read.cash Log in
@FiveKs more from that month

Left over Chiken Sotanghon Hello Dear Friends 😊 Good afternoon . Na late ako ng gising dahil late din talaga ako nakatulog . Kung hindi pa ako dinaganan ng anak ko ay di pa talaga magigising. Kamusta po pala dyan sa lugar ninyo? Dito sa amin sa Zamboanga Del Norte wala na pong ulan, sobrang init na po pero nawawala din agad dahil biglang nakulimlim. Mga karatig bayan namin inabot ng baha. Thanks God kami dito ulan lang talaga. Wala din humpay ang panalangin namin dito lalo ng mga Inlaws ko na Pastor at Pastora. Ay teka kumain na ba kayo? Kami po ngayon palang .Si baby kanina ko pa pinakain. Ulam namin yung kagabi pa din na chicken sotanghon ,left over lang ,sayang kase kung di kakainin sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon ,bawal na bawal na talaga magtapon ng pagkain. Ininit ko naman dahil hindi naman sya nasira. May iba naman kaming ulam ,merong pork adobo sa asin at merong pork nilaga bisaya version at yan ang inulam ni baby. Ako ok na ako dito sa tira tirang Sotanghon. Masasayang to kung walang kakain. Hindi naman ako maarte sa pagkain basta safe kainin ay go ako. Ow sya napahaba na naman, ganito siguro talaga noh kapag sanay sa sales hindi nauubusan ng salita . Dati po kase akong brand promoter, beauty consultant ,cashier at naging Secretary sa Ob Clinic. Ang dami noh. Haha pasensya na ang daldal ko po talaga. Kain na po kayo . At patuloy pa din tayo manalangin ha ,hindi para sa ating sarili kundi para sa iba nating mga kababayan na nsalanta ng bagyo. Hindi man natin sila matulungan through Financial atleast through prayer malaking bagay na yun para sa kanila. Ow sya Ingat kayong lahat at ugaliing magpasalamat sa Diyos sa anumang oras ,may pagsubok man o wala . Bye bye 👋

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.