pagkalaki laki, para syang suha . Mamaya nga mag research ako ng iba't ibang klase ng lemon para malaman ko kung anong variety ito . Osya ingats lagi mga frennies . Lalo na yung mg papasok sa work ,ingatan ang inyong sarili at mga gamit .

@FiveKs

Electric Power is Back Hello Dear Friends 😊 May gising pa ba ? Finallyay kuryente na at makakapagcharge na po ako. Sa tagal bumalik ng power ayan si baby nakatulog na . Sando isinuot ko at super init kanina. Mamaya susuotan ko na sya ng jacket nya pag medyo nilalamig na sya . Hindi pa ako makatulog at masama yung timpla ng aking tiyan. Para bagang may nagarambulan sa loob. Parang gusto ko mag Cr na ewan . Di ko maintindihan yung tiyan ko ei. Baka dahil ito sa kape ,nagkape kase ako at may tuyo dine yun ang best partner ei. After ko kumain parang naga alburuto na tiyan ko. Medyo tahimim na ,tulog na siguro ang karamihan. Ay sya ako ay mag crna nga muna at masama na talaga ang lagay ng tiyan ko. Parang bibigay na ei. Goodnight na mga pogi at ganda . Ingats always

@FiveKs

Snack /Minute Burger 🍔 Hello My Dear Friends , 😊 Good evening sa inyo. May kwento na naman ako sa inyo. Dahil po black out kanina at until now po naisipan namin ni baby magpunta sa tindahan nina Mama. Pagdating namin dun may kuryente ,so nagcharge naman ako pero mung pauwi na kami syempre masaya ako at nakapagcharge kako. Ala naman anong dismaya ko nung nakita hindi man lang na charge nakargahan o nadagdagan yung battery ng cp ko. Kaya heto palowbat na cp ko. Umuwi kami na malungkot ako.hayys. Tapos ayan napagastos lang ako sa meryenda kanina,haha Mahal din pala burger sa Minute Burger 🍔 kaloka Nakaubos ako ng kulang 200 . Di bale nabusog naman sila. Siguro mamaya may kuryente na din . Ingat po kayo ,maya ako reply sa mga comment nyo ha.

@FiveKs

Lunchyyy Hello Frennies 😊 Let's eat Lunch . Happy me daming veggies ayyiee. Yung gatang kalabasa mga friends ay galing kay Maam Emz. Ohh Jivahhh bait ng neighbor namin. Yung gatang langka naman binili sa sentro luto na tapos adobong manok at pansit dun din binili sa sentro. Sarap ng kain ko neto ,sarap ng mga gulay talaga basta fresshh. Si baby ko din ginaganahan kumain kase yung ulam nya na shanghai kanina . Ayy hindi na paka un umabot ng lunch at kanina palang ay naubos na . Kayo po anong food for Lunch ninyo? Share naman dyan.

@FiveKs

40th Jil Anniversary Worldwide year 2018 Hello Beautiful People 💕 I have my throwback photo here, that i want to share with you all. Hmm it was taken wayback 2018 at the luneta park . We we're celebrating a 44rth anniversary of JIL CHURCH Worldwide. That time i was still single hehe. Namiss ko lang mga ganyang event sa buhay ko. Ang sarap kaya pag single ka ,you can go everywhere you want . You go home anytime you want. Pero pinili ko na mag asawa kaya malaking adjustment talaga. Sa ngayon I am 2 years Married na at may baby na so medyo nangangapa pa din ako. There are times na namimiss ko balikan yung mga dating event sa buhay single ko pero pag nakikita ko si baby mas , pinipili ko nalang na mag focus sa kanila ng Asawa ko. Kase bago na ang buhay ko ,hindi na ako single ,hindi ko man mabalikan o magawa ulit yung dati ,alam ko pede ko naman gawin ulit na kasama na ang pamilya ko. Kapag nagpamilya tayo pala dun tayo nagiging matured mag isip. I mean matured na ako mag isip dati pa pero iba pa din yung level ng pag iisip natin kapag may anak na ,may pamilya tayong binubuo. Each and everyday maraming nagbabago sa atin ,araw araw ko din naiisip na ok lang pala balikan yung past life natin pero sa alaala nlang ,iba na kase yung future natin. Ow dibaahh napapaisip din kayo at namimiss nyo din yung single life nyo! Yung iba mas gusto nila maging single ulit for their own personal reason. Ano ba yung possible na dahilan? Naku napakadami. Saka ko na po discuss sa inyo at mapapahaba na naman ang babasahin nyo. Bye bye muna ,balik ulit ako pag may naisip na akong ishare sa inyo. Always ingats kayo 😉😁👋

