read.cash Log in
@FiveKs

Mi Soup 🍲 Hello Dear Friends ,So cold evening guy's. Grabe pakiramdam ko ay nabuga ng yelo yung electric fan namin ei. Ala ei naka #1 naman pero pagkalamig lamig ng buga talaga. Kaya heto naghanap ako ng pampainit sa aking gabing malamig. Are nga pala ang aking pampainit oh, Mi Soup kapatid ni Mi Seddap . hehe Pagka anghang pala Nare ,parang akong nahigop ng siling pinagiling ei. Tiyan ko laang ang nag init tapos yung ilong ko isang subo isang punas sa ilong haha Ala paiiyanin ka nare sa anghang. Paano ga nang di aanghang ei nailagay ko lahat yung Chili sauce at chili powder . Agoy akala ko nan ei magkaiba yun. Nakalimutan ko na patehas nga lang pala yun sa Mi Seddap , Si Mi Seddap walang sabaw yan lang kaibahan nila . Diniskartehan ko nalang para aking maubos. Kumuha ako ng kanin at sinabaw ko sa kanin ay digay solve hindi na gaanong mahalang. Mukhang ang sarap tingnan ei. Pero beware mga migo at pagkaanghang nyan.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.