Random and senti thoughts lang ngayong araw. Walang words of wisdom, walang positive thoughts, isang malayang pagsusulat lang saking pagbabalik tanaw sa mga nakakalungkot na kaganapan.
Hanggang kailan kaya ang pandemya. Mahigit isang taon na simula nung maapektuhan ang bansa. Nagsimula sa "hindi sila makakapasok" hanggang sa dumating si Patient # 01. Pumila sa loob ng supermarket sa loob ng dalawang oras dahil sa panic buying ng mga tao. Ubos ang tinapay ultimo Ligo, ano ang naiwan? Yung mga mahal na produkto hahahaha. Araw-araw nakikinig ng balita, araw araw nagtatakenote ng bilang ng mga kaso. Hanggang napagod na, nkakapagod din pala? Yung araw araw na puro positibong kaso naririnig mo sabayan pa ng panay reklamo sa gobyerno. Masakit sa ulo, masakit sa bulsa lahat na ng sakit narandaman ngayong pandemya. May kumatok, nag interview naglista pero walang natanggap na kahit piso na ayuda kahit seniors na ang mga magulang. Bakit daw? "hindi kasi kayo kasama sa poorest of the poor", oh sige intindihin natin, sana maibigay sa mas nangangailangan, ganon na lang kasi meron pa naman, kaya pa naman. Ang daming lalong nag hirap, ang daming nagutom tas mababalitaan mo yung mga nakatanggap ng ayuda, pinambili ng cellphone, pinang rebond ng buhok? Minsan ang hirap na din tumantya, mahirap manghusga pero sana marunong magpahalaga hindi yung aasa na lang porket may natatanggap na ayuda.Daming nawalan ng trabaho, daming nawalan ng mahal sa buhay, kaya parang nkakahiya naman magreklamo sa Kanya, sa maliit na problemang dinadala.
Unang tatlong buwan, nagpahinga sa negosyo kasi hindi naman kontrolado ang supply at demand ng panahon na yon. Hindi malayang makapasok sa bawat lugar dahil sa check point. Kung hindi ka essential, pahinga ka muna. May mga nagpahingang negosyo pero meron ding mga umusbong. Nakakatuwa na sa kabila ng pandemya eh biglang sibol ang mga bagong negosyo ng ilang kababayan para lang mairaos ang araw-araw na pangangailangan. Huminto ang mundo pero hindi ang bayarin ko. Naubos ang kaunting ipon na nalikom pambayad sa mga ito. Bute na lang kahit pano may mga platform na pwedeng gawing raket. Ilan na ba naikot ko?at nakakatuwa na nagkakasama sama pa din kami ng ilang virtual friends ko sa mga platform na pinupuntuhan ko.
Sa tatlong bwan na pahinga, inuna ko ang mental health ko.Nag binge-watch ng Kdrama, bumalik sa pag guhit, nagpinta, naglaro ng mobile games at nagbasa...mga bagay na di masyadong nagawa bago ang pandemya. Kung may mga malungkot or nakakapangambang kaganapan mayron din namang mga benepisyo at aral. Nagkaron ng bonding ang pamilya dahil sa nagkaron ng work from home. Nagkaron ng quality time ang magulang sa kanilang mga anak, vice versa ang anak sa kanilang mga magulang. Nauso ang pag roroom decor at pagrerenovate ng mga kabahayan. Umusbong lalo ang mga plantito at plantita para may mapaglibangan. Ginagawa natin ang lahat para makasurvive araw-araw.. dahil bukod sa hirap ng ekonomiya, hirap din ang ating isipan sa mga problema.
Naalala ko lang, isa sa pinakamalungkot na balita yung pambubogbog sa mga kababaihan ng kanilang asawa. Bakit nga ba? Dahil sa reyalidad, mas marami pa ang oras natin sa trabaho kesa sa bahay, kaya siguro may mga asawang di nagkasundo at nauwe sa sakitan. Marami din sinilang na bata dahil sa pandemya, kasi mas maraming oras na magkasama hindi ba?hahaha. Okay lang yan, basta kaya buhayin ng maayos, huh? 😉 Unti-unti kong hininto ang panonood at pakikinig ng balita, na ultimong may bagyong Dante na pala pero di ko pa alam lol. Ilang patayan ang naganap, mga pulis na namaril ng inosenteng sibilyan, mga insidenteng sinunog ng buhay, mga personalidad na nag aaway- away. Andaming nangyare na hindi na kaya iproseso ng utak ko kaya kinailangan kong umalis sa mundo ng internet. Iniwan ang facebook at instagram para maiwasan ang mga toxic na posts o tao na di makakatulong sa mental health ko. Hanga ako sa mga taong matatag ang kaisipan, dahil ako?Ultimong "kamusta ka na" na tanong galing saking mga kaibigan eh hindi ko kayang sagutin ng payapa.
Sa daming nangyare sa mundo at sa kabila ng problema, marami pa ding dapat ipagpasalamat. Malapit na namen matapos ang sarili naming bahay sa Bulacan, salamat sa ate ko. Ligtas kami..,ang magulang ko, at mga kapatid ko,pati mga malalapit sa aming kaibigan at kamag anak ay ligtas lahat. Sa dami ng nangyari sa mundo, ipagpasalamat natin na hanggang ngayon buhay pa tayo,
Hanggang dito na lang ang pagbabalik tanaw ko. Pagpaumanhin nyo na kung wala atang pinatunguhan ito haha. Nasa mood ako ngayon para magsenti habang pinapakinggan ang bawat pagpatak ng ulan...
*Photos are all mine
Despite all the chaos going on, gratitude heals the soul.
Ang bigat ng hugot, sis. Seriously, naabsorb ko yun 😪
introvertedempath
I hope all is well. xoxo