+2 more

@FiveKs

Early Blessing 💟 Lumpiang Shanghai Hello Dear Friends 😊 Good morning 🌅 Rise up and Shine guy's. Amg ganda ng umaga ngayon. Malamig pero may Araw na nakasilip. Kamusta po kayoga kaibigan? Ako maaga ako nagising kase nagsimba kami. As usual mumukat mukat pa dahil bitin sa tulog. Pero one a week lang naman ang simba so need talaga bumangon. Since si God naman laging may oras sa atin ,so tayo dapat ganun din ,once a week lang naman hinihingi sa atin kaya no reason para hindian pa natin. By the way bago pa mapunta saan tong kwento lo ,ipe Flex ko na itong maagang biyaya n natanggap namin for today's video.chatt As always maaga kumatok si neighbor yo hand me yhis lumpiang shanghai. Sabi ko wow ang aga mo naman nakapagluto Maam. Sabi ni Maam Emz ,uo maaga nga kase andyan yung anak ko ( si Micheal). Request nya ito. Hmm umuwi pala yung anak nya ftom boarding house. Nagdodorm kase ang anak nya na college. So ayon mag thank you naman ako tsaka umalis na si Maam Emz. For sure madami na naman makakain ang anak ko kase paborito nya to. So mga frennies alam na ulam namin mamaya ,hehe Ito muna sa ngayon . Balik ako mamaya. Ingat kayong lahat .

@FiveKs

Oh Lord 🙏 ikaw lang makapagpalayas sa mga bagyong ito. Huwag mo na po iallow na maglibot din itong si Queenie na katulad ni Paeng. Nasa iyong mga kamay ang aming kaligtasan Panginoon. Itinataas ko po sa Iyo ang buhay ng bawat isa sa amin na mga anak mo. Panginoon alam ko na wala kang katulad, walang sinuman ang makakahigit Sayo at Nag iisa ka lang Lord. Sa yo ko ipinagkakatiwala ang buhay ng aking pamilya at aking mga kababayan. Panginoon walang imposible sa Iyo. Ako ay humihiling na kalingain Mo at dinggin ang dasal ng bawat isa sa amin. Panginoon wala kaming magahawa kung wala ka. Ikaw na po ang bahala sa buhay namin Panginoon. Amen Mga kaibigan hindi pa natatapos itong si Paeng ngunit mau kasunod na agad Ganun pa man patuloy lang tayong manalangin para sa ating pamilya at mga kababayan. Muli maging alerto tayo at huwag makakalimot sa Diyos.

@FiveKs

Hello Mga kaibigan Iyo na yung update ko kung bkit ako naiinis at nababadtrip kanina hanggang ngayon. Me and my Sister's conversation. I ask her na umuwi na kahapon pa dun sa bahay namin sa Cavite City dahil nga may bagyo. Knowing ma yung lugar nila sa kawit kung saan sila nakatira ay malapit pa sa ilog . Naiinis ako kase nagmamatigas pa kesho may taas daw bahay nila. Bunso namin yan sa babae kaya syempre mag aalala ako dahil hndi naman kami sanay na malayo yan sa amin. Bago lang sya umalis sa bahay namin sa cavite para magsarili na sila ng Asawa nya dahil may dalawa na nga silang anak. Nahihiya na daw sa akin kase lampas isang dekada na silang nakikitira sa akin. Sa akin naman walang problema kase wala naman ako dun, sina nanay at mga bata lang nakatira dun. Hindi ko talaga napilit na umuwi at isa pa wala na daw madaanan ang mga sasakyan kase bhang baha na sa noveleta . Sa picture anjan yung mga nahingi ng tulong para ma rescue yung van na inanod sa noveleta kase pinilit pang dumaan di na nga pede at sobrang baha na. Naku delikado dahil madaming sakay yung van. Pray Tayo guy's , malakas si Paeng pero mas Malakas at Makapangyarihan si GOD

+2 more

@FiveKs

My Parcel Has Arrived Hello again Dear Friends . Kamusta po ulit kayo ? Ako medyo hindi ok ,basta mamaya ikwento ko po. Sa ngayon gusto ko lang muna good vibes tayo,at gusto ko din i share sa inyo itong legit Apps na ito kung saan ito yung nagbibigay sa akin ng mga Collectiom ko kay SHEIN. Pero bago yun flex ko muna po itong inorder ko last week sa Shein. Ang bilis dumating ,knia lang po ito deniliver at free of charge din. Pang Gift ko po ito para sa pasko. Syempre wala po ako dyan inilabas kahit piso. As in Free po lahat yan. Bigay po sa akin ni Premise Survey apps. Sabi nga basta may tyaga palaging may biyaya. Tyagaan lang talaga sa pagsagot sa mga surveys na napakadali lang naman. Kung gusto nyo po subukan punta lang po kayo sa playstore at idownload ang Premise . And then register lang gamit ang inyong email at bind your paypal account para sa cash out direct sa PayPal ang inyong pera,. May ibang ways pa ba to cash out? Yes po meron po pedeng bank account mo kaya lng mataas ang minimum pay out pag bank account. Sa Paypal 250 pesos lang na maipon mo makapag cash out kana agad. Baka may ibang legit apps din po kayo pede nyo po i share s ating Comment Section. Para din makatulong tayo sa iba. So ayan lng po muna at mamaya na ako magdrama. Tatawagan ko pa ulit yung kapatid ko na matigas ang ulo. By the way andun na po si Bagyong Paeng sa kanila sa Cavite, signal #3 na po doon. Patuloy po tayong manalangin para sa ating mga kababayan.

@FiveKs

Left over Chiken Sotanghon Hello Dear Friends 😊 Good afternoon . Na late ako ng gising dahil late din talaga ako nakatulog . Kung hindi pa ako dinaganan ng anak ko ay di pa talaga magigising. Kamusta po pala dyan sa lugar ninyo? Dito sa amin sa Zamboanga Del Norte wala na pong ulan, sobrang init na po pero nawawala din agad dahil biglang nakulimlim. Mga karatig bayan namin inabot ng baha. Thanks God kami dito ulan lang talaga. Wala din humpay ang panalangin namin dito lalo ng mga Inlaws ko na Pastor at Pastora. Ay teka kumain na ba kayo? Kami po ngayon palang .Si baby kanina ko pa pinakain. Ulam namin yung kagabi pa din na chicken sotanghon ,left over lang ,sayang kase kung di kakainin sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon ,bawal na bawal na talaga magtapon ng pagkain. Ininit ko naman dahil hindi naman sya nasira. May iba naman kaming ulam ,merong pork adobo sa asin at merong pork nilaga bisaya version at yan ang inulam ni baby. Ako ok na ako dito sa tira tirang Sotanghon. Masasayang to kung walang kakain. Hindi naman ako maarte sa pagkain basta safe kainin ay go ako. Ow sya napahaba na naman, ganito siguro talaga noh kapag sanay sa sales hindi nauubusan ng salita . Dati po kase akong brand promoter, beauty consultant ,cashier at naging Secretary sa Ob Clinic. Ang dami noh. Haha pasensya na ang daldal ko po talaga. Kain na po kayo . At patuloy pa din tayo manalangin ha ,hindi para sa ating sarili kundi para sa iba nating mga kababayan na nsalanta ng bagyo. Hindi man natin sila matulungan through Financial atleast through prayer malaking bagay na yun para sa kanila. Ow sya Ingat kayong lahat at ugaliing magpasalamat sa Diyos sa anumang oras ,may pagsubok man o wala . Bye bye 👋

@FiveKs

Paeng Distroyed so many lives. Let's pray and pray for our kababayans and for our Country . Good morning Dear Friends. Up until now i am still awake. , And I'm just done with my prayers. And of course i include in my prayers our fellow kababayans and places where in Typhoon Paeng landfall . My heart is bleeding when i saw some photos of dead people and animals amidst Typhoon Paeng. This animals can save their self if their owner untie them., But the owner didn't think of their pet , If we are a pet owner we must also think our pet ,if we cannot bring them with us in times like this ,better to let them free so that they can save their self when things like this happened. I feel pity for this animals. They don't deserve to die like this . Please every one who has pet at home . Be responsible owner please . Don't just think to save yourself ,think of your pets too . They also has life to save . #PrayForPhilippines

+1 more

@FiveKs

Mi Soup 🍲 Hello Dear Friends ,So cold evening guy's. Grabe pakiramdam ko ay nabuga ng yelo yung electric fan namin ei. Ala ei naka #1 naman pero pagkalamig lamig ng buga talaga. Kaya heto naghanap ako ng pampainit sa aking gabing malamig. Are nga pala ang aking pampainit oh, Mi Soup kapatid ni Mi Seddap . hehe Pagka anghang pala Nare ,parang akong nahigop ng siling pinagiling ei. Tiyan ko laang ang nag init tapos yung ilong ko isang subo isang punas sa ilong haha Ala paiiyanin ka nare sa anghang. Paano ga nang di aanghang ei nailagay ko lahat yung Chili sauce at chili powder . Agoy akala ko nan ei magkaiba yun. Nakalimutan ko na patehas nga lang pala yun sa Mi Seddap , Si Mi Seddap walang sabaw yan lang kaibahan nila . Diniskartehan ko nalang para aking maubos. Kumuha ako ng kanin at sinabaw ko sa kanin ay digay solve hindi na gaanong mahalang. Mukhang ang sarap tingnan ei. Pero beware mga migo at pagkaanghang nyan.

@FiveKs

Hola Amigo amd Amiga Gabi na pala masyado akong na busy kakahanap ng mga legit apps na pede pagkakitaan. Baka po meron pa kayo dyan alam share nyo naman po. Anyway hi way ,kumain na ba kayo ng hapunan? Kami ni baby ay tapos na po. Ayan po yung pagkain namin. Chiken Sotanghon at Fried Chicken . Take out lang ng mga inlaws ko kase sa sobrang lamig ng panahon walang nglako ng isda. Kaya bumili na lng ng luto na. Kain na kayo mga migo . Sarap matulog ngayon napakalamig ng panahon. Pag pray po natin ang mga lugar na apektado ng bagyong Paeng especially yung aklan.

@FiveKs

Mas Masakit pa ito sa break up 😭😞😞 Humangin ng malakas kanina tapos natanggal yung kalang na kahoy dun sa pintuan . Tapos tumama sa sinasabitan ng aking mga panindang damit. Umurong yung sampayan na naging sanhi para maatrasan yung whole body mirror ko. Sakit sakit wala na nga palaging benta tapos nabasagan pa ng isa sa importanteng gamit sa tindahan .huhu Mahal pa naman ng whole body mirror. Wala na ,wala na yung whole body mirror ko mg frennies. Nakakalungkot naman . Sana may mag wholesale para makabili ulit ng bagong Whole body Mirror Habang winawalis ko yung mga pira pirasong salamin ,naiiyak ako ei. Haiistt paano ga are !

@FiveKs

Pagkaing Probinsya Hello Frennies 😊 Kakatapos ko pang maligo at gaya ng aking inaasahan. Ngatog ang tuhod sa lamig haha. Pero kahit ganun pa man walang makakapigil sa akin basta gusto kong maligo. Well di naman yang pagligo ang aking topic talaga,kundi itong mga pagkaing nasa larawan. Naka Collage na para isahang upload nalang. Kasalukuyan po na yan ang aming pagkain ngayon. Nilung-ag na saging sa bisaya at sa tagalog naman ay nilagang sagig . Ang sarap mga frennies lalo at may ginamos. Pagkalamia ba ,dili ni madugay mahurot ni tanan karun kaya pagdali namu ,kaon na ta. Sa sobrang sarap nakapagbisaya na si Inday Azlyn haha,. Yung paku at papaya bukas yan sigurado ulam namin. Gagataan nalang aysus pagkasarap na naman. Dagdag na naman timbang sigurado.hehe Kain tayo mga frennies . Sarap din mangape at pagkalamig talaga ei.

@FiveKs

Rainy Morning Dear Friends 🌸 Ang lamig ng umaga dahil kagabi pa maulan. Kamusta kayo mga kaibigan, kamusta po sa lugar ninyo. Ingat po palagi ha at be alert kase may bagyo. Anyway Kain muna po tayo . Maaga kami nakaluto kase lahat kamo maaga nagising. Paano sa sobrang lakas ng ulan hindi na kinaya nung bubong netong inuupahan naming bahay. Ayon daming part ang tumutulo . By the way ito yung breakfast namin ginisang upo at scrambled egg. Thanks God kase nagustuhan naman ni baby ang lasa kahit yung gulay nakain sya . Hindi ko na ito pahahabain mga kaibigan. Kain na pp tayo. Kayo din pp kain na . At palaging magdasal dahil tanging panalangin lang ang pinakamagandang sandata natin kahit anumang sakuna yan kayang kaya. Ok ? Ingat kayong lahat . Mwuaahh Wag na gumala at maulan at hinay hinay sa pag drive ha madulas ang daan.