read.cash Log in
@FiveKs

Finally We're back Home Hello Dear Friends 😊 ,How are you guy's . Good evening pala sa inyo . Finally We're back home ,safe and sound. Anlayo pero kinaya naman. Mabuti lang at sariling sasakyan kahit papaano naiinat ko mga paa at binti ko sa loob ng sasakyan. Iniisip ko paano kaya kung nag commute lang kami. Bka kung commute siguradong di na ako sasama sa sunod.haha By the way mga frennies ayan po ang mga take home namin na pagkaing bukid. May Butong o buko . Butong ang tawag sa bisaya sa buko ng niyog,habang sa tagalog naman ay Buko. May uwi din kaming pagkalaki laking papaya. Akalain mo inabot sya ng kulang 3kilos na timbang. Tapos sariwa at bagong pitas pa talaga na kalabasa. Meron din saging na saba o kardaba na hilaw. Kardaba kung sa bisaya at saba sa tagalog. Yung saging at buko hindi ko na napicturan kase nasa sasakyan pa . Bukas nalang po mga kaibigan ha. Teka kain na muna tayo hapunan. Daming gutom na talaga. Kain na din po kayo ha. Ingat sa mga may outing po.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